Chapter 25

27 1 0
                                    

For dinner lulutuin ko ang ang favorite nya: pork sinigang

"Ano yan?" tanong ni Tita

"Pork sinigang, favorite nya

"Naalala ko tuloy nung 3rd monthsary namin. I took her to a restaurant, sabi nya pinakagusto pa rin nya ang pork sinigang. Nagpaturo ako kay mama kung paano ito lutuin, ang dami kong epic fails pero natuto ako"

"Ginawa mo yun para sa kanya?" I nodded

"Madalas sinasabi sa'kin ni Papa, kapag nakahanap ka ng babae na marunong magluto, hindi ka magugutom, ayaw kong magutom ang mapapangasawa ko kaya nagpaturo akong magluto"

"Tulungan na kita dyan"

"Wag na po, gusto ko ako ang magluluto para sa kanya at sa family nya"

"Narinig mo ba yun Olivia?!" tanong mama nya

May narinig akong foot steps paakyat sa hagdan

"Ma... anong---- kuya Lucas" tumakbo papunta sa 'kin si Christian

"Miss me?" naghugas muna ako ng kamay bago ko sya niyakap

"Opo"

"Magluluto muna ako. Tawagin na lang kita kapag luto na, okay?" he nodded

Tumakbo na sya sa hagdan habang sinigaw ang pangalan ni Olivia

----------

Nagsalo-salo kami kahit si Mang hayme

"Uy! Sinigang; ang sarap nito" sabi ni kuya Hayme

"Dasal po muna" sabi ni christian

Pagkatapos namin magdasal ay nagsimula ng kumain

"Sir, sya po ba yung Olivia?" tanong ni Kuya Hayme

I nodded

"Ahh.... sya pala yung madalas mong sinisilayan"

I started coughing

Binigyan ako ng tubig ni tita at ininom ko ito

"Sinisilayan?" tanong ni Olivia

"Dati pa yun eh. Nung ako pa ang driver nya--- hay naku! maghihintay pa ako hangga't may maghatid pauwi sa'yo bago umuwi din si sir"

"Talaga?"

I feel like shrinking

"Ba't namumula ka?" tanong ni Olivia

"Di ah" kumain na ulit ako

----------

Pagkatapos namin kumain ay nagtoothbrush ako at nagpalit na ng damit

Binigay sa 'kin ang banig, unan, kumot pati luggage ko

Pagkapasok ko sa kwarto nya, nakita ko syang natutulog

Naglatag na ako ng higaan

Bago ako natulog tinitigan ko muna sya

"Can't sleep?" tanong nya

"Akala ko tulog ka na"

"I can't, you're staring"

"Can't help it"

"First time mo lang ba magluto for someone?" I nodded

"Ikaw lang naman ang first and last ko eh"

"Hindi ka pa nagkaka-girlfriend, before me?"

I shook my head no

"Ikaw ang pangalawa kong niligawan"

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon