Marge's POV
"Margarita Anna Marie Tejada!Buksan mo nga 'tong pinto!"kanina pa siya kumakatok pero hinahayaan ko lang siya.Bahala siya sa buhay niya.Kainis siya!Hindi ako nakapasok dahil sa kaniya.
"Ayoko!Bahala ka diyan!"sigaw ko sa kaniya pabalik,asa tapat ako ng pinto at kitang-kita ko siya.Nakooooo.Tapos,narinig ko na naman yung tawa niya.
"Sorry na kasi.Hindi ko naman alam na 1 hour something advanced relo mo eh"sabi niya tapos tumawa ulit,"Sorry na,please?Papasukin mo na ako"napabuntong-hininga na lang ako.
"Kailangan ko ng tubig"sabi ko sa kaniya at napatigil naman siya sa pagkatok
"Eh di kumuha ka"
1...2...3...!
"Marge!"tumakbo ako papunta sa kusina at kumuha ng bottled water sa ref.Papasok na sana ako sa terrace at nakita kong nakaabang siya."You can run but you can't hide"
"Dadaan ako"masungit na sabi ko sa kaniya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa doorknob.Bumilang ulit ako ng tatlo at binuksan yun tapos tinulak siya para hindi makasunod sa akin!I'm a genius!Narinig ko na naman yung tawa niya.Bakit ba lagi niya na lang akong pinagtatawanan?
Ininom ko na ang tubig at sumandal sa may pinto.Andaming katanungan sa isip ko.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan o kung sisimulan ko ba talaga.Nakakainis!
"Sandal ka sa may pinto"utos ko sa kaniya na feeling ko ay ginawa niya din,alam niyo yung sa Frozen?Si Anna at Elsa?Ganun siguro itsura namin ngayon,"Bakit ka ba ganiyan?"
Nanahimik naman kaming dalawa.Inaantay ko ang sagot niya pero wala ata siyang balak magsalita eh.
"Anong ganiyan?"
"Ganiyan.Ang sungit mo sa akin noong mga nakaraang araw tapos ngayon ang kulit-kulit mong makipag-usap sa akin"
"We can't talk like this"
"Yes,we can.Ikaw lang ang may ayaw"
"*sigh*Okay.I'll tell you when I'm ready and you tell me when you're ready,too"naramdaman ko na lang pagtayo niya at ako naiwang nakaupo sa may pinto.Ready na nga ba talaga ako?Hindi ko din alam.Akala ko ready na ako eh,hindi pa pala.
***
Andito kami ngayon sa gym nagpapahinga.Katatapos lang ng training namin at walang gustong magsalita.Napahirapan kasi kaming lahat dahil hb si Coach,kaya ayun!Patayan kung patayan.Buti nga nasanay na ako eh.Lagi naman kasi akong pinapatay kapag nakikita ko silang magkasama at masaya.Nako nako,ang drama ko na.
Napangiti na lang ako sa sarili kong kabaliwan.Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa taas.Ano kayang iniisip niya?Ako ba o baka si...Cienne?Hay,ewan!Napansin ko naman ang pagngiti niya,ako kaya ang dahilan nun?Naalala niya ba ang mga dati?Oh shit!Wala pa palang nakakaalam sa teammates ko na naaalala ko na lahat.Well,maliban kay Ate Ly na napapansin lahat.
"Matunaw"Ate Mae sabay bato sa akin ng gatorade,napailing na lang ako,"Welcome"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla na lamang akong humiga sa tabi niya.Naramdaman ko ang paglingon nilang lahat sa akin at ang pagkagulat ng babaeng katabi ko.
"Would you mind?"
"No"
Humiga lang kami dun at humugot ako ng isang malalim na hininga at tinanong siya.
"Can we talk?Right here?"tanong ko nang mapansin kong isa-isang nagsisipalabasan ang mga teammates namin.Yeah,that's nice!
Tumango lang siya.Napabuntong-hininga ako at isa-isang binuo ang mga salitang dapat sabihin sa kaniya.
"Alam ko na...Alam ko na lahat"
"Lahat ng sagot sa test natin bukas?Talaga?!Pakopya ako ah"napatayong upo ako at ganun din siya.Ang sakit.Hindi ko siya nilingon at napangiti ako ng mapait.
"Alam ko na lahat...sa atin,sa akin"hindi siya nagsalita at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.Silence is the worst answer.
"You don't have to say anything.Gusto ko lang malaman mo.Sige,aalis na ako"tatayo na sana ako pero agad niyang nahawakan ang kamay ko at hinila ako kaya naman bumagsak ako sa kaniya.Oh sht.Napatingin ako sa kaniya at ganun din siya.Magkatitigan lang kami habang nakayakap siya sa may bewang ko.May mga paruparo sa tiyan ko at parang may kuryenteng patuloy na kumikiliti sa akin.Akala ko ba it's over?Akala ko ba we're over?
"Ahh.Marge,mabigat ka"agad naman akong tumayo at pinagpag ang sarili ko.Tss!Paasa!"I know and I want you to meet me kung saan mo ko sinagot.Bukas.Ayusin mo ang orasan mo.See yah"
Parang...parang hindi ko kaya.Pagkatalikod niya ay nag-unahan na namang tumulo ang luha ko.Grabe!Nakakainis!Ayoko na!
-----
Complicated -much? haha! utak ko din eh!Pasensiya naman daw po :)))) Malapit nang matapos! :D