Jirah's POV
"Stick!Gising,stick!"
"Aish.Ang aga pa,Babs.Matulog ka muna"tapos niyakap niya ako kaya napahiga ako sa kama niya.
"Stick naman eh.Gising na,please?May pupuntahan tayo"nakahiga parin kami tapos nakayakap parin siya sa akin.
"Shan tayo pupunta?"tanong niya habang nakapikit
"Kay Cienne!"tapos niyakap ko din siya,lambing ba.Haha >:D"Please?Gising na,please?"
"Bakit kay Cienne?Kala ko ba di kayo bati?"inalis niya na yung yakap niya tapos nagtalukbong ng kumot
"Yun na nga eh.Surprise natin siya.Please?Para bati na kami"
Marge's POV
Aga namang mambulabog ni Babs =___= Isurprise daw namin si Cienne.As a friend.Go!
"Alright,gimme 5 minutes"sagot ko,pumasok naman na siya ng banyo tapos naligo na ata?Ewan.Hinanap ko damit kong susuotin.Tama na ang shirt at shorts tapos tsinelas.Okay na 'to.
***
"Babs,baka naman palayasin tayo sa La Salle?Kita mo oh,nakablue tayong dalawa"reklamo ko sa kaniya,andito kami sa kotse niya.Pupunta kaming La Salle,sa dorm nila Cienne.
"Akong bahala sayo,stick!"nagpark siya tapos kumaway pa sa guard.Pagpasok namin eh pinagtitinginan kami ng mga tao.Kahit Saturday ngayon eh may mga Saturday classes naman dito.Buti na lang kami,walang klase.
Habang naglalakad kami papunta ng dorm nila eh hindi naman mawawala ang tsismisan ng mga tao tao sa paligid.
"Si Jirah yan diba?Yung gf ni Cienne"
"Oo nga noh?Ang swerte naman ni Cienne.Dinadalaw siya kahit na rivals ang school"having the good side,meron din namang bad side
"If I were her,I won't pursue my feelings for Cienne.We're both girls and mas boto na ako kay AVO"
"Okay lang naman si Jirah eh but boto na din ako kay AVO.They're so bagay"
Napalingon naman ako sa kasama ko at nakayuko siya.Tinapik ko yung balikat niya,ngumiti siya pero kita kong malungkot siya.
"Don't mind them.Tara na?"dumiretso kami sa dorm nila Cienne at shocked ako kasi welcome na welcome siya.Nakipag-apir siya sa lahat tapos nakipagbiruan siya.
"Ate Aby,kumusta?Si Marge nga pala.Tatalunin kayo nito kapag lumaban kayo sa school"pakilala niya sa akin
"Ahh.Huwag po kayong maniwala dito.Binibiro niya lang po kayo.Hello po"bati ko sabay yuko.Sanay akong ganun eh.
"Kimmy!San si Ciennang?"tanong niya dun sa isang babae or should I say girl na lalaki ang dating.
"Iniwan ka na niya Jirah.Iniwan niya na tayo pareho.Andun siya ngayon kay AVO"tapos naghug silang dalawa.Luh?
"Pareho silang may gusto kay Cienne,but si Jirah ang pinili ni Cienne.Pero okay lang naman silang dalawa.Friends sila eh.Nakakatuwa kapag nag-aaway sila minsan pero biro lang"napalingon ako tapos o_O Kamukha ni Cienne!Baka siya yung kambal?
"Hi,I'm Camille.Cienne's twin sister"pakilala niya tapos inabot niya ang kamay niya
"Marge"naupo kami in silence habang tinitignan yung dalawang nagbabangayan
"Ikaw naman kasi Kimmy eh,hindi mo binabantayan"Babs
"Ako ba?Eh sino bang girlfriend?Grabe ka naman Jirah.Hinahayaan mo eh"
"Sino bang nakakasama niya dito?Eh diba,ikaw?Kimmy naman!Hindi ka naman TUNAY na kaibigan eh"sabay hagalpak ng tawa ng iba,pati si Camille,nakitawa na rin.
"Langya ka,Jirah"
"Ikaw kasi Kimmy eh.Dapat maging TUNAY kang kaibigan"yung matangkad na babae na maputi.In fairview,cute niya.Naka-akbay siya dun kay Ara ata?Nabanggit kasi ni Camille kanina.
"Oo nga,Mikang!Para hindi nakakain ng DE LEON!!!"sabay belat ni Kim kay Mikang daw.Naghabulan sila.Nagpakilala naman silang lahat sa akin tapos nakijoin din ako sa mga kalokohan nila.
Jirah's POV
Nag-ienjoy naman kami ni stick dito.Pero wala parin si Cienne.Hayyyy.
"Wala pa si Cienne"sabay pangalumbaba ko.Andito kami sa dining table at nakatingin silang lahat sa akin.
"Alam ko na!Si Camille na lang muna.Tutal magkamukha naman sila ni Cienne atsaka may gusto naman si------hindi natapos ni Ara yung sasabihin niya dahil kinurot siya ni Camille
"Ano yun,Ara?"Cams habang nakatingin kay Ara
"Wala.Ang sakit ng kurot mo"sabay yakap kay Mikang.Naku naman ang chansing!
"EM HEEEEEERE!!!"bumukas ang pinto at si Cienneybabes!
"Cienneybabes!"sigaw ko,nagliwanag naman ang mukha niya at tumakbo papunta sa akin
"Jirahbabes,I missed you"and we hugged each other.Yeah!Napalingon ako sa paligid at nakangiti at naka-thumbs up sila.
"Kimmy!Sama ka sa hug?"biro ko sabay kurot sa akin ni Cienneybabes"Aray naman.Ganiyan mo ba ako kamiss?"
Nagkwentuhan lang kami tapos sinabi niya sa akin na sa birthday nila ni Camille eh ipapakilala niya ako sa parents niya.Boo yeah!
Marge's POV
Tawa kami ng tawa dahil sa mga kalokohan nila.Ewan ko kung sobrang napagod ako o inaatake na ako -____-
"Cams,pengeng tubig"inabutan niya naman ako tapos hinawakan niya noo ko at leeg ko
"Okay ka lang?Bat parang namumutla ka?May sakit ka?"
"Ha?Wala.Uhm,Cams?"andito kami sa may sala,nanunuod.Nakikitawa pero nakahiwalay kami,ganun din si Babs at Cienne.Ewan ko kung nasan sila.
"Ano yun?"
"Pwedeng pahatid ako sa Ateneo?Andun yung gamot ko eh.Inaatake ako ng asthma"pagkasabi ko palang nun eh lumapit siya kay Ate Mich tapos inabutan siya ng susi
***
Andito kami sa sasakyan tapos ewan ko,parang natataranta si Cams.
"Cams,okay ka lang?Medyo malapit na tayo sa Katip.Okay pa ako"
"Sure ka bang okay ka pa?Putlang putla ka na eh.Kapit ka ha?Bibilisan ko na.Hindi naman gaano traffic eh"napakapit nga talaga ako dahil sa sobrang bilis niya magdrive.Grabe,mas aatakihin ata ako sa ginagawa niya eh.
Hinatid niya ako sa dorm tapos sumigaw siya...
"Ate Lyyyyyy!!!!"sigaw niya tapos dali-dali namang lumabas ang teammates ko at inalalayan ako
"Thank you,Cams.Text na lang kita.Ingat ka"sabi ko and then boom!Black out.