RomeTuwing nakikita ko ang bestfriend kong masaya naiinggit ako dahil nagawa niyang ipaglaban ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi siya bumitaw at sumuko. Samantalang ako hanggang ngayon ay puro tingin lang na matatalim at pag-iwas ang nararananasan mula kay Sandy. Ang sabi nga ni Warren sa akin sa araw ng kasal niya, huwag raw akong susuko kahit mahirap pa ang laban.
"Dude, if you won't suffer, you won't appreciate the true value of love. Love may just be a feeling for some, but it is also something that you must earn and work hard for, alongside with trust. Love and trust will make any relationship work. I learned that the hard way. Just hold on and make her fall for you all over again. The wait and efforts will be all worth it."
Dahil dito napagpasiyahan ko na gumawa ng paraan para lang mapalapit muli kay Sandra. Hindi ko alam kung paano siya nakapagtago sa akin sa loob ng mahabang panahon. Siguro ay hinarang ng mga security personnel niya lahat ng private investigators na binayaran ko para hanapin siya o baka sadya lang talagang malupit sa akin ang tadhana.
May ideya na ako kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong.
"Hello. Karen? Si Rovic 'to. Nakuha ko ang number mo kay Denisse."
["O hello din sa'yo siyempre hindi ka tumawag dahil gusto mo akong kausapin o kachika, malamang hindi rin dahil nahumaling ka sa angking kong kagandahan. O sige na, itanong mo na ang pakay mo kahit alam ko namang isang nagngangalang Sandra ang favorite mong topic."]
"Tama nga ang sabi ni Denisse sa 'kin. Maingay ka nga."Nasabi ko na lamang habang pailing-iling ako habang kausap siya.
["Sige kunwari na lang hindi ko narinig na sinabihan mo akong maingay. Since alam ko naman na kung ano ang pakay mo, ito makinig kang mabuti. Nagenroll sa Law School si Sandra. Hindi ko nga alam bakit gusto pa magtuloy ng pag-aaral, may negosyo naman sila at siya ang magiging CEO at hindi Legal Aide. Sa Saint Bernadette pa din siya nag-enroll para daw hindi na siya mahirapan sa requirements. Hindi ko pa alam ang schedule niya kasi hindi naman ako ang yaya niya 'diba. Pero kung gusto mo, sige itatanong ko para maispluk ko sa'yo."]
"Itinuloy pa rin pala niya. Pangarap kasi namin dalawa 'yon." Napangiti ako sa nalaman ko. Hindi naman pala niya tuluyang binura sa buhay niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa akin.
["Sabi na nga ba at may kagagawan ka na naman sa kahibangan ng kaibigan ko! Magpapakahirap pa mag-aral! Ang apat na taon nga na kurso niya ang hirap na puro memorization tapos dadagdagan pa. Sabagay matalino naman talaga si Sands. Hindi naman palagi nag-aaral pero mataas ang grades. Kaya niya 'yon. Kaso hindi naman talaga relevant sa buhay niya."]
"Alam mo ba kung saan siya nakatira?"
["Of course naman! Pero. . .hindi ko sasabihin. Gumawa ka na lang ng paraan para malaman mo. Baka magalit na 'yon sakin. Maoobvious niya na ako nagchika ng school niya at plano niya sa buhay."]
"Sige Karen. Salamat ha. Ako na rin gagawa ng paraan para malaman ang schedules niya. Salamat ulit."
["Basta ha, pag nagkatuluyan kayo, huwag n'yo akong kakalimutan. Kapag hindi naman kayo nagkatuluyan, huwag mo rin ako isusumbong na ichinuchu ko siya sa'yo."]
"Sige makakaasa ka. Bye."
I got you now Sandy and I know what to do to get closer to you.
***
Papasok na ako sa Classroom nang mapatigil ako dahil sa bulung-bulungan sa loob.
"May bagong prof daw tayo for 3 months. Bigla daw nagdecide si Atty. Salviejo na mag Tour around Europe kahit kakasimula pa lang ng klase. Imagine! Three weeks pa lang tayo nagkaklase iba na naman ang prof natin at mukhang buong sem na." Kaninong boses kaya ito at kalalaking tao ay chismoso. Siya pa talaga ang nagsimula ng usapan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Case
General FictionCOMPLETED FULL STORY It only takes one small, yet pivotal moment in somebody's life that becomes a catalyst for failure. For Rome Victor Suarez, that was when he broke the heart of the only girl he ever loved. Will his Appeal be heard or will he fo...