>>Medyo Pilot<<

3.4K 48 0
                                    

-Unwritten Ours-

Marge's POV

Isinara ko ang binabasa kong libro.Yun na yun?Tapos na yun?Psh.Hindi naman naging sila eh.Hindi alam ng parents nila na may relasyon sila.Pareho silang babae so tututol pa ang parents at tsaka naman marerealize ng parents na kung saan masaya yung anak nila.Papayagan nila.Tsaka "Just Beshfriends" ang title eh di dapat hanggang mag-bestfriends lang sila.Tss.

Itinapon ko yung libro sa kama ko atsaka bumaba para mag-hanap ng pagkain.Pag-sara ko nung ref eh bigla namang may mukhang bumalandra sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Masama bang dalawin ang lil sis ko?"sabay kuha ng pagkain ko.Kinakapatid ako ng asungot na 'to :/

"Masama,lalo na't mag-papatulong ka na naman sa babae mo"sabay talikod sa kaniya at upo sa may sofa tsaka ko in-on yung tv para manuod ng Disney movie

"Margarita Tejada,ang tanda-tanda mo na,disney parin pinapanood mo"

"Lakampake!Ano na naman bang ipapagawa mo,Rex Intal?"

"Tulungan mo ako,may nag-hahabol sa akin eh.Mag-panggap ka na girlfriend ko,ang hirap kasing maging pogi eh"sabay upo din sa sofa

"Ang hangin ata?"

"Please?"

"Basta ba,you'll treat me every lunch?"sabay taas pa ng dalawang kilay sa kaniya

"Fine.Magbihis ka na at baka nag-aantay na yun"

"Hello?Ida-dump mo na siya,tama lang na pag-antayin mo yun"

"You'll get up or no lunch for a month?"

"Fine"sabi ko sabay akyat sa taas at nag-ayos na.

*Mall*

"Marge,puntahan ko na lang muna siya tapos I'll text you na lang,okay?"tsaka na niya ako iniwan.Tss.Makagala nga muna.Tagal ko na ring di nakakapunta dito,dami na palang nadagdag na stalls.Napalingon ako tapos may babaeng hindi ko alam kung saan ang direksyon pero ang alam ko eh babangga na siya sa akin kaya naman,hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at ihinarap sa akin.

"Chillax"

"Tss"yan lang sagot niya tapos tumalikod na.In fairness,lakas ng dating niya ha.Para siyang T-Boom pero ang ganda niya.Parang may naaalala ako sa kaniya.

*beep*

Starbucks.Hurry up!-Big Bro

Sa Starbucks pa talaga ha?Ang sosyal naman nila.Nagpunta na ako sa Starbucks tapos lumapit sa table nila.Hinalikan naman ni Rex ang noo ko,usual thing na ginagawa niya.

"Hi,you're Marge?"tanong nung babae

"Yes and you are?"

"Jhoana"tapos nagshakehands kami,mukha namang mabait 'tong si Jhoana eh.

"Jhoana,pwede na ba kaming umalis?You met my girlfriend already"

"Girlfriend mo siya?!"napalingon ako sa malapit na table sa amin at nakita ko yung babae kanina.Yung masungit na babae.Hmp.Kainis siya.

"Yes,I'm his girlfriend so kung pwede lang aalis na kami"sabay hila ko kay Rex pero ihinarap niya si Rex sa kaniya sabay

*PAK*

And then lumabas si Jhoana,I feel sorry for her.Aish.Nakita ko namang tumingin ng masama sa akin yung babae sa may tabing table atsaka kay Rex tapos lumabas siya at hinabol si Jhoana?

"Tara na"yaya ko,bigla akong nawalan ng gana.Lalo na dun sa pag-titig nung babae kanina.Napatingin naman ako sa katabi ko at nakayuko siya.Binatukan ko nga.

"Aray naman"

"Nakayuko ka?Huwag mong sabihing mahal mo?"

"Tange,hindi.Mahal ko yung pinsan niya,ginawa ko siyang bridge pero siya yung nahulog sa akin"

"Yun naman pala eh.Hindi naman kasi kailangan ng bridge eh.Dapat ikaw na mismo.Tss.Ano bang pangalan nung pinsan niya?"

"Jirah"

"Jirah who?"

"Basta.Tara na nga"bumili muna kami ng kape atsaka na lumabas at umuwi sa bahay.Eerr,bakit nasa may gate namin yang Anjo na yan?

"Rex,balik na lang tayong mall"

"Kelan mo ba sasagutin yang manliligaw mo?"

"I told you,hindi ko siya manliligaw"

"2 years na yang umaaligid di pa ba panliligaw tawag dun?"

"Stalking ang tawag dun.Tara na"nagdrive naman na siya at bumalik kami sa mall.Hayyy,matatakasan ko na si Anjo >:D

(How was it? Itutuloy ko ba? :) )

Unwritten OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon