Mula sa madilim na gabi ay sa wakas sumilip rin ang liwanag. Matapos ang halos limang buwan na pagtitiis sa piitan ay nakalaya rin si Rovic. Napawalang sala siya nang ma-establish na set-up lamang ang lahat. Napatunayan nilang Malicious Prosecution lamang ang kaso."There is a malicious intent behind and no probable cause at all, thus dismissing the charges of the prosecutor against Rovic Suarez for the case of murder of Athalia Ramirez." Sabi nga ng husgado.
Rovic
One week na nakalipas simula nang magkita kaming muli ni Sandy. Work from home lang ako para makaiwas sa mga tanong ng mga tao. Hindi rin ako lumalabas ng bahay.
Tuwing naalala ko ang mga buwan at araw na nasayang, naluluha pa rin ako. I feel sorry for myself. Sabi nga ng therapist, I am wallowing in self pity for something that I have no control over. Nakatulong man ang therapy para matanggap ko ang lahat, hindi ko pa rin magawang bumalik sa dating ako. I felt lost siguro kasi wala si Sandy sa tabi ko.
Until such time that I can finally accept what happened and tell Sandy, I have to stay away from her. I hope she will still love me and accept me despite everything that happened. I guess that's my greatest fear right now.
Alam ko rin na hindi madali para sa pamilya ko at kay Warren that I only filed a motion to issue a Restraining Order against Athalia. Tama lang naman ito because that restraining order will protect me from further harrassment, stalking and sexual assault na lahat ay pinagdaanan ko sa kamay ng baliw na babaeng iyon. Ngayon hindi siya maaring lumapit within a 5 mile radius nor contact me by any means.
May isa pang problema na hindi pa rin nalulutas. Si Franz. Hindi pinanigan ng korte ang motion ko regarding kay Franz dahil walang nagtuturo na may kinalaman siya sa mga nangyari sa akin. Hindi siya isinuplong ni Athalia at ni Juan nang mahuli sila nila Warren. Wala ring evidence na makalap kaya't malaya si Franz na makalapit sa aming lahat lalo na kay Sandy.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako handang kausapin si Marie kahit alam kong siya lang ang susi ko para mapaniwala ang parents ni Sandy na manloloko at manggagamit si Franz. Nasaktan akong malaman na nagdalawang isip siyang tulungan ako just to protect that asshole Franz.
"Rovic." Nagulat ako sa boses na ilang buwan ko ring hindi narinig. Nang lingunin ko ang may-ari nito, isang luhaang tao ang nakita ko.
"Marie. . .Alam mo na pala na nakabalik na 'ko. Upo ka muna. Would you like something to drink?" Gusto ko lumayo sa kaniya dahil hindi ko matiis na makita siyang umiiyak.
"I'm so sorry. Alam kong. . .ang sama ng ginawa ko. . .pinabayaan kita maghirap sa . . .kamay nila. . . Believe me. . . hindi ko talaga sinasadya. . .nabulagan lang ako. . ." Patuloy ang pagtangis at paghikbi niya. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang bag na parang pinagkukuhanan niya ng lakas.
"Rovic. . . alam ko walang kapatawaran ang ginawa ko. . . kung napahamak ka hindi ko matatanggap at mapapatawad ang sarili ko. . .I failed you. . . I'm a worthless friend. . . wala akong kwentang tao. . . Sorry . . ." Masakit makita ang kaibigan na itinuring ko nang kapatid na naghihinagpis dahil sa isang bagay na wala naman talaga siyang kinalaman.
As I saw my bestfriend in tears and agony, I empathized with her. The fear and pain I was feeling for myself lifted. At that moment, I realized that we do not have anything to feel sorry for. Siya. Ako. Si Sandy. We were all victims at hindi kami dapat nagkakasamaan ng loob dahil sa kagagawan ng mga walang pusong tao na gusto kaming sirain.
Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat pa siya noong una at hindi makapaniwala.
"Rovic. . . please sorry na. . . hindi ko talaga alam. . . kung bakit ko nagawa. . . na piliin siya kaysa sa'yo. . ." Mahigpit ang yakap niya habang umiiyak at humihikbi at hindi ko na rin napigilan ang pag-agos ng sarili kong mga luha.
"Alam ko kung bakit. Kasi mahal mo siya. Sinabi na sakin ni Warren ang lahat. Pasensiya ka na sa'kin ha. Sumama pa ang loob ko sa'yo samantalang ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nakaligtas at nakalaya. You are my savior. You and Warren are my heroes." Ang cheesy pero totoo.
"You two will be the death of me! I thought you were fighting that's why I hurriedly went here when Marie told me she'll be meeting you. . ." Dumating si Warren na may dalang mga malalaking supot ng diapers sa magkabilang kamay. Kung bakit dinala pa niya papasok ng bahay ay hindi ko rin alam.
"Uy Daddy Warren! Ba't naman dala dala mo pa ang mga lampin na 'yan?! Balak mo ba kaming ipag baby sit ni Rovic?" Si Marie ay nagpunas na ng luha at natawa na rin ako dahil sa reaksiyon ni Warren. Balik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Marie.
"You guys are ok? I mean, really?" Lumapit sa amin ang aming kaibigan, nagkatinginan at nakaisip kami ng idea ni Marie. Biglaan naming sinalubong namin si Warren at ibinalya sa sofa.
"Aaaaaaaaaaaaaagggghhhh" Magkasigaw naming sigaw ni Marie.
"Damn you guys! Why do you always do that!" Humagalpak kami ni Marie sa tawa habang hinihilot naman ni Warren ang braso at likod niya na naipit sa impact.
"Hangggang ngayon hindi mo pa rin kami naiiwasan every time we attemp to do that!" Si Marie ay mukhang okay na. Mabuti naman at narinig ko na ang tawa niya.
"Oo nga. Itong si Warren napakalampa talaga. Parang hindi Prinsipe kung maka aray!" Kahit ako ay hindi napigilan na ang pagtawa. Naalala ko pa kasi na tuwing gagawin namin iyon ay laging nabubukulan o nagkakapasa si Warren. Biruan naming tatlo 'yon simula pa noong nasa ibang bansa kami.
"Geez. If I've known you'll pull this prank on me again, I shouldn't have come." Nakangiti naman si Warren at alam kong masaya siya na maayos na muli kaming mgakakaibigan.
Biglang tumahimik ang silid. Naging seryoso kaming tatlo. Parang mga baliw lang, una tawanan tapos seryoso. Hindi na talaga kami magbabago.
"Seriously guys, I have a plan! Sa ayaw niyo at sa gusto wala nang iwanan 'to!" Tumango lamang kaming dalawa ni Warren habang sinasabi sa amin ni Marie ang details ng aming gagawin. When the three of us plans something together, it always goes out with a bang! At sigurado akong ilang araw lang mula ngayon, matatapos na ang lahat ng mga problema kong ito.
***
Today marks The Billionaire's Case's 10,000 reads! (May 31, 2017)
😘❤️😘❤️Thanks for your support!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Case
General FictionCOMPLETED FULL STORY It only takes one small, yet pivotal moment in somebody's life that becomes a catalyst for failure. For Rome Victor Suarez, that was when he broke the heart of the only girl he ever loved. Will his Appeal be heard or will he fo...