Kahit kelan di pa ako nag-out door camping, lagi kasing indoor camping ang nasasalihan ko eh. Kaya sumali ako at ang nakakinis lang dun si Lucas lang ang sumali. Ewan ko ba sa mga yun. Ang aarte, dagdag grades naman din to
"Olivia, handa ka na ba?" Tanong ni mama
"Opo ma" sinirado ko na ang bag ko at sumunod kay mama pababa
"Alam mo ba anak? Dati ang Papa mo nag-a-outdoor camping din" sabi ni Papa habang nagda-drive sya
"Talaga po?!"
"Oo. Ang saya nga eh. Challenging pero marami ka namang matututunan tungkol sa survival"
Kiniss ko sila sa pisngi at nagba-bye
"Aivilo!!!" Pagkalingon ko nakita ko sa Lucas tumatakbo papunta sa 'kin
"Wag ka ngang mag-iskandalo dito" bulong ko
He chuckles "Ready ka na?"
I nodded
Dumating na ang bus at sumakay na kami
Tabi kami ni Lucas sa bus, since wala naman din akong kakilala dito
Nilabas ko yung book ko at nagbasa
Pagkalingon ko sa kanya nakita kong nagbabasa din sya ng book ni R.L Stine "Goosebumps." Naalala ko yung movie nun. Ang ganda, promise
"Alam kong ang pogi ko kaya wag mo na akong titigan"
I chuckled "Baliw, libro mo tinitignan ko"
"Wews. Deny pa" I punch him playfully
"Ewan ko sa'yo"
Tumawa na lang din kami
Halos nasa kalagitnaan na ako ng libro ko. Pagkatingin ko kay Lucas, nakapikit sya at nakahawak sa bibig
"Nasusuka ka ba?" Tanong ko
"Hindi, nahihilo lang" tinago nya na yung book sa bag nya
Medyo inaantok na ako at malayo pa naman ang destination kaya tinago ko na ang book
Pagkasandal ko sa headreast, yung ulo ni Lucas nasa balikat ko. Actually akala ko may pagka-weird kasi sa mga nababasa ko babae yung gumagawa nun pero hindi. Comforting pa nga eh. Sinandal ko yung ulo ko naman sa ulo nya
Nagising ako dahil kay Lucas
"Sorry, nagising kita" sabi nya
"Ayos lang"
"Mabigat ba yung ulo ko?"
"Hindi naman"
Tama nga si Papa; mahirap nga ang outdoor camping. Pag-set pa lang ng tent hirap na hirap na ako. Tinulungan ako ni Lucas sa lahat ng activities at sya naging partner ko din
"Mabuti ka pa ang dami mong alam tungkol sa outdoor camping" sabi ko
Lahat kami nagbo-bonfire na. Ang daldal talaga ng lahat, kaya yung usapan ng iba hindi maririnig
"Tara dun nga tayo" suggest nya
Hindi naman kami masyadong malayo sa Bonfire kaya medyo rinig pa rin ang mga boses ng kasama namin
"Ano gusto mong pag-usapan?" Tanong ko
"Hindi ko alam. Gusto ko lang sa tahimik na lugar kasama ka"
Lumingon ako sa kanya
"Hindi naman ganun! Walang malisya! Promise" I nodded
Ang tahimik namin hinga lang namin maririnig hanggang pinutol ko ang silence
BINABASA MO ANG
Always
Teen FictionOlivia Bautista fell in love with Lucas Bautista, a very handsome young man. Masaya naman ang naging relationship nila even though may jealousy at tampuhan syempre nornal naman iyon. Nasubukan ang kanilang relasyon nang magka-amnesia si Olivia and...