2-No Way!

12.6K 246 6
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Labinlimang minuto na lamang at aalis na ang pribadong eroplanong patungong Europa, sa Luxembourg. Inaayos na ng dalawang flight attendant ang mga luggage compartments at isinecure ang mga loose objects para sa nalalapit na take off.

Maganda ang loob ng private plane. Blue at light pink ang combinations ng mga upuan at ng mga furnishings nito. May dalawang restroom sa likuran, isang private cabin na may higaan para kung may gustong matulog at isang working pantry kung saan inaasikaso ng mga flight attendant ang mga pagkain.

"Bakit naman kasi hindi pa sumabay sa atin si Rovic kanina? We're going to be late kung hindi pa siya darating. Ang haba pa ng flight."

Naiinis na sabi ni Marie Alonzo, isang maganda at matangakad na transgender habang sinusubukang tawagan ang nawawalang kaibigan. Palinga linga rin ito sa may entrance ng eroplano.

"Please settle in your seats and buckle up for safety." Pagpapaalala ng isa sa mga flight attendant.

"We have to wait for my friend. He said he'll be here before take off." Muling pagsasabi ni Warren Riviera, may-ari ng eroplano at ang dahilan kung bakit silang lahat pupunta ng Europa. Susorpresahin at magpopropose kasi siya sa girlfriend nito na isang anak ng Duke doon, si Denisse Ellison.

"Noted Sir. The captain was already advised."

Limang minuto bago ang takdang oras ay dumating na humahangos si Rome Victor Suarez, isang abogado at nagmamay-ari ng ilang establishments at businesses sa Maynila at sa Asia.

"Sorry guys. I came from a hearing. I came as soon as possible."

"Kung bakit naman kasi hindi mo pa ibinigay sa iba iyang kaso na iyan alam mo namang aalis tayo. Di ko rin maintindihan bakit ang dami mong clients eh busy ka pa sa mga hinahandle mong companies ninyo. Superman ka ba? Ang dami mong gustong gawin."

"That was a very important client. Tama na ang pagbunganga Ms. Marie. Kamukha ko lang si Superman pero hindi ako superhero. So what did I miss?" Naupo na lamang siya sa tabi ni Marie. Lumapit ang flight attendant at ipinasuot na sa kaniya ang seat belt.

"Wala. Buti umabot ka pa. Huwag kang maingay kasi nandiyan sa may harapan ang mga kaibigan ni Denisse. Nakakahiya ikaw pa hinintay talaga ah."

"Ikaw kaya itong maingay. Ganoon talaga ang mga bida, pa VIP." Saka siya naglagay ng earphones at nag-ayos na para matulog sa mahabang biyahe.

"Tell the Captain we're ready to go." Bilin ni Warren sa attendant at inayos na rin nito ang seat belt niya at itinago na ang cellphone na kanina pa niya pinagmamasdan.

"Yes Sir."

Mahabang biyahe ang kanilang lalakbayin, lagpas dalawampung oras simula Maynila papuntang Luxembourg. Hindi na hinintay ni Rovic ang mga refreshments at siya ay nagpasiyang matulog muna.

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon