23-Welcome

2.4K 87 4
                                    




Rovic

"Sandy. Let's sleep. I'm so tired." Dumiretso ako sa nakabukas na pintuan ng kwarto. Most probably na ito ang spare bedroom dahil sigurado ako na share lang si Karen at Sandy ng room. Buti na lamang at tama ang tantya ko. Hindi ko na nilingon pa si Sandy kung sumunod ba siya sa akin. Marahil naguguluhan siya sa inaasal ko. Tinanggal ko na ang coat ko at sapatos. Gustuhin ko mang mahiga na at ipahinga na lamang ito ay alam kong hindi pa ako handang kausapin si Sandy. Siguradong marami itong itatanong.  Matapos kong kumuha ng damit pantulog sa dala kong duffel bag ay dumiretso na ako sa banyo para magshower. Sana ay sa pagtapat ko sa shower ay umagos rin ang sama ng loob na nararamdaman ko kasabay ng tubig na nagmumula rito.

Masakit pala makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Nang makita ko si Sandy na tumatawa, sumasayaw, nakikipag-usap sa lalaking iyon ay parang kinukurot ang puso ko sa sakit. Praning lang ba ako dahil sa ganitong pakiramdam? Sino ba siya? Bakit sila close? Ang dami kong tanong. Pero hindi ito masasagot kung iiwasan ko siya.

Makalipas ang halos trenta minuto sa banyo ay napagpasiyahan ko nang lumabas. Kagaya ng inaasahan ay nandoon si Sandy. Nakaupo sa kama at hinihintay ako. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Kung ano ang itsura niya nang dumating ako ay ganoon pa din ngayon. Para akong biglang sinilaban ng kakaibang init nang makita ko siya sa kanyang ayos. Ang mababang neckline ng kaniyang damit, ang mataas na slit ng gown niya na parang nang-aakit na haplusin ng mga kamay ko ang mga parte ng maputi at makinis na katawan na nakasilip.

"Welcome home Rome. Are we okay?" Malungkot niyang tanong na hindi ko sinagot.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinila ako at niyakap. Kahit wala siyang sapin sa paa ay matangkad pa rin siya. Nakadantay ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ang mainit niyang hininga niya sa aking balat. Naamoy ko rin ang kanyang buhok na amoy vanilla. Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang baywang para ilayo siya sa akin. Kung dumikit pa siya ay mararamdaman niya ang gusto ko sanang itago. Sa boxer shorts at sa manipis na fitted shirt na suot ko ay mararamdaman rin niya ang singaw ng init ko para sa kaniya. Tiningnan ko ang gulat niyang mukha. She looked hurt that I pushed her away. Hindi ko matiis na makita ang ganoong expression niya kaya't hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan. Noong una ay banayad na halik na ginantihan rin niya. Nang tumagal ay naging mas maalab at mas mapusok. Sa bawat pagtama ng aming mga labi at paglalaban ng aming mga dila para tikman ang isa't isa ay unti-unti ko siyang naigiya pahiga ng kama. Itinukod ko ang kaliwang braso ko para hindi siya gaanong mabigatan. Hindi naghiwalay ang aming mga labi kahit na noong nabaligtad ang aming posisyon. Siya naman ang nakaibabaw sa akin. Dahil dito ay nagawa ko na ring haplusin siya ng malaya. Ang kanyang makinis na likod pababa ng kaniyang mga hita. Hindi ko na pinigilan pa ang mga kamay ko sa pagkakataong ito. Kung noong dati ay hanggang likod lang ako at braso, naging mas matapang ako ngayon. Isusugal ko na ang lahat masigurado ko lamang na sa akin na siya. We shifted positions again and this time I made sure that she felt her effect on me. My right leg was between hers as I kissed her more passionately. Ang mga ungol niya habang hinahalikan ko ang kaniyang leeg at tainga ay sapat na para lalo akong mabaliw. My lips travelled below her neck to her exposed cleavage and I could hear her sharp intake of breath as my hands travelled from her calves up to her upper thigh.

"Sands? Saaaaandy! Nasan ka ba?! Sands? Nandiyan ka ba sa loob?" She stiffened upon hearing Karen's voice and I knew then that I have to take another cold shower. We heard Karen turn the door knob. Buti na lamang at nakalock ito. I laid down beside her. Nakatingin pa rin siya sa pintuan nag-iisip kung bubuksan ba ito o hindi. I took her hand and placed it on my lips. She looked at me and smiled. I felt her relaxed beside me.

"I love you Sandy. I wanted to show you how much I love you but maybe now is really not the time." I caressed her face with my other hand and she moved closer to hug me. We could have stayed cuddled up together just like that.

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon