Gossip of the week ang confession ni Aj. Bulungan doon at bulungan dito
Sinabi na rin nina Lucas na plinano talaga nilang paselosin si Aj. Nagpasalamat din sila sa 'kin dahil kahit wala iyon sa plano napa-confess pa rin si Aj
Parang gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Uy! Olivia!" sabi ni Aj
"Bakit?"
Sumandal sya sa katabi kong locker "Kundi dahil sa nakaka-inspire mong sinabi edi di ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kaya I owe you another one"
"Alam mo, para mabayaran mo na ako, ilibre mo kami mamaya at seryosohin mo sya please"
"Deal. Sige alis na 'ko" nagba-bye na 'ko sa kanya at umalis na ito
Pagkatapos kong isara ang locker ko aalis na sana ako ng biglang kumulo ang dugo ko dahil narinig ko na naman boses nya
"Akala ko ba may nililigawan sya ba't ikaw kausap nya?"
"Nag-thank you lang sya. Hindi mo ba talaga ako titigilan?"
"He will be mine. Soon, sya naman ang magco-confess" proudly nyang sinabi
"Okay" sinabi ko at umalis
"Di ba ikaw si Olivia" tanong ng isang lalaki pagkaupo ko
"Oo bakit?"
"Grabe ang taray mo. Ikaw pa lang ang nakita ko na naglakas loob makipag sabatan kay Matilda"
"Bakit, may binwisit na ba syang ibang tao?"
"Kaya nga sya binansagang "Queen of bitches" dito eh"
"Ano nga ulit pangalan mo?"
"Regan. Diba nga nag-introduce na ako?"
"Sorry, wala kasi ako sa mood nun eh"
"Close kayo?" tanong ni Lucas
Napalingon kami at nakita kong iba ang expression ng mukha nito
Padabog ang pagbaba ng bag nya sa upuan
"Bad trip ka?" Tanong ko
"Hindi"
"Ba't ka bad trip?"
"Hindi nga ako bad trip" reklamo nya sabay suot nya ng headphones
Daig pa babae na may regla kung mabeast-mode
Tumawa ng malakas si Regan. Napatakip tuloy ako sa bibig nya
"Ang lakas ng tawa mo!" reklamo ko
Dinilaan nya yung kamay ko
"Yuck!!!" sigaw ko habang pinapahid yung kamay ko sa damit nya
"Ang landi" bulong ni Lucas pero narinig ko
Lapastangan! Ano na naman ginawa ko dito?
----------
Una si Matilda, tapos sumunod si Lucas. Ang nakakainis pa, sinubukan ko na ngang suyuin sya--- galit pa rin. Hayop talaga, ang pabebe nya naman. Nag-eefort na nga yung tao
"Olivia, okay ka lang?" Bulong ni Vincent sa library
"Hindi"
"May LQ ba kayo ni Lucas?"
"Ewan ko sa kanya. At anong LQ-LQ?"
"Lover's Quarrel"
"Gago alam ko yun. Quarrel siguro pero LOVER's--- naka drugs ka ba?!"
"Shhhh...." sabi sa 'min ng librarian
"Alis na 'ko" kinuha ko yung bag ko at umalis
"Aivilo!" sigaw ni Lucas nung nakita nya 'ko
"What do you want?" I angrily asked
"Luh! Galit sya!" Walkout na sana ako kaso pinigilan nya na naman ako
"Ba't ka galit?"
I sneer "Nagtanong ka pa. Hindi pa ba halata na naiinis ako sa 'yo. Daig mo pa babae sa mga mood swing mo. Kumukulo dugo ko sa'yo. Lapastangan!"
Bago natapos ang araw napatawad ko rin sya. Di nya 'ko tinantanan. Bago ako pumasok sa mga room ko sinusundan nya 'ko. Ang kulit, kaya pinatawad ko na lang sya. No choice lang naman ako eh
----------
Please don't forget to press vote ☆
BINABASA MO ANG
Always
Teen FictionOlivia Bautista fell in love with Lucas Bautista, a very handsome young man. Masaya naman ang naging relationship nila even though may jealousy at tampuhan syempre nornal naman iyon. Nasubukan ang kanilang relasyon nang magka-amnesia si Olivia and...