Chapter 31

35 1 0
                                    

"Opera?" tanong ni Tita pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina, iniskip ko na lang yung almost physical contact namin dahil baka mag-freak sila

"Opo"

"Anong mangyayari after ng operation nya?"

"Hindi po ako sure tito, but I hope maging successful" natutulog pa rin si Olivia sa higaan ko

"Lagi naman syang mabait. Bakit kailangan sya pa ang magdusa?" bulong ni tita

Niyakap na lang ni tito si tita

"Bakit kailangan sya pa?" inulit ni tita habang umiiyak sya

Lumabas muna ako ng kwarto para bigyan sila ng space. Kung tutuusin hindi lang talaga dahil dun, gusto ko rin umiyak pero ayokong magmukhang mahina sa harap ng mga magulang niya

Habang papalayo ako kusa ng pumatak ang mga luha ko, di ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Lily. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap

"Sige kuya ilabas mo lang, huwag mong pigilin ang pag-iyak mo" lalo tuloy akong umiyak

"Ang hirap kasing makita na ganun yung kalagayan nya. Nasasaktan ako"

Tinignan nya na ako sa mata

"Kuya, life is short. Mas maganda kung gawin mo na ang mga bagay na gusto mong gawin na kasama sya ngayon pa lang. Hindi natin alam kung magiging successful ba ang operation o hindi. Make every second memorable with her"

Kinuha ko yung phone ko and made a reservation. Tama si Lily I need to make every second memorable with her

----------

Inimbita kong mag-lunch sina Tito at Tita. Of course hindi nila alam, kung tutuusin wala pa talagang nakaka-alam kung ano man ang gagawin ko

Pagkapasok pa lang nilang dalawa, tagaktak ang pawis ko sa noo at medyo nanginginig ang kamay ko

Pagkadating nila sa table namin, tumayo ako at ngumiti sa kanila

"Thank you for coming tito, tita"

Umupo sila sa tapat ko

Nag-order muna kami ng lunch then konting chit-chat tungkol sa kung ano-ano. Pagka-arrive ng pagkain namin, kwentuhan pa rin kami ng kung ano-ano, ang hirap kayang sabihin, kinakabahan talaga ako

"Lucas, somehow I know you. Alam ko hindi chit-chat ng kung ano-ano ang gusto mong pag-usapan natin. Get to the point, Lucas. Ano ba talaga ang reason mo at inimbita mo kaming makipag-lunch kasama ka?" tanong ni Tita

"A-ano po kasi.... kasi po..." I took a deep breath and let it out

"Kakapalan ko na po talaga ang pagmumukha ko.... medyo nakaka-shock at okay lang din po kung hindi pa po kayo sang-ayon. Gusto ko po sanang.... hingin ang.... blessings nyo"

Halata naman na nagulat sina tito at tita. Ilang minutes pa at nagsalita na rin si tita

"Of course you'll have our blessings"

"I under--- po?"

"Hijo matagal na namin alam na mahal mo talaga si Olivia. Napahanga mo ako nung minahal mo pa rin sya, despite na wala na syang naaalala tungkol sa inyo" sabi ni Tito

Oh my God!!!!

Kung pwede lang tumalon, tumalon na ako kanina pa sa saya. Yung ngiti ko abot hanggang langit

"Yes!!!" medyo napalakas ata boses ko kasi may nagsilingunan sa'mi. At that moment, I don't really care

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon