Nagising si Rovic bandang alasais ng gabi. Wala si Sandy sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung nanatili ba ito kagaya ng pangako niya kaya't bumangon siya at hinanap ito. Una siyang nagtungo sa banyo ng kwarto at sa sala. May narinig siyang tinig mula sa kusina.
"I know. I can't do it. I am backing out. I am willing to risk everything to prove you wrong. No! You can't make me. . .But please listen to me. . ."Nagmamakaawa ang boses niya sa kausap sa kabilang linya ng telepono.
"Yes. I understand the possible complications of my actions." Tumango tango pa ito bago nagpaalam sa kausap.
Naguluhan si Rovic sa narinig ngunit alam niya na ikakagalit ni Sandy kung malalaman na nakikinig siya sa usapan. Pinili niyang manahimik na lamang at magpanggap na kadadating lang sa kusina.
"Hey. May problema ba?" Tanong niya nang kinabig niya si Sandy papalapit at niyakap. Nagulat ang dalaga at hindi agad nakagalaw.
"No. Everything's fine but I have something important to tell you after dinner. But before that, I have a surprise for you." Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Sandy at napalitan ng isang matamis na ngiti.
"Ang sarap naman magkasakit kung may pa-surprise pa ang mahal ko." Hindi mapigilan ni Rovic na ngumiti na parang nanalo ng ilang milyon sa lotto.
"Just take a seat." Nang maupo na ang makulit na may sakit, kinuha na ni Sandy ang niluto niyang Sinigang at nagsandok na din ito ng kanin. Pagkahain sa mesa ay bakas na bakas ang pagkamangha at kaligayahan sa mukha ni Rovic.
"Sinigang! Wow!" Pumikit pa ito at inamoy amoy pa niya ang ulam.
"You're overacting Rome. That's just a simple dish." Hindi din naman maitago ni Sandy ang kilig na napasaya niya ang binata. Natutuwa siya dahil na-appreciate ng kaharap ang hirap at pagod niya.
"Hindi ah! Favorite ko 'to at ikaw ang nagluto kaya mas special pa 'to sa kahit anong pagkain."
"You're being baduy ha." Natatawang sagot ni Sandy. Tumayo si Rovic at inalalayan maupo si Sandy.
"Bakit isa lang ang plato? Hindi ka ba kakain?"
"I'm not hungry. I'll just watch you eat." Ngumiti siya at nilagyan ng kanin ang pinggan ni Rovic at saka sinabawan ng maasim na Sinigang. Ipapaghimay pa sana niya ito ng lamang baboy ngunit tinutop ng lalaki ang kanyang kamay. Dahil abala siya sa pagaayos ng pagkain, hindi niya nakita kung gaano siya pinagmamasdan nito. Magkahalong saya at takot ang nakita niya sa mga mata ng lalaking minamahal.
"Thank you. You made me so happy. Natatakot ako na bukas babalik na sa dati ang lahat. Sana hindi na matapos ang araw at gabing ito."
Naiintindihan ni Sandy ang tinutukoy ni Rovic dahil siya man ay natatakot din sa mga susunod na mangyayari. Tama ba ang desisyon niya na kalimutan ang kasunduan nila ng kanyang mga magulang? Kapalit ng kinabukasan niya sa piling ng taong gusto niya makasama habang buhay? Marami tanong na bumabagabag sa kanya ngunit napagpasiyahan niya na hindi muna ito isipin. Sabi nga nila ay go with the flow and see where the tides take you.
"Don't think too far ahead. Let's just enjoy the moment and see where this goes." Nginitian niya ito at hinaplos ang pisngi. Masyado nang matagal niyang tinitikis ang nararamdaman niya at sa pagkakataong ito hindi na siya magpapapigil sa galit at sakit ng nakaraan.
"Ang akala ko hindi mo na ako talaga papansinin. Nawawalan na ako ng pag-asa kaya kung anu-ano na ang ginawa ko para lang kausapin mo na ako ulit. Kung alam ko lang na itong pagkakasakit ko lang ang magpapabalik sayo sana naghanap na lang ako ng lamok na may dengue dati pa o kaya nagbabad ako sa ulan."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Case
General FictionCOMPLETED FULL STORY It only takes one small, yet pivotal moment in somebody's life that becomes a catalyst for failure. For Rome Victor Suarez, that was when he broke the heart of the only girl he ever loved. Will his Appeal be heard or will he fo...