Chapter 35

25 1 0
                                    

Tinawagan ko si Olivia at tinanong ko kung tapos na sila sa pagpili ng bridal gown nya

"Sa tingin mo madali lang ang makapili ng perfect gown?!" sigaw ni Alyssa sa kabilang linya

Si Alyssa ang Maid of honor, si Lily, Riley at Jane naman ang mga bride's maid. Si Aj ang best man ko, si Regan at Vincent pati na rin si Hayme ang mga groom's men ko

"Sorry na. High blood ka na agad. Ako na lang titingin dun sa interior design kung saan gaganapin ang wedding reception but kailangan ko sya sa cake tasting, okay?"

"Done and trust me, we'll make her the most beautiful bride"

We bade our goodbyes at nag-end call na ako

Si Papa na daw ang bahala sa mga other marriage file stuff

Pagkapunta ko sa wedding reception, in fairness ang ganda

"Mr. Bautista, you're here!"

"Hello Kim. I love what you've done to the place. Good Job"

"Thank you sir. Uhm.... pwede po bang magtanong?"

"Ano yun?"

"Ilang taon na po ba kayo?"

I smiled at her "I'm 19 and she's 18"

"Wow... Young Love.... I admire your love with each other. I'm 25 and I'm still single. I still haven't found him"

"I think you already have, torpe lang siguro" she chuckle

"Do you want a tour?" I nodded

Pagkatapos namin mag-tour tinawagan ko na si Olivia

"My loves saan ka na?"

"Papunta na ako sa cake tasting"

"Papunta na rin ako dun, bye my loves. I love you"

"Bye hon, love you too"

Pumunta na kami sa bakery shop nila Riley

"Hi hon" she kissed me on the cheek

"Hi my loves, ready ka na ba sa cake tasting?" she nodded

Pagkatapos namin makapili, kinuha na namin yung mga pinagawa naming invitation cards at binigay sa mga friends and families lang namin

Gabi na kami nakatapos. Grabe nakakapagod talaga pero worth it naman eh, less than a week na lang at asawa ko na sya 

----------

Two days before ng kasalan nag-decide kami na mag throw ng surprise bridal shower para kay Olivia, syempre sya yung bride eh

"Ang tagal naman nila" reklamo ko

"Chill ka lang bro" sabi ni Vincent

Naka cowboy costume kaming apat at nasa isang stage, sa may pool ng bahay ko kami nag-prepare ng bridal shower nya. Ayaw ko kasing malasing kami sa bar o sa kung saan pa, mas okay na dito.

"Ano bang meron? Ba't ang dilim?" narinig ko na ang boses nya

Pinatugtog na nila ang side to side by Ariana Grande at binuksan ang mga stage light. Nagsimula na kaming mag-sexy dance

"Oh My God!" sigaw ni Olivia

Natawa na tuloy yung iba, si Olivia naman shock pa rin yung face nya

Nung naka-recover na sya from being shock tumayo sya sa upuan nya, bumaba naman ako ng stage. Sa gitna kami nag-meet

"I didn't know you guys workout" natawa ako

"Thank you, I guess?"

"Para san ba 'tong mga toh?"

"Your bridal shower"

"I know, I mean pwede naman natin gawin toh afterwards, in two days kasal na natin"

"My loves, you can't have a bridal shower after the marriage"

"Ang party ang tinutukoy ko hindi bridal shower---- kung magbibihis kayo ng cow boy at least inform us"

"Don't worry, we're prepared"

"Lets go Olivia" sabi ni Alyssa at hinila na sya sa loob ng bahay

Pagkabalik nila, nakababa na kami ng stage at nasa may buffet

"Okay na ba?" I smiled at her

"Ang ganda ng sagot mo ah"

"You look perfect"

Nag-blush sya "Psh. Daming alam. Kain na nga lang tayo"

Nagkwentuhan, inuman at sayawan kami buong gabi

"Hijo, mauna na kami nina Olivia" inform ni tito

"Ha? Can't she stay here?"

"Lucas, hijo, malas daw kapag makikita ng groom ang bride nya before the wedding" paalala ni tita

"Okay"

Ako na ang nagbuhat sa drunk ko na fiance papunta sa kotse nila tito

After we bade our goodbyes umalis na sila at umuwi

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon