35-Recovery

2.7K 89 1
                                    




Rovic

The most terrifying experience in my life was seeing the only woman I love being held hostage with a knife on her throat. Let us not forget to mention that the hostage taker is the crazy bitch who brought pain and suffering to me and to the ones I care about.

I received a call that day. Lalabas daw ng bahay si Sandy. I ensured that whenever she will go out she'll have someone to go with her. Buti na lamang at nagpasama siya sa security team ng parents niya. Usually she goes out on her own at discreetly binabantayan siya ng bodyguards niya. This time siya na mismo ang nagpasama. But the guards were not quick enough to protect her dahil gumawa ng distraction si Athalia. Ayon sa mga guwardiya, may matandang babae raw silang tinulungan dahil nabagsakan ng mga lata ng sardinas sa may isang aisle ng grocery. Nang makita na nila muli si Sandy, ang babaeng nakita nilang naglaglag ng mga lata at ang taong may hawak ng kutsilyo ay iisa.

Kaya pala ganoon kabalisa ang pakiramdam ko. Mabuti na lamang at sumunod ako sa kanila. Papunta na rin ako sa bahay nila Sandy nang mareceive ko ang tawag na umalis siya. I was excited to see her pero hindi ko inaasahan na makikita ko siyang nasa bingit ng kamatayan. Ni hindi yata niya namamalayan na umaagos na ang dugo sa leeg niya. She was listening intently sa sinasabi ng baliw na babaeng iyon.

I saw her painful expression when I pretended to woo Athalia. Kinailangan kong magsinungaling para subukang kunin ang kutsilyo na maaring kumitil ng buhay ni Sandy. Kung hindi ko ginawa iyon, hindi ko alam kung anong maaring mangyari. Hindi mabaril ng mga guwardiya si Athalia dahil nakaharang ang katawan ng mahal ko.  Alam kong inisip ni Sandy na manlaban ngunit sa pwesto nilang dalawa, isang maling galaw lamang niya ay malalagot ang ugat na pinupuntirya ng kalaban.

When I finally recovered Sandy, she was already bleeding profusely. Sana ay hindi major arteries ang nadamay sa laceration.  We rushed her to the hospital at buong biyahe ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mga bagay na gagawin ko para hindi na muling masayang ang bawat oras naming dalawa.

I saw her pale face at mukhang hinang hina na siya. Marami nang dugong nawala sa kaniya. Tinawagan ko kaagad ang parents niya at agad silang nagtungo sa ospital. Maging ang mga kaibigan namin ay pinapunta
ko rin. I need a strong support group dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sobrang pag-aalala lalo na nang nawalan siya ng malay sa mga bisig ko.

When we reached the hospital, the nurses, staff and doctors at the Emergency room were quick to respond. Pinasagot rin ako ng ilang katanungan. They moved Sandy to the Operating room dahil sa neck laceration niya. In lay man's term, may mga nahiwang tissues and veins na kailangan nilang ayusin.

***

"Rovic, nasa recovery room na si Sandy. Bawal pa tayong pumasok don kaya kumain ka muna. Late na wala pang laman ang sikmura mo. Namumutla ka na din." Narinig kong sinabi ni Karen nang naalimpungatan ako.  Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa inuupuan ko sa may labas ng operating room.

"Kailan siya nilipat? Bakit hindi ko nakita?"

"Hindi dito dinaan. Sa loob yata. Sinabi lang ng doctor kina Tita. Natutulog ka kaya't di ka na namin ginising. Rovic, baka magkasakit ka. Kailangan ka ni Sandy kaya dapat hindi mo pabayaan sarili mo." Nakita ko ang pag-aalala ni Karen sa aming dalawa ng bestfriend niya.

"I know. May sinabi na ba ang doctor?" Luminga linga ako para hanapin ang parents ni Sandy. Baka may balita na sila.

"Minor arteries and veins lang raw ang natamaan. Maswerte siya at walang magiging epekto sa speech at respiration niya. Marami lang talagang dugo kanina dahil may mga ugat nga na natamaan. She's still under observation pero wala naman daw nakikitang other problems ang doctor." Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa narinig. Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas na siya.

"Nasaan sila Warren?" Kausap ko pa sila kanina. Pero ngayon kaming dalawa na lamang ni Karen ang nasa waiting area.

"They went home na dahil sa kambal.  Babalik na lang raw sila bukas. Lika na kumain muna tayo. Mga isang o dalawang oras pa daw bago siya ilipat sa private room." Tatanggi pa sana ako dahil gusto kong mag-abang lang sa paglabas ni Sandy pero naalala ko ang sinabi ni Karen. I have to be strong for my love. Aalagaan ko pa siya.

Kumain lang kami sa isang cafe malapit sa ospital. I received a call from my former partner sa law firm at malapit na kaibigan na hahawak ng kaso namin laban kay Athalia.

"Rovic, with the evidences that you've sent, we'll be filing kidnapping sa courts sa US dahil doon ito nangyari and life imprisonment 'yon. For the situation kanina, yes we've already filed Frustrated Murder for Sandra's case. Nakausap ko na din ang lawyer ng family nila at kami na ang bahala sa kaso. With all the evidence that we have and your star witness, hindi na makakalaya pa ang babaeng 'yon." Alam ko namang ito ang kakalabasan ng lahat kaya't kahit papaano, nakakita na ako ng liwanag. Mabuti na lamang at walang masamang nangyari kay Sandy dahil kung nagkataon, mapapatay ko talaga ang salot na Athalia na 'yon at babalik na naman ako sa kulungan.

"Salamat. Ikaw na ang bahala. Balitaan mo na lang ako. Hindi na ko susunod sa presinto at baka kung ano pa ang magawa ko." Pagkatapos namin mag-usap ay hinarap ko na si Karen. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin. Sakto naman na dumating din sa cafe ang mga magulang ni Sandy. Maari ko nang sabihin sa kanila ang lahat.





***

A/N: I had to set the next few chapters into Private to protect my copyright.

You can read the full story if you follow me. Thank you!

The next chapter is set to private.

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon