-Five- Broken

2.1K 29 1
                                    

Jirah's POV

Dinala ko si Cams sa clinic ng La Salle.Ang lamig ng pawis niya,kakatapos lang nilang mag-training tapos hinabol niya ako gamit ang hagdan.Tsk.Tsk.Bumukas ang pinto at pumasok sila Mika.

"How is she?"Ara

"Okay na,napagod lang"sagot ko tsaka ko na hinablot ang bag ko at aalis na ako.Andiyan naman na sila eh.Aalagaan na nila si Cams.

"Sige po,aalis na ako.Pakisabi kay Cams sorry and sorry na din sa istorbo"

"Ingat Ji"Ate Aby

Tumango lang ako at lumapit na sa may pinto.Asa pinto siya nakahawak sa doorknob.

"Excuse me.Aalis na ako"paalam ko,masakit sakin sabihin ang mga ganun sa kaniya.Sa taong mahal ko.Pero wala eh,nasaktan ako,sinaktan niya ako.Unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa may doorknob at umalis na ako.Bago ako nakalabas eh narinig ko pa ang boses niya.

"I'm sorry,I love you"hindi na ako lumingon dahil mas masasaktan lang ako.Tumakbo ako palabas ng La Salle at pumara ng taxi.Babalik na ako ng Ateneo.

Marge's POV

"Mahilig ka palang mag-sulat?"Mich

"Ah.Oo,libangan lang.Ang saya kasi eh,yung gusto mong mangyari kaya mong gawin sa pag-susulat lang"

"Anong mga stories na ang naisulat mo?"

"Ahh.Tignan mo na lang sa site ko"tumango lang siya at saka na kumain.Andito kami sa cafeteria at nagkwekwentuhan.Ang weird talaga niya,titingin siya sa akin tapos biglang ngingiti.

"Mich?Do you know,Rex?"

"Rex Intal?Yes,why?"

"Wala.Wala"Pareho ba yung Jirah ni Rex sa Jirah ko?I mean,sa Jirah na kilala ko?And speaking of Jirah,nakita ko siya sa may bench.Nakatingin sa malayo.

"Marge,una na ko.Class ko na eh"

"Sige.Ingat"sabi ko,pag-katapos niyang kunin ang mga gamit niya eh tsaka ko naman pinuntahan si Jirah.

"Pwedeng makiupo?"tanong ko nung makalapit ako sa kaniya,tumingin lang siya sa akin at tumango.Napansin kong kagagaling lang niya sa iyak.Naupo kami tapos tahimik lang kaming dalawa.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung anong problema ko?"

"Ha?Eh baka kasi ayaw mong mag-salita eh.Inaantay lang kita"Nanahimik ulit siya pero kita kong nakangiti siya.Problema nito?Iiyak iyak tapos biglang nakangiti?

"You okay?"tumingin siya sa akin tapos mag-kasalubong yung kilay niya

"Obviously not"sabi ko nga.Barador talaga 'tong babaeng 'to -____-

"Maiwan na nga kita"sabi ko sabay tayo,kaasar siya.Narinig ko namang tumawa siya at tinawag pa ako.Hmp.Kabanas!

Jirah's POV

Ang sarap niya talagang asarin.Tinawag ko siya para ibalik yung nalaglag na libro niya pero hindi na siya lumingon.Nagalit ata.Tch.

"Just Beshfriends"Uhm.Interesting,maitago nga muna.Basahin ko tsaka ko na lang ibalik sa kaniya.Nag-lakad lakad ako tapos nakita ko si Jho.Kasama si Ysay? o_O Holding hands?!

"Hoooooy!Ano yan?!"agad naman silang nag-bitaw at humarap sa akin ng namumula.

"Tss.Mga itsura niyo uy.Diyan na nga kayo"nabibitter ako ngayon.Si Cienne kasi eh.Sino ba yung AVO na yun?Sarap ipakain sa buwaya eh.Kabanas.

"Hey there!Big guy!"sabay upo ko sa tabi niya

"Anong nakain mo?"

"Wow Rex,parang nung isang araw lang gusto mong mag-usap tayo tapos ngayon gaganyanin mo ako?"

"Sorry naman"

"So,ano na ngang sasabihin mo?Free ako ngayon,dali na.Ayokong pinag-hihintay ako"

"Patawa ka kahit kelan.Free ka o hindi ka pumasok dahil brokenhearted ka?"sabay smirk niya,sinapok ko nga

"Manahimik ka"

"Feeling ko wala na tayong dapat pag-usapan.Alam mo naman na eh"

"Na nagpanggap kayo ni Marge na mag-jowa para ibreak ka ng pinsan ko?"

"Yeah.'cause I love someone else"tumingin naman siya sa akin at tumingin sa likod ko para tignan kung sino yun pero wala namang tao

"Sinasabi ko na nga ba eh.Mahal mo ako,noh?"sabay nakakalokong ngiti sa kaniya

"Hindi kaya.Ikaw kausap ko kaya tumingin ako sayo"

"Sus,amin amin din pag may time"

"Hindi ah.Teka,paano mo nakilala si Marge?"

"Huh?Kaklase ko siya sa isang subject at nandun ako nung sinampal ka ni Jho"

"Ohhh.Pakilala kita sa kaniya,gusto mo?"

"Ha?Huwag.I mean,hindi na.Sige alis na ako"paalam ko at dumiretso sa aming dormitoryong walang tao.Makapag-basa na nga lang.Hinanap ko yung libro ni Marge at inumpisahang basahin.

Unwritten OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon