RovicIpinatawag kaming lahat ni Warren at Denisse dahil may announcement raw sila.
"Why do I feel that we already know what you are about to announce?" Tanong ni Sandy.
"Sandra naman wag kang atat. Hayaan mo sila mag announce. Pero teka sakin na muna ang inaanak kong super cute. Maxine! Come to Ninang." Si Karen naman ay kinuha ang isang kambal.
"O eto na, baka mahulog malikot yan ah."
"Fine. I'll get the other cutiepie. Come here baby Louise. So handsome!"
Iniabot ni Denisse si Maxine kay Karen habang si Louise naman ay napunta kay Sandy.
"Just like me right hon? Cute little baby just like his Ninong." Sinubukan ko ulit magpacute sa mahal ko kaso ay walang epekto.
"Hon your face! Stop bugging me and mind your own business."
"But you Sandy is my business."
"Shut up Rome!" Inis pa din talaga siya sa akin.
"Psst! Awat na ah hindi magandang may nag-aaway sa harap ng mga bata. Ito talagang dalawang 'to." Sinaway na kami ni Denisse bago nila sinabi ang announcement. Siyempre alam ko na ang sasabihin nila dahil noong isang linggo lang ay kinakabahan na si Warren. Sabi niya sobrang sungit raw ni Denisse at parang naglilihi. At ngayon nga confirmed na ang haka-haka namin.
"Grabe ka Dude, hindi pa gumagapang ang anak mo nakagapang ka na agad. 3 months pa lang ang kambal mo. 3 months buntis agad! Iba ka dude!"
"You're just jealous." Ganti sa akin ni Warren.
"Oo nga tama! Rovic 'wag bitter. Hahahaha di ka lang makaiscore eh." Si Marie naman ang humirit at tumawa pa ng malakas.
Sana pala ay hindi na lang ako nang-asar dahil ako pa tuloy ang naalaska, totoo namang hindi nga ako maka-iscore. Hindi ko rin alam bakit sobrang sungit ng mahal ko sa akin the past few days. Three months na simula nang makalabas ng ospital si Sandy at naging maayos naman ang pagtanggap niya sa mga nangyari sa akin. She accepted me kahit na para sa akin ay damaged goods na ako. Our love for each other grew stronger as the day passed by. Nang mga nakaraang araw nga lang ay talagang sinusungitan niya ako. Nagsalita nang muli sina Denisse at Warren.
"Because of the pregnancy and since we are also planning the twin's baptism, we wanted to ask for your help." Nagkatinginan pa ang mag-asawa.
"Sure count us in!" Halos magkakasabay naming sagot.
"Rovic and Sandra will you be the main organizers? But for that you will need to spend time here at the mansion since Denisse cannot go out of the house due to the pregnancy. You know very well she is very sensitive and need some bed rest. We have the guest rooms for you both to sleep on."
Para akong nakakita ng mga anghel sa ulap. Hindi ko napigilang mapangiti.
Salamat naman at may chance na akong makasama ulit si Sandy sa iisang bubong. Simula kasi ng makabalik ako hindi na siya natutulog sa bahay. Pinapauwi niya rin ako ng bahay tuwing gusto kong matulog sa kanila. Hindi raw magandang tingnan. Kung kailan legal na kaming dalawa at saka pa kami nagkaissue sa intimacy.
"Fine. For my cute little godchildren I will do this. I accept this challenge." Buti na lang at pumayag si Sandy ko.
"Challenge talaga 'te? If I know gusto mo rin, pakipot ka lang. Awww! Damn you and your heels!" Karen wailed which earned our laughter.
I approached Sandy and hugged her. Hindi naman siya pumalag siguro dahil kalong niya ang cute na inaanak namin kaya't nilubos ko na at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Rome!" She shouted at me though I saw her lips twitch. Pinipigilan niyang mapangiti.
Alam kong sinadya ni Warren at Denisse na pagsamahin kami sa iisang bahay ni Sandy. Gustong gusto ko na siyang ayaing magpakasal kaso ay natatakot ako na humindi siya sa'kin. Kung kailan pa ako tumanda at kung kailan maayos na ang lahat saka pa ako natorpe.
"Rovic, baka naman hindi ka pa makaporma niyan. Binigyan ka na ng chance ni Warren na makasama si Sandy. 'Wag mo nang sayangin. Ewan ko ba naman sa'yo. Ang tagal tagal mong hinintay, plano ka ng plano tapos simpleng proposal lang natotorpe ka." Naglitanya na naman si Marie. Hindi ko rin nga alam bakit pag Will you marry me na ang sasabihin kung anu-anong nasasabi ko.
Naalala ko last month, nagpunta kami sa Paris at plano ko sanang magpropose sa may Eiffel Tower.
"Sandy, will you. . ." Butil butil ang pawis ko at hindi ko alam kung itutuloy ko ba o tatakbo ako.
"Rome?"
"Will you. . . join me for breakfast tomorrow?" Bigla kong baling.
"Sure." Mukhang nainis pa yata siya sa invitation ko kaya't tinalikuran na ako at lumakad papalayo.
Two weeks ago naman, nasa Seattle kami dahil sa isang Business Trip. Dinala ko siya sa Space Needle Restaurant at sinubukan ko muling magpropose.
"Hon, I love you."
"I know, and I love you too." She even smiled at me.
Maganda na sana ang intro ko. Romantic ang lugar at may nakausap pa akong waiter na magvivideo sa proposal ko to document the memorable moment.
"Hon, will you. . ." Nagtayuan na ang mga balahibo ko.
"Rome?"
"Will you. . . wait for me? I have to go to the restroom." Epic fail na naman dahil biglang sumakit ang tiyan ko.
Huling attempt ko ay last week, nagpunta kami sa 86th floor ng Empire State Building sa America, I tried to pop the question again dahil doon daw ang perfect spot for a marriage proposal pero dahil sobrang ganda ng girlfriend ko, tinitigan ko lang siya buong gabi. Ni hindi nga yata ako nakakain ng maayos dahil sobrang nadistract ako sa kagandahan niya noong gabing iyon. Para siyang isang diyosa na nagkatawang tao para makasama ako. She is perfect in every way. Inabutan na kami ng pagsasara ng restaurant, hindi ko na nagawa pang magpropose.
Simula noon, she's always irritated at parang ayaw akong makita. Lagi siyang nagsusungit sa akin. Kahit anong pagpacute ko at paglalambing ko ay naiinis pa rin siya.
"Bakit kaya masungit si Sandy sa'kin?" Minsang tinanong ko si Marie. Lahat naman ng attempts ko ay naikwento ko sa kanila ni Warren at lagi nila akong tinatawanan.
"Kasi torpe ka. Nakakairita kaya ang mga torpe. Kung ako sa'yo tigil tigilan mo na yang kakapunta ninyo sa mga romantic places kung hindi ka rin naman magpopropose. Kahit sa tapat ng banyo o sa bangka na lumilibot sa Ilog Pasig, pupwede na basta maitanong mo lang at sagutin ka lang ng Oo."
"I want my proposal to be extra special." Depensa ko naman sa sarili ko. Ang tagal kong pinangarap ito at gusto kong maging perfect ang lahat.
"How can it be special if you can't even ask the question? Kung hindi ko lang alam na patay na patay ka kay Sandra, iisipin ko ayaw mo talaga siyang pakasalan."
"Marie tumigil ka nga! Siyempre gusto ko. Di ko rin nga alam bakit umuurong dila ko kapag magtatanong na." Bakit nga kaya?
"Masyado ka kasing obsessed sa image mo ng perfect proposal. At wag kang praning na hindi ka sasagutin. Mahal ka nga diba. 'Diba tinanggap ka nga ulit. Mga lalaking 'to nakakairita minsan." Kung makapagsalita itong si Marie, parang at one point ng buhay niya ay hindi siya naging lalaki. Babaeng babae na talaga pati magsalita.
"Kawawa naman si Franz sa pagka nagger ng kaibigan ko. Buti nakakasurvive pa siya." Pabulong kong sinabi.
"Narinig ko ang bulong mo Rome Victor Suarez. Oo naman nakakasurvive si Franz sakin. Swerte niya nga sakin eh. Baka naman maunahan pa namin kayong maging engaged? Sabihan ko na kaya si Sandy na siya na magtanong sa'yo?" Di na lang ako umimik. Hindi rin naman ako mananalo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Case
General FictionCOMPLETED FULL STORY It only takes one small, yet pivotal moment in somebody's life that becomes a catalyst for failure. For Rome Victor Suarez, that was when he broke the heart of the only girl he ever loved. Will his Appeal be heard or will he fo...