31-Guilt

2.6K 90 4
                                    




            


Tama nga si Rovic, may naghahanap sa kaniya at hindi raw naging madaling gawin ito dahil pinalabas ni Athalia na may relasyon silang dalawa. Nagpadala pa ito ng mga larawan sa parents ni Rovic. Pero hindi alam ng babae na alam ng parents ni Rovic na hinding hindi niya magagawa iyon kay Sandra kaya't humingi sila ng tulong kay Warren na maraming koneksiyon. Kailangang maging lihim ang lahat dahil sa estado nila sa buhay siguradong pagpipiyestahan sila ng media kapag lumabas ang balita.

Nahirapan si Warren itrace si Rovic. Ang alam lang niya ay ang koneksiyon ni Athalia sa pagkawala ng kaibigan. Siya lang ang nakakaalam na nawawala ito. Hindi ri niya alam na may kinalaman si Franz. Naging blessing in disguise na dumalaw si Marie kina Warren isang gabi na pinag-aaralan ni Warren ang mga information na nakalap niya tungkol kay Athalia.

"Warren, bakit ka may litrato nitong babaeng 'to? Si Athalia 'yan diba." Bakas ang galit sa boses ni Marie.

"I'm looking for her." Matipid na sagot ni Warren dahil maging kay Marie ay hindi pwedeng sabihin na nawawala si Rovic.

"I just saw her last weekend. I was at the US. She had a meeting with my boyfriend." Napatayo si Warren sa narinig niya.

"Marie, this is important. I need to know where you met her and who your boyfriend is." Mukhang nag-alangan si Marie kaya't napaamin na rin si Warren.

"Marie. Rovic is in danger because of that woman. She tricked and kidnapped him and now she wanted us to believe that they're in a relationship. But you know the truth. You know how Rovic feels. Rovic has been missing for two weeks already Marie. Every second counts."

Namutla si Marie. Naalala niya kasi ang hindi sinasadyang pagkakarinig niya sa pag-uusap ng babae at ng boyfriend niya.

"Our plan is working. I hope you already have what you want. We'll be leaving the country next month. I'm having some problems with his papers and even the bank accounts on my name are all unaccessible. I think someone is trying to slow us down. It's a good thing I have other funds to use."

"Make sure he stays out of the radar. You can release him when I have finalized the wedding." Nang marinig ni Marie ang wedding. Nanginig ang buo niyang katawan. Alam niya kasing hindi siya maaring pakasalan ng boyfriend niya dahil galit ang pamilya niya sa relasyon nila. Kung gayon ay may ibang balak pakasalan si Franz?

"I'll never let him go. He's mine. I have to go. Here's my card. Written at the back is the address where we are staying."

Nang mga sandaling iyon hindi sumagi sa isipan ni Marie na ang kaibigan pala niyang si Rovic ang pinag-uusapan ng babae at ng lalaking pinakamamahal niya. Hindi agad sinabi ni Marie kay Warren ang impormasyon. Natakot siya sa maaring maging epekto nito kay Franz.

"Nagkita lang sila sa isang cafe. Hindi mo naman kilala ang boyfriend ko." Alam ni Marie na sa pagsisinungaling niya kay Warren ay inilalagay niya sa panganib lalo ang buhay ni Rovic. Pero mas matimbang ang pagmamahal niya sa lalaking ilang taon na niyang kasama. Itinatago nila ang relasyon nila. Hindi matanggap ng pamilya ni Franz na isang transgender ang gusto nitong pakasalan. Matagal na silang may relasyon at mahal na mahal nila ang isa't isa. Alam ni Marie na hindi magtatagal mapapapayag na rin ng boyfriend niya ang pamilya nito na magkatuluyan sila.

"I just have to do something for the family then after two years we're good to go. Promise darling. I love you so much and I won't ever leave you." Ganoon palagi ang sinasabi ni Franz kay Marie. Paniwalang paniwala siya sa lahat ng sabihin ng lalaki. Siya lang ang trumato ng parang tunay na babae kay Marie. Maging ang mga kaibigan ni Marie ay Mario pa rin minsan ang tawag sa kaniya ngunit si Franz, lahat ng pag-aalaga sa isang tunay na babae ay ipinadama nito sa kaniya.

Umalis si Marie noong gabing iyon kina Warren na balisa. Pakiramdam niya ay trinaydor niya ang bestfriends niyang si Rovic at Warren. Kailangan niya kausapin si Franz. Hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya.

Isang linggong hinintay ni Marie si Franz sa condo nila na nagsilbing love nest nila ng ilang taon. Nang dumating ito ay hindi niya inaasahan na mas pipiliin niya ang yaman ng pamilya Schwarz kaysa ang makasama siya habang buhay. Ngunit kahit ganito ang pasiya ni Franz ay hindi sumuko si Marie. 

"Franz, what are you doing? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?" Halos maglumuhod si Marie kay Franz habang umiiyak.

"Mahal kita. Mahal na mahal alam mo 'yan. Kahit kailan hindi kita sinaktan o niloko. Ngayon kailangan ko ang pang-unawa mo. Mawawala lahat ng mana ko kapag hindi ko sinunod ang utos ni Lolo. Intindihin mo naman ako. Sinubukan ko namang ipaglaban kung anong mayron tayo kaso hindi talaga pwede sa ngayon." Naluluha na rin si Franz dahil ayaw niyang nakikitang umiiyak si Marie.

"Kilala ko ang babaeng tinatarget mo pakasalan Franz. Si Sandra Wright tama ba? May mahal na iba ang babaeng 'yan. Masasaktan ka lang. Hindi mo kailangan ng kayamanan. May trabaho ako maganda ang kita ng negosyo ko. Kaya kitang buhayin kung kailangan."

"Hindi ko mapapayagan ang set-up na gusto mo Marie. Alam mong mataas ang pride ko at sa'yo lang ako bumibigay pero hindi sa pagkakataong ito. Masyadong malaki ang nakataya dito."

"Alam mong kaya ko ibigay kahit buhay ko para sa'yo Franz. Pero hindi ko kukunsintihin kung may gagawin kang masama. Mabuti kang tao. Hindi ka nananakit ng iba. Mapagkumbaba ka. Mapagmahal sa magulang at kapamilya. Mapagmahal ka sa akin. Tinanggap mo ako at minahal ng buong buo kahit alam mong may pagkukulang ako. Pera at pangarap pa ba ang sisira sa mabuti mong pagkatao? Ang lalaking minamahal ko wala na ba ngayon? Gagawin ko ang lahat Franz para matulungan kita pero kailangan mo rin tulungan ang sarili mo." Natigilan si Franz dahil sa sinabi ni Marie. Mukhang tinamaan ang binata. Pero hindi pa rin pala sapat iyon.

"I'm sorry. I love you but I can't love you now if you won't understand what I need." Tuluyan nang tinalikuran ni Franz si Marie. Hindi hinayaan ni Marie na umalis si Franz ng ganoon lang. Hinila niya ito pabalik at siniil ng halik. Sa huling pagkakataon ay gusto maramdaman ng dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Pagkatapos ng maalab nilang gabi at noong malalim na ang tulog ni Franz, kinuha niya ang wallet nito at hinanap ang calling card na magtuturo kung nasaan si Athalia at si Rovic. Parang kinukurot ang puso niya na makitang may mga larawan siya sa wallet ni Franz. Ilang segundo pa ay nakita na rin niya ang pakay. Wala na siyang time na itype pa ang address kaya't kinuha niya ang cellphone niya at kinuhanan ito ng picture. Kinabahan pa siya ng may shutter sound pala ang phone niya. Mabuti at hindi nagising si Franze. Isinend niya ang litrato kay Warren na may isang warning at pakiusap.

You can find them at this address. Make sure you leave Franz Schwarz alone. Do not drag his name to anything related to this incident. If you can't do that, forget about our friendship.

Alam ni Marie na mabigat ang hinihingi niyang kapalit ng impormasyon na binigay niya. Ngunit kahit anong mangyari hindi niya kayang masaktan si Franz lalo na ang malagay sa kulungan dahil accomplice siya sa pagkidnap kay Rovic.





***

A/N: Few chapters left bago ang The End.

Thank you for reading!

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon