Twenty Four

847 27 2
                                    

Marge's POV

"Nag-away kayo?"Ate Mae na palipat-lipat ang tingin sa amin ni B---Jirah.Umiling lang ako at yumuko.Kumakain kaming lahat ng dinner at katabi ko siya.Hindi ako ang tumabi sa kaniya,siya ang tumabi sa akin.

"Anong nangyari?"Ate Ella,kumain lang ako at nang matapos eh dumiretso ako sa terrace.Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Marge"

"Psst.Margarita"

"Marge Tejada"hinanap ko kung sinong tumatawag sa akin.I was expecting her but iba ang nakita ko.

"Camille,anong ginagawa mo diyan?!"tanong ko tapos iniakyat ko siya,grabe talaga 'tong babaeng 'to.Akyat bahay ata 'to eh.Buti na lang hindi siya nahuli.

"Kanina pa kita inaantay.Di mo ba nabasa yung text ko?"

"Sorry naman.Naiwan ko phone ko sa kwarto eh"naupo kaming dalawa sa may terrace.Katahimikan.Komportableng katahimikan.Walang nagsasalita ni isa sa amin hanggang sa nagdesisyon akong basagin ito.

"Bakit ka nga pala andito?"

"I'm just cheking on you"

"Okay naman ako...I guess?"pilit na lang akong tumawa at tumingin sa kaniya,"Ikaw ba?"

"Maganda pa rin"sabay tawa niya tapos hinampas ko siya sa braso

"Sira ka talaga"

Nag-asaran lang kami at nagtawanan dun.Hindi alam ng teammates ko na may bisita.We talk about things that bother us.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang itago.Hindi ko alam kung gano ako katatag para di matibag ang pader na itinayo ko.Hindi ko na alam.

"Camille,I think I'm ready"

"Sigurado ka?"wala nang urungan 'to.Kung hindi man niya ako matanggap,ayos lang sa akin.Atleast,I did my part.Tumango na lang ako at niyakap siya.

"Thank you for everything,Camille"

"Sige na,uwi na ako at kanina pa ako inaantay sa baba"

"Sa baba?"gulat kong tanong o_O

"Tara"hinila niya ako at inalalayan ko siyang bumaba tsaka kumaway sa akin ang wafs pero di kasama si Cienne.Mga akyat bahay talaga oh.Kumaway na lang din ako hanggang sa nagtatakbo sila,nag-unahan pa nga ata eh.

"Tss.Talaga nga naman oh" napailing na lang ako at napatawa.Kahit kailan talaga puro sila kalokohan.

Haaaayyy.Humiga ako at tumitig sa kalangitan.Kita dito eh.Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng antok.

***

Minulat ko ang mga mata ko at napatingin sa paligid ko.Oh shit.Nakatulog ako sa terrace.Ano ba naman yan?! Wala manlang humanap o bumuhat sa akin.Inayos ko ang sarili ko at nagtangkang pumunta ng sala.Naririnig ko ang sobrang ingay at parang aligaga silang lahat.Anong meron?Nakasalubong ko sila Mich pero di naman ako pinapansin at sinasagot,may hinahanap ata sila eh.Hawak nila phones nila at mukhang worried na worried ang mga mukha nila.

Owkay,pumasok na lang ako sa kwarto namin ni Besh at naligo.May training kami ngayon eh.Bumaba na ako at naririnig ko parin ang mga sigaw nila at parang nagkakainisan na sila.Hindi pa ba nila makita ang hinahanap nila?Tinignan ko sila isa-isa at mukhang pagod at naiiyak na sila.Hala,may multo?Andito lang ako sa halfway ng hagdan at inaantay silang huminahon.

"Asan na ba kasi yung daga na yun?!"Ate Mae na gulo-gulo ang buhok.Daga?!Daga ang hinahanap nila.

"Ang laking daga hindi naman natin makita.Hindi ba natulog sa kwarto niyo,Jih?"Ate Ly,sa kwarto namin?May daga?Holy crap.

"Hindi eh"

"Patay tayo kay Coach pag di natin nakita yun"Ate Aerieal

"Ligo muna ako"paalam ni Ate Ella at umakyat,nakayuko siya at parang nalugi.Hinarang ko siya tapos napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata sabay sigaw ng,"Shit!Daga!"nakatayo lang siya sa kinaroroonan niya at kita sa peripheral vision ko ang pagturn ng ulo ng mga teammates ko sa amin.Maliban sa isa,kay Besh.

"Oh,shit!Daga nga!"Ate Den na hindi rin nakaalis sa kinalalagyan niya.

"Andiyan na pala yung da-----Oh,andiyan ka na pala"Besh

"Uhh.Yeah,nakatulog ako sa terrace kagabi eh.Tsaka,anong daga ba yung hinahanap niyo?"

"Ikaw"

"Ako?!Daga?!Paanong------"hindi ko p man natatapos ang sentence ko eh sumigaw sila at yumakap sa akin.

"MINNIE MAAAARGE!!!"

"12.Library"natigil kaming lahat sa nagsalita.

"A-a-ako?"

"Yeah"tapos tumalikod na siya.What's with her?!She's so weird

Unwritten OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon