" Tiffy!! Huy!! nakikinig ka ba??!"
" Huh? ahh hehe anu nga ba ulit yun?? "
hayys... na-spaced out nanaman ako.. anu ba yan..... hindi ko na napakinggan si Eiry..
" Teka! Bakit ka ba mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan?! "
" Pwede din...."
" anu ba namang sagot ang' pwede din' ha? Anu ba nanyaree?"
" Eiry.. Ang sungit pala talaga nung MD noh! Grabe! Nakakainis!! Naghintay ako ng 1 hour sa wala.. Hindi ako nakapag-audition... Hmp! Sayang talaga!!"
" Nako! Bayaan mo na. Ganun lang talaga si Madam!"
"Hay nako!! Wag ka ngang magbanggit ng Madam jan nakakaBV lang ee"
"Owkiee hihihi!! So as I was saying kanina.. Anu gusto mo ba sumali sa Drama Club?"
"Sige para magkasama tayo hehe !"
"Sabi mo yan aa! Isasama na kita sa list . "
"Hindi na ako mag-aaudition??"
"Hindi na hehe !"
"Ngek! Sino may sabi?"
" Ako ! Hahahaha! Bayaan mo na yun. Basta pasok ka na! "
" Lakas din ng topak mo noh!"
" Ako pa! Sigee na ikain mo nalang yang sama ng loob mo haha!"
Tama! Ikakain ko nalang to .. Kesa magmukmok ako..
Ang sarap talaga kumain dito sa canteen.. Sobrang malasa yung mga chibog tapos basta ansaraap! Tataba ako dito sa CH.
----------------------------------
Wala naman kaming ginawa ngayon sa school kasi puro busy lahat ng faculty sila Eiry naman halos hindi ko makasama kasi inaasikaso ang club nya. Kaya pala hindi na ako pinag-audition ee sya naman pala ang president ng club nila. Tsk nako etong si Eiry!
Maaga ang dismissal.. Hmmm 5 palang ng hapon anu kayang magandang gawin.... Ay teka tawagan ko nalang sila Jane
Kriing.... Kriing.... Kriing... Kriing...
Tsk! Ayaw naman sumagot nito.
Matry nga si Ichi..
Kriing... Kriing..... Kriing... Kriing....
Ngee.. Ayaw din! Lahat ba sila may club na inaasikaso?!
Ahhh last one si Kyle...
Kriing...
Wow! Isang ring palang sinagot na nya!
" What?!"
" Hello Kyle! May ginagawa ka ba ngayon??"
" Why?!"
" Hang out tayoo"
" Where to ?!"
Anu ba namang babae to! Puro W-quetions lang ang alam sabihin..
" SB?"
" I'm busy .... Maybe next time..."
Toot toot toot toot
0_0 waaaaa!!!!! Kyle!!!!
So good! Wala akong kasama! Kyaaa!!!! Hmp! Ako nalang nga mag-isa.
--------------------------
" I'll have a tall iced peppermint mocha please."
Haay.. I missed going to this place with my ' so called friends ' ... Hmmmp... Kung hindi lang busy sila Eiry ee edi sila na kasama ko ngayon dito sa tambayan ko..
BINABASA MO ANG
Finding You (Hiatus )
Teen FictionShyne Tiffany Minji C. Himmel. POPULAR, SMART, TALENTED. Mula sa Amsel Academy ay pinadala sya ng mama nya sa Celestine High. Si Tiffy ay isang babae na ginagamit lang ng mga nagiging kaibigan nya para sa kanilang pansariling kapakanan dahilan kung...