Ba't hindi ko pa nadala ang mga books? Tambak tuloy yun sa bahay. Sana 'wag naman pakialaman ni Chan-chan.
Napansin ko lang, ni buhok ni Lucas o ni Vincent di ko man lang napansin o nakita
Pagkapasok ko ng American literature and culture class nagtanong ako kay Alyssa
"Alyssa, napansin mo ba si Lucas o Vincent?"
"Hindi nga eh, eh ikaw, napansin mo ba si Jane o Riley?"
"Hindi din. Si Aj?"
"Si Aj pumasok, dahil sya pa mismo ang kasabay ko nung first class"
"Imposible naman na lahat sila may sakit. Ano kaya trip ng mga yun?"
"I don't wanna know. Tsaka mas okay na rin kung nagbobonding din sila"
"Point"
Pagkapunta namin sa lunch table, si Aj lang ang nandun
"Aj alam mo ba kung nasan yung iba?"
"Hindi rin, yun nga din itatanong ko sa inyo eh"
"Ay! may nakalimutan nga pala ako. Kailangan ko mag-borrow ng mga books"
"Mamaya na, mag-lunch ka muna" reklamo ni Alyssa
"Kainin ko na lang on the way to the library" nung tumalikod si Alyssa I wink at Aj and mouthed "galingan mo" sabay iniwan ko silang magkasamang mag-isa
----------
Finally! Dala ko na ang mga hiniram ko na books at nagpasalamat naman ako dahil hindi ito pinakiilaman ni chan-chan
Pagkatapos kong ibalik yung books dumiretso na ako ng caffeteria para kumain na
Nagulat ako at parang nahirapan akong huminga. Nakita ko si Lucas hawak-hawak yung kamay ni Alyssa at mukha pa siyang masaya
Hindi ko na kinaya at lumabas na ako ng caffeteria para pumunta sa likod ng school
Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Pero bakit? Bakit ko gustong gawin ang mga 'to?
"Sa lahat patalaga ng popormahan mo, sya pa!" narinig kong may sumigaw. Pagkasilip ko nakita ko si Aj na nagdadabog at sipa ng sipa sa lupa
"Aj?" Bigla syang lumingon sa 'kin at napaupo sa lapag
"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong nya sa 'kin
"Ikaw nga dapat kong tanungin eh. Ba't ka nagwawala?"
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita si Lucas pinopormahan si Alyssa kanina?"
Napaupo ako sa tabi nya "Nakita" bulong ko
"Tangina naman si Lucas! Sa lahat pa talaga---- bakit si Alyssa pa? Hindi nya ba alam na sinusubukan ko ngang ligawan si Alyssa pero nilalamon ako ng pagkatorpe ko? Bwisit! Bwisit sya! Bwisit 'tong pagkatorpe ko!" sabay sipa sa lupa
"Bakit mo nga ba sya mahal?"
Lumingon sa 'kin si Aj "Kasi nasasaktan ako kapag malungkot sya. Nung nakausap ko sya sobrang saya ko nun"
"Edi sabihin mo sa kanya"
"Ang alin?"
"Ang mga sinsabi mo sa 'kin"
"Pero---"
"Sundin mo ang sinasabi ng puso mo hindi isip, huwag mong hayaan na maunahan ka ng iba"
Hinawakan nya yung kamay ko at tumayo
Tumakbo kami sa hall na naka holding hands at pinagtitinginan kami pero hindi ito pinansin ni Aj tumakbo lang sya papunta sa Caffeteria
Malakas ang pagkabukas ng pintuan kaya marami ang napatingin sa amin
"Lucas!" sigaw ni Aj
Napalingon sa 'min ang mga kaibigan namin
"Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko kapag may kasamang iba ang mahal ko"
Hindi maipinta ang mukha ni Lucas
Binitawan na ni Aj ang kamay ko at lumapit sa table namin
"Isa lang ang mahal ko at ikaw yun Alyssa" gulat na gulat si Alyssa at marami ang nag-gasp sa caffeteria
Lumuhod si Aj sa harap ni Alyssa "Alam ko gago din ako at marami akong hindi dapat ginawa sa past ko. Alam ko rin na ilang beses ka na napapaiyak ng mga lalaki. Nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak. Hindi ko rin alam kung kelan ba talaga ang right timing para mag-confess pero natatakot na naman ako na mapunta ka sa iba at paiyakin ka na naman. Alam mo ang tanga..." napaiyak si Aj at hinawakan nya ang kamay ni Alyssa "... ang tanga ng mga taong nagpapaiyak sa'yo. Hindi ko ata kaya na paiyakin ka din, kaya ngiti ka lang wag kang iiyak kasi naiiyak din ako eh" tumayo na sya pinahid nya ang mga luha nya at lumabas ng caffeteria
Binigyan ko syang ng two thumbs up at natawa sya sabay nag thank you
----------
Please don't forget to press vote ☆
BINABASA MO ANG
Always
Teen FictionOlivia Bautista fell in love with Lucas Bautista, a very handsome young man. Masaya naman ang naging relationship nila even though may jealousy at tampuhan syempre nornal naman iyon. Nasubukan ang kanilang relasyon nang magka-amnesia si Olivia and...