21-Old Friend

2.8K 90 10
                                    









Matapos ang halos dalawang oras na pag-uusap sa telepono ni Sandra at Rovic ay tumawag naman si Karen.

"Good morning Sands! Tara work out. May bagong bukas na gym dito sa village namin. Agahan mo na ang punta as in now na. Si Denisse hindi pwede at alam mo na preggers at magwawala si Warren kapag nawaglit sa paningin. So ano? Nagbibihis ka na ba?"

Napabuntunghininga muna si Sandra bago sumagot.

"You didn't even give me a chance to agree or not."

"Hala sya. Aagahan mo lang naman ng bangon. For sure naman kanina ka pa gising dahil tumawag si Attorney mo."

"He didn't call."

"Weh? Di nga? E wala kayang palya 'yon. Bakit hindi tumawag? Basted na ba?"

"I called him instead."

"Ayiiiii! Talandi ka bes! Hahaha. Ikaw na tumatawag ngayon ha. So ano? Kayo na ba? Kailan mo ba aaminin na lagi kayong magkasama? Kung hindi pa ako napasyal sa bahay mo as surprise visit hindi ko pa malalaman na hindi ka na natutulog doon pag weekends." Tumatawa pa si Karen sa kabilang linya. Iniinis siya pero dahil masaya siya at totoo na nilihim niya ang pagkikita nila ni Rovic ay hindi na siya sumagot.

"I'll prepare my things then go to your place. Why do we need to go the gym anyways? Don't you swim twice a week as your workout? Why hit the gym now?"

"Ha? Ah. Eh. Maganda kasi ang bagong gym. Sige na ha punta ka na dito friendship. I'll see you!" Nag-hang up na ang kausap. Mukhang may itinatago si Karen para umiwas sa pagsagot. Parang siya din sa mga tanong nito. Mamaya ay tiyak na magkakaalaman na sila.

Bumangon na si Sandy at naghanda para sa weekend niya sa bestfriend niya. Excited siya pero at the same time ay malungkot din. Halos one month na rin kasi na puro si Rovic ang kasama niya tuwing Sabado at Linggo. Namimiss na niya ito kasama at kayakap.

Suot ang kaniyang black tank top na pinatungan ng sweat shirt, red yoga pants at ang paborito niyang sapatos, bitbit ang kaniyang overnight bag at gym bag, tumungo na si Sandra sa bahay nila Karen. Mabuti at walang traffic kaya't 8 am ay nandoon na siya. Nadatnan naman niya ang kaibigan na nag-stretching sa may porch ng kanilang bahay. Pagkapark ng kotse niya sa harap ng bahay ay dali daling kinuha ni Karen ang bag niya at sumakay na ito.

"Woah! You won't even let me get inside the house first and say hi to everyone?" Usal ni Sandy.

"Huwag na bes. Nakaalis na rin sila halos lahat. May mga lakad. Ang tagal mo kasi dalian na natin baka hindi natin siya maabutan." Napatakip ito ng bibig at napamulaga.

"That's it? You wanted to go to the gym just to see someone? Karen! Sino na naman this time?" Natatawa na naiinis ito dahil laging ganito si Karen tuwing may nagugustuhan. Laging tuliro at kung anu-ano ang ginagawa para lang makasilay at mapansin siya ng crush niya. Saksi sila ni Denisse sa lahat ng kalokohan nito para lang sa mga crushes niya.

"Halika na alam ko hanggang 8:30 lang siya baka hindi natin abutan. Come on!" Inalog alog pa ni Karen ang balikat ni Sandy para kumilos ito.

"Fine! You have some explaining to do later." At pinaharurot na ni Sandra ang kotse patungo sa sinasabing bagong gym.

Pagkapark ng sasakyan, bumaba agad at nagtatakbo papasok si Karen. Member na pala ito doon at inasikaso niya ang membership ni Sandra kaya't wala na naging abala.

Sandra

Karen is acting weird. I've seen her this way just once when she was crushing over that Geology professor but when we graduated I heard the guy stopped teaching. My friend was devastated that she wasn't able to get some details about him. That's the reason why I was so shocked to find that exact guy doing some bench press at the gym I just entered. Figures!

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon