Twenty Five

866 39 9
                                    

Marge's POV

Nagpunta ako sa library sa takdang oras na sinabi niya.Ano kayang meron?Bakit ganun siya?Hindi ko siya maintindihan.Alas dose na pero wala parin siya at kanina pa kumakalam ang sikmura ko.Kanina pa sila nagwawala.Hindi naman siguro masamang pag-antayin siya kahit konti,diba?Lumabas ako saglit at nag-iwan ng note kasama mga gamit ko.Wala namang magnanakaw dito eh.

Bumili ako ng pagkain naming dalawa,baka gutom din kasi siya eh.12:15 na!Tumakbo ako pabalik sa lib at nagtinginan sila sa akin kaya nagpeace sign na lang ako.Umupo ako sa pwesto ko kanina pero wala parin siya.Tinanong ko din yung asa harap kong babae pero wala naman daw pumunta.Asan na kaya yun?

Hindi ko na kinaya ang ingay ng tiyan kaya nilantakan ko na yung pagkain na binili na medyo mahinhin naman,asa library kaya ako.Mamaya palayasin ako dito eh.12:45 na pero wala parin siya.Ano kayang nangyari dun?Tinawagan ko pero di naman sumasagot.Binomba ko na rin ng texts pero wala manlang reply.

"Asan ka na ba?"kausap ko ang sarili ko habang nakatitig sa phone ko at binabantayan ang pagpatak nito sa zero.Nagkacountdown ako,na pag hindi pa siya dumating ay aalis na ako at uuwi na sa dorm.Marami pa akong kailangang gawin.

Habang unti-unting nauubos ang oras ay parang unti-unti ding nadudurog ang puso ko sa pag-iisip na hindi niya ako sisiputin.Isa siyang paasa.Pero hindi,dadating siya!Alam ko,dadating siya.Siya ang nagsabi kaya gagawin niya.Alam ko,kilala ko siya.Dadating siya.

"1...0"ala-una na at kusang pumatak ang mga luha ko.Bakit?Bakit hindi siya dumating?Ano ba naman yan.Natawa na lang ako sa sarili ko at inayos ang mga gamit ko.Ang sakit naman.Ang sakit na maiwanan sa ere,siguro,siguro ito ang parusa ko sa ginawa ko dati.Pero,wala akong choice kundi ang lumayo at hintayin na matanggap ng pamilya ko.

***

"Minnie Marge,bakit ka umiiyak?"si Mich,nakaupo kami sa sofa habang yakap niya ako at sumiksik sa tabi ko.Ako at siya lang ang nandito.Wala pa yung iba kasi may klase pa sila at hindi na ako pumasok dahil sa sakit na nararamdaman ko.Ayan na naman ang mga pesteng luha na yan!Naalala ko na naman ang nangyari kanina.Sht lang.

"Ang sakit eh.Durog na durog na"sabay turo ko sa puso ko.Ano pa bang dadanasin ko sa pagkakataong 'to?Patayin niyo na lang kaya ako?Para hindi ko maramdaman ang sakit.Isang bagsakan para parang wala lang.Nakakainis!

"Minnie Marge,wala akong masasabi pero andito lang ako.I will always be here for you,okay?"tumango lang ako at pinunasan ang mukha ko.Hinila ko siya at nagpunta kami sa kusina para kumain,nagbake ako ng cookies at cupcake na sa una ay mapait nung tinikman niya,ang bitter ko daw kasi eh.Tas nung tumagal na ay masarap naman kasi napapangiti niya at tinutulungan niya ako.

Naupo kami sa sofa at nanonood ng movie habang nakahain ang cookies at cupcakes na nilalantakan namin.

"Michii,salamat ha?Salamat sa inyo ng pinsan mo"

"Wala yun.Love ka namin eh"sabay hug sa akin,a comforting one.Magpinsan talaga sila ni Camille.They've been my bestfriends well,except sa besh ko na hindi ako pinapansin.

Busy kami sa panonood nang biglang may nagsalita sa likod namin. o_O

"Bakit andito ka?"oh sht,that voice!Hindi,galit ka sa kaniya.Oo,galit ka sa kaniya.Huwag mo siyang papansinin.

"Mich,wala ka bang assignments?"tanong niya kay Mich na feeling ko ay tumaas ang mga balahibo.

"Ah...eh...Meron.Sige,akyat lang ako"hinawakan ko siya pero ngumiti lang siya at tinap ako sa braso.Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang panonood ng movie.

"Wala ka bang narinig?Sabi ko ba't andito ka?"

"Wala akong klase"cold na sagot ko at kumagat sa cupcake na hawak ko.Mainggit ka!

"Liar.Meron kang klase,bakit hindi ka pumasok?"nakatayo parin siya sa gilid,hindi ako nakatingin sa kaniya pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin.Kung nakamamatay lang ang titig siguro kanina pa ako bumulagta dito.

"Cupcakes,gushto mo?"alok ko habang puno ang bibig ko at nag-abot sa kaniya pero hindi niya pinansin,"Okay"

"Ano ba,Marge?!Sagutin mo nga ako ng maayos!"sumigaw na siya pero hindi ako nagulat.Ano bang pakialam niya kung hindi ako pumasok?Nanay ko ba siya?Hindi naman,diba?Bahala siya diyan."Damn!"saka niya hinugot sa saksakan ang TV.

"Ano ba?!Huwag kang bastos,okay?!"sigaw ko,putek!Kissing scene na eh.Dejk!Magkakaminan na yung mga bida eh.Kaasar talaga 'tong babaeng 'to.Nako nako.Tatayo na sana ako para ayusin yung player pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya.Oh sht!I missed staring at her.

"Tell me,bakit andito ka?Bakit wala ka sa library at hindi ka pumasok?"nakipagtitigan lang ako sa kaniya at hindi siya sinagot,"Damn it!Sumagot ka!"habang inaalog ang katawan ko na para bang magkakandalasog-lasog na ang katawan ko.

"Tell me,ano bang pakialam mo?Library?12 ang sabi mo,diba?Asan ka?!Hindi mo ako sinipot.Sobrang nasaktan ako kasi nang-iiwan ka sa ere,tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot.Hindi ka magpapakita na sobrang nagdrama ako sa lib tas tatanungin mo ako kung bakit hindi ako pumasok?!"inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at dinala ang cupcakes tapos tinalikuran ko siya.Tapos narinig ko na lang na tumawa siya.

"Damn it,Marge.Ala-una pa lang"tapos tumawa ulit siya.Pasimple akong tumingin sa wall clock namin at tama siya!Oh,come on!

"Hmp!"pahiya ako dun ah.Pero galit parin ako sa kaniya kaya tumakbo ako sa terrace at sinara ang pinto dun para hindi niya ako makahabol.

Tanga mo,Marge!Saka ko naalala na,1 hour somethimg advanced ang time ko kasi ayaw kong nalelate!

"AAAAAHHHHHHH!!!I HATE YOU JIRAAAAAHHHHH!!!"sigaw ko at nilantakan ang cupcakes!Kainis siya!

-------

Oh-oh!Haha :) 1 hr advanced pala eh.Nako nako,alam ko sobrang nakoconfuse na kayo pero konti na lang,matatapos na 'tong story.Kaya,keep on reading! :)

Unwritten OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon