Twenty Three

890 34 2
                                    

Marge's POV

I woke up and touched my lips.Was that really a goodbye?Did she gave up on me,already?I let out a sigh and went to the bathroom.I should get ready.

Bumaba ako and I find them all smiling at me.Anyare?

"Good morning?"nagtatakang bati ko,tumango lang sila.Weird.Umupo na ako sa hapag at kumain ng breakfast,it's Saturday at rule sa amin ang huling kakain ang maghuhugas lahat ng pinagkainan.So,that's why.Akala ko naman kung ano na.

After kong maghugas eh may hinanap ang mga mata ko.

"Wala siya dito"

"Po?"tanong ko kay Ate Ly. o_O

"Kung hinahanap mo siya,umalis siya.May pinuntahan ata eh.So,tell me"

"Po?"

"Naku,Margarita,po ka ng po ah.Magkwento ka"hinila niya naman ako papunta sa terrace.Iniharap niya ako sa kaniya at tumingin sa mga mata ko.

"Ate Ly,para kang ewan"sabay iwas ko at nag-indian seat.Do I really have to do this?Tumapat siya sa akin at tinitigan na naman ako.I rolled my eyes and gave up.Ugh.

Kinuwento ko sa kaniya kung anong nangyari kagabi at kung ano-ano pang gusto niyang malaman.Hindi din ako makakahindi.Hindi ko siya matanggihan so I let it all out.Until I found myself crying at hinayaan lang ako ni Ate Ly.She didn't say a thing.She just comforts me at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Marge,alam ko hindi ka pa ready but when you do,I'll always be here for you"niyakap niya ako and I can't stop myself from crying.I can't stop and I know this is not the end but just the beginning.I can do it.I know and I will.

***

Inhale.Exhale.Inhale.Exhale.

Andito ako sa labas ng classroom ng kabang-kaba.Kaklase ko siya dito sa subject na 'to.Katabi ko siya at hindi ko alam ang mangyayari kung makita at makatabi ko man siya.

"Titigan mo na lang ba yung pinto?"si Rex,hindi ko alam pero kusang umangat ang mga kamay ko para sampalin siya.Nagulat kami pareho at agad naman akong nagsorry.

"Sorry"nakayuko lang ako at hindi ko siya matignan.What has gotten into you,Marge?Kainis.Inangat niya naman ang mukha ko at magkatitigan kaming dalawa ngayon.

"Nah.It's okay at sorry din"nakangiti siya pero kita ko sa mata niya na nalulungkot siya,hindi siya galit.Lungkot ang bumabalot sa Rex na kaharap ko ngayon.

"*ehem*Pwedeng makiraan?"nagulat kami pareho sa nagsalita.Lalo ako,umusod ako at ngumiti sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at pumasok na.

"Anong nangyari?"tanong ni Rex,hinarap ko ulit siya at ngumiti.

"Don't pretend you don't know anything when you were there from the start.Sige"

Pumasok na ako sa klase ko and pretended nothing happened.Na hindi ko siya kasama sa isang klase at hindi nangyari ang nangyari kanina.

And I think ganun din siya 'cause I feel like I don't exist.Nabunggo niya ako after class pero hindi manlang siya nagsorry.Hindi din niya ako nilingon.Well,huwag kang magpapaapekto sa kaniya.Hindi mo siya kilala at hindi ka niya kilala.

Unwritten OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon