Hindi pumasok ngayon si Lucas. Bakit kaya? Namiss ko na rin sya, Real Talk. Kahit makulit yun at nang aasar nakakamiss pa rin kapag wala sya
Nilabas ko yung cellphone ko at tinext sya
Me: ba't di ka pumasok?
Lucas: may sakit
Ahh kaya pala
Me: Pagaling ka hintayin mo ko
Pinasok ko na yung phone ko sa bag at pumunta na sa bahay nila since uwian na rin naman din
Nag door-bell ako at may lumabas na magandang babae na nasa mid-30's palang ata
"Hello po, si Lucas nandyan po ba?"
"Kaano-ano mo ang anak ko?"
"Ay! Anak nyo po pala si Lucas. Ako po pala si Olivia, kaibigan nya" kaibigan? ba't ko ba sinabi yun? hindi ba personal maid?
"Olivia.... ikaw din ba si Aivilo?"
"Opo..?"
"Halika, pasok ka"
Kung ang labas ay pang elegante, sa loob naman parang ang pale ng dating, hindi masyado colorful pero okay pa rin
Umakyat kami sa napakaganda nilang hagdan at sa taas super daming mga kwarto, pwede ka talaga maligaw dito
"Heto ang room ni Lucas, medyo mainit pa rin sya at siguro natutulog pa" I nodded atsaka sya umalis
Pagkapasok ko, grabe ibang-iba ang room nya kaysa sa iba. Andami nyang video games at may 2 syang xbox. Ang colorful nang kwarto nya at may poster sya ng Jadine pero meron naman yung si Nadine lang. Pero ang pinaka naka caught ng attention ko ay si Lucas, natutulog na yakap-yakap yung teddy bear na sabi nya huling binigay sa kanya ng friend nya
Umupo ako sa kama at minasdan sya. Grabe ngayon ko lang napansin na may itsura pala sya-- ay hindi, gwapo talaga sya at ang inosente ng mukha nya kapag tulog. HIndi ko namalayan na pinaglalruan ko na pala buhok nya until dumilat sya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya
Hinawakan ko yung noo nya at napansin na mainit pa rin sya
"Wait ka lang"
Bumaba ako para kumuha ng cold compress
"Ano yun Olivia?" tanong ng mama ni Lucas
"Cold Compress lang po ma'am"
"Please, just call me Tita, pakibigay na rin itong pagkain at gamot ni Lucas. Kanina pa sya hindi kumakain"
"Talaga po?" she nodded
"Kotongan ko nga yung lapastangang yun kapag hindi nya pa ito kinain" I mutter
She chuckle "S-sorry po co-concern lang po talaga ako, hindi ko naman po talaga sya kokotongan" Pautal kong sinabi sa kanya
Ngumiti lang sya at inabot yung tray
Pagkaakyat ko nakita ko ang little sister nya
"Hi"
Mukhang hindi nya ako napansin dahil naka-earphone sya habang nakatingin pa rin sa book na as told by nerdy
"Lucas, kumain ka na muna" bulong ko sa kanya
"Ma, ayoko pa" reklamo nya
"Tangina mo hindi ako ang Mama! Kaya kainin mo 'to o susubuan pa kita?!" saway ko sa kanya
"Olivia? Wait, hindi ako nananaginip?" tinulungan ko syang umupo
"Hindi. Kaya kumain ka na" sinubuan ko na lang sya dahil mukhang hindi nya rin kayang kumain. Mabuti na lang hindi sya nagpabebe pa at kumain na din
Inabot ko sa kanya yung gamot at tubig
"Salamat nga pala at nandito ka" sabi nya habang nakangiti
"Syempre, Personal maid nga diba?"
"Ah, oo nga pala" yung kanina nyang ngiti napalitan ng dissapointed look
"Matulog ka na muna" sabi ko
Sinunod nya ako at natulog na yakap-yakap ang teddy bear. Ang bad boy ng dating nya pero ngayon parang nakakapanibago kapag ganito sya
Alas singko na ng magising sya. Inalis ko yung cold compress sa noo nya at chineck ang temerature nya
"Mabuti na lang at bumababa na ang lagnat mo"
"Anong oras na?"
"Mag-aalasinko"
"Ba't ayaw mo pang umuwi?"
"Mamaya na, wala pa akong gana"
"Walang gana o gusto mo lang ako makasama"
Tumawa ako "Baliw" tumawa din sya
Tinabihan ko ulit sya. This time, nakahiga na ako sa kama. Napaupo sya at tumingin sa'kin
"Aivilo, okay ka lang?"
Ngitian ko lang sya at tumingin ulit sa ceiling
"Alam mo ba kung bakit ako madalas dun?"
"Sabi mo dahil gusto mong bisitahin ang mga bata"
Ngitian ko na naman sya "Hindi lang dahil dun, wag kang magugulat ah"
"Ano nga ba? na-tr-thrill tuloy ako"
"Dati rin kasi akong ampon"
Nanlaki ang mga mata nya at wala syang sinabi
He shook his head "K-kailan pa?"
"Nung nag-5 ako, inampon na ako nila Mama. Thankful nga ako sa kanila kaya heto nag-aaral ako ng mabuti para makabawi naman. Sila Mother Genevieve ay parang mga magulang ko na rin, naawa kasi ako sa mga bata kaya ako na ang naging teacher nila para kahit papaano may matutunan naman sila sa buhay"
Napahiga na lang ulit sya
"Wow... uhmm... sino pa ang nakakaalam nito?"
"Ikaw lang at si Zoe"
"Ibig sabihin, wala ka pang sinabihan kahit na kanino tungkol dito?" I nodded
"Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan----sabagay wala naman ako mapagsabihan din nito kundi ikaw--- ayaw ko lang kasi mapag-usapan behind my back"
"Promise, hindi ko ipagkakalat, peksman"
"Alam ko. Ikaw kasi yung tipo na hindi maniniwala sa mga gossips kaya hindi ka din gumagawa nun"
"Akala ko negative comment na namin eh"
Tumawa na lang ako
----------
Please don't forget to press vote ☆
BINABASA MO ANG
Always
Teen FictionOlivia Bautista fell in love with Lucas Bautista, a very handsome young man. Masaya naman ang naging relationship nila even though may jealousy at tampuhan syempre nornal naman iyon. Nasubukan ang kanilang relasyon nang magka-amnesia si Olivia and...