Chapter 6

58 3 0
                                    

Inabot na ng isang week ang pagiging Personal Maid ko sa kanya. Hindi naman mahirap ang task, magtui-tuitor lang ako pero pag ayaw nya; ako gagawa ng assignment nya sa math

Pumunta ako sa locker ko para kunin yung mga gamit ko nang biglang dumating si Lucas

"Olivia, sa sabado may gala kami, gusto ko sumama ka" sabi ni Lucas

"Sorry, may plans na kasi ako para sa sabado"

"Then cancel it"

"I can't, nangako ako" sabay sirado ng locker ko at umalis

"Saan ka ba pupunta?" tanong nya

"Sa room"

"I mean sa sabado"

"Wala, wag mo nang itanong, secret na yun"

"Akala ko ba wala ng secret"

"Lucas, pwede ba wag mo nang tanungin?" hinawakan nya yung braso ko at napatigil ako sa paglalakad

He pins me to the wall "Sasabihin mo o hahalikan kita?"

"Ano?" little by little syang lumapit sa'kin hanggang super small na lang ang distance namin

"Last chance" nanahimik lang ako nung nakita ko nag-close sya ng eyes at nag-tilt ng head nya, nag-panic ako

"Wait!" dinilat nya ang mga mata nya at umatras ng konti

"Sasabihin mo na ba?" I nodded

"Sa Orphanage"

"Orphanage? Ano naman gagawin mo dun?" pinakawalan nya na kamay ko

"Magpapakasal! ano sa tingin mo ginagawa sa orphanage?" sabat ko

"Weird" bulong nya

"Weird? ba't naman weird?" tanong ko

"Wala pa kasi akong nakikilalang pumupunta sa isang orphanage, kaya siguro, para sa 'kin, weird"

"Hay nako... just drop it, okay?" umalis na ako pero sumabay pa rin sya sa paglakad

Grabe kang lapastangan ka!! Edi weird kung weird!! Palibhasa hindi nyo naman naranasan ang maging orphan. Nako nakakaimbyerna ka!

----------

Hindi na ako kinulit ni Lucas tungkol sa orphanage at thankful ako doon. Hindi nya na rin ako inutusan for the past days. Ano kaya nakain nun?

Mabuti na lang at sabado na. Makikita ko na rin ang mga bata pati na rin ang mga madre. Yehey!!

"Hi po Mother Genevieve" 

"Maraming salamat talaga Olivia sa pagdalaw mo dito at pagtuturo mo sa mga bata ng madalas" 

"Wala po yun"

"I hope hindi naman ito nakasasagabal sa pag-aaral mo, especially sabi mo college ka na"

I smiled at her "Kung tutuusin nga po ang mga bata pa ang nagpapa-relax ng weekend ko eh"

"Mother Genevieve--- Olivia, hija, nandito ka na pala. Hinihintay ka na ng mga bata at maraming salamat talaga" sabi naman ni Mother Clarissa

"Walang anuman" pumasok na kami sa loob

Bago ako pumasok kasama ng mga bata, nag-dramatic sound effect muna ako

Nung narinig nila ang dramatic sound effect, they giggled at ginaya din nila ang sound effect ko

"Hala, asan na kaya ang mga alaga ko" sabi ko ng pabiro at nagkunwa-kunwaring hinahanap sila

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon