Chapter 34- Maling akala....

341 8 4
                                    

PLEASE READ 

Bago po ang lahat, nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa nitong FY hanggang dito. Nakakatuwa po dahil naabot po niya ang 3k reads. Ahehe masaya lamangss po ako pagpasensyahan na. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ni otor.Salamat din sa mga dakilang kong active readers at mga masisipag na mag-vote at mag comment... sila Marge, Jennifer, Khim, Gabie,Pam,Heart.I'm hoping na sana madagdagan pa sila ahehehe. Salamat din sa mga silent readers naaappreciate ko din kayo dahil binabasa nyo ang UD ko ahehehe.  Keep on reading lamangs at sana tapusin ninyo hanggang sa huli. 

Salamat!!!! Mahal ko kayong lahat!!!

__________________________________________________

Chapter 34

Kumain kami sa isang resto ni Caleb. Nako. Wala naman siyang ginawa bukod sa pinaulanan ako ng mga banat niya.

"Kapit ka ng mahigpit Boss Eiry baka malaglag ka eh"

Pauwi na kami ngayon at nakasakay kami sa motor niya.

"Pero okay lang naman na malaglag ka, basta ba sakin ka babagsak eh"

"Tsee magtigil ka nga diyan Reyes"

Bumabanat nanaman siya..

Humawak nalang ako sa gilid ng jacket niya.

"Haha anung ginagawa mo?"

"Sabi mo kumapit ako"

"Hahaha hindi ganyan ." hinawakan niya yung magkabilang kamay ko

"Dapat ganito" tas iniyakap niya sa kanya

>\\\\\\\\<

anu ba tong ulupong na to!! Errr kanina pa ako pinapupula eh!

Afte niyang iyakap ako sa kanya pinaandar na niya kaya hindi na ako nakapalag

Medyo malapit na kami sa subdivision namin at ngayon madadaanan namin yung park. Hmm parang gusto kong pumunta muna dun

"Caleb!"

"Bakit po Boss Eiry?"

"Punta muna tayo park"

"Gusto mo pa ako kasama noh?"

"Tse! Kapal mo! Bilis na"

"Okay po. Para sayo Boss Eiry. Lahat ibibigay ko"

Ayan nanaman siya!

Hahayss. Kaya ko gusto pumunta ng park , madalas kasi dun si Louie Babe every saturday. Hahaha!

"Dito na tayo Boss Eiry"

Pagkasabi niya nun bumaba na ako tapos pumunta ako dun sa may lagi kong nakikita si Louie Babe.

"Ang bilis mo naman Boss Eiry" sabi ni Caleb habang hinihingal.

Ganun ba ako kabilis tumakbo?

"Mabagal ka lang." pagkasabi ko nun umupo nalang ako sa upuan sa gilid ng puno.

"Di ah. Di lang talaga ako napapansin ng hinahabol ko"

"Hah?!"

"Wala sabi ko ang ganda mo."

"Ewan ko sayo!"

Finding You (Hiatus )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon