Chapter 5

60 6 0
                                    

Hay... Finally! Wala na akong eye bags, ibig sabihin walang torture today. Thank you Lord

Pagkatapos kong mag-toothbrush, may kumatok sa banyo

"Nak, simula ngayon gamitin mo 'toh" sabi sa 'kin ni mama

"Pond's?" Tanong ko kay mama

"Oo at may kasama pa 'yang mga lotion at cream. 'Wag ka nang magreklamo, lahat ng yun gagamitin mo kung ayaw mong makeup-an ulit kita" banta ni Mama

Dali-dali kong kinuha sa kanya yung Pond's at naghilamos

"Anak dampi-dampi hindi punas, okay"

Tumango ako 

Grabe si Mama, may palotion-lotion pa at kung ano-anong cream. At least hindi makeup

Pagkapasok ko sa school. Sa wakas wala ng pa "hi" at "hello" ng mga lalaki sa 'kin

"Tsk. Ano ba yan! Pumasok ka pa..." sabi ni Matilda from behind

"Good Morning" sabi ko sa kanya giving her a warm smile

"Tsk. Ang plastik"

Di ko na lang sya pinansin at nagsimula na akong magwalk-away

Narinig ko silang nagsitawanan at alam ko ako ang topic nila

"Uy!" nagulat ako at biglang napatalon

"Ano ba Lucas? May balak kabang bigyan ako ng heart attack"

 "Sorry" sabi nya pero nakangiti

Kinuha ko yung mga notebook nya sa bag ko

"Oh, heto na yung math notebook mo, sinagutan ko na yung mga assignments mo. Heto na rin yung yung reflection paper mo para sa English nyo" inabot ko sa kanya

"The best ka talaga" sabay akbay niya sa'kin

Inalis ko yung braso nya "Diba nga personal maid ako"

Ginulo nya na lang ang buhok ko. Naglakad sya papunta sa room namin pero hindi pa rin naka-alis yung kamay nya sa ulo ko kaya sabay kami naglakad

Nang nag lunch kami, todo maka-examine sa 'kin sina Aj at Vincent

"Sabi ko na nga ba pre, nakita ko na sya" sabi ni Aj

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko

"Di ba ikaw yung naglakas ng loob na sabatin si Matilda" tanong nya

"Ay, Oo pre, sya nga" sabi naman ni Vincent

"Kailan pa?" tanong ni Lucas angrily

"Nung second day" sagot ni Aj

"Mag-usap tayo" sabi nya sa 'kin sabay tayo

Sinundan ko sya papunta sa Music Room

"Ba't di mo naman sinabi sa 'kin?" sinimulan nya

"Kasi hindi naman ako yung tipong naninira ng relasyon"

"Ano?" 

"Siguro nagseselos lang sya, lahat naman ata ng girlfriend ganun"

"Girlfriend? Anong pinagsasabi mo. Ni minsan hindi pa ako nagka-girlfriend"

"Pero, ano kayo?"

"Wala, ni hindi ko nga sya kaibigan eh"

Ang tanga-tanga ko, ba't ba ang bilis ko maniwala?  

Napaupo ako at tinakpan ko yung mukha ko

"Sorry" sabi ko

"Okay lang yan, basta from now on, pagnaglihim ka hahalikan kita"

"Luh, edi wala na akong privacy?" reklamo ko

"Gaga, hindi ganun, yung something hindi naman personal o kaya yung mga ganito"

"Ah...okay"

"Tara na nagutom nako" he lend me a hand and I took it

----------

Please don't forget to press vote ☆

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon