25-Fears

2.3K 81 2
                                    



Natataranta at umiiyak na Sandy ang inabutan ni Rovic pag-akyat niya ng Hotel Suite. Walang malay si Karen habang duguan rin ang ulo nito. May mga basag rin na salamin sa paligid.

"Sandy, are you hurt? Nasugatan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Rovic habang papatakbo ito papalapit sa tapat ng suite kung saan nakatalungko si Sandy sa kaibigan at sinusubukan itong gisingin.

"No. I'm fine. Just help her. She's losing a lot of blood."

Mabilis ang mga kilos ni Rovic. Binuhat niya si Karen at nagtungo na sila sa elevator. Nasalubong na rin nila ang mga security guard na na-alarma sa pagtawag niya sa reception. Marahil ay nakita rin nila sa cctv camera ang nangyari.

"Make sure you give us a report of who did this." Sinabihan niya ang mga guards na nagescort sa kanila pababa ng lobby kung saan may naghihintay na sasakyan na maghahatid sa kanila sa malapit na ospital. Nasabihan na niya ang reception na maghanda ng sasakyan noong paakyat siya sa Suite. 10 minutes drive lamang ang ospital kaya't hindi na sila tumawag pa ng ambulansiya.

Tahimik lang sila on the way to the hospital. Nag-aalala sa sinapit ng kaibigan. Nang makarating na sila sa Emergency Room ay agad silang tinulungan ng mga nurse at doctor doon.

"Ma'am paki-fill up po ang form para sa pasyente. Hanggang dito na lang po muna kayo." Ang bilin ng nurse nang tangkain nilang sumama papasok ng Operating Room. Tulala at nanghihina na si Sandy nang kuhanin niya ang papel na iniaabot ng nurse.

"Here, I'll do it. Just answer the questions I don't know." Ani Rovic habang inaalalayan niya ito paupo sa waiting area malapit sa OR. Nang matapos ni Rovic ang form ay ipinasa na rin niya ito sa Nurse Station. Gusto rin sanang tawagan ni Rovic ang parents at kapatid ni Karen ngunit wala pala ito sa bansa. Kaalis lamang noong umaga papuntang Australia para dalawin ang kuya nito.

"Let's not tell them yet until we know something." Ang sabi na lang ni Sandy.

Hindi niya pa rin maintindihan na sa maiksing panahon na hindi sila magkasama ni Karen ay may masamang mangyayari at sa mismong hotel pa nila. Kailangan niya makausap ang security team ng hotel.

"Sands, don't worry. Magiging maayos rin ang lahat. Kapag nalaman na natin ang lagay niya, babalik ako ng hotel para malaman ang nangyari. Tatawagan ko na ba si Denisse?"

"No. I'll do it once we have news. She also have hospital phobia and it wouldn't be good for the baby if she'll be stressed out. I just hope Karen is okay." Napatulo na naman ang mga luha ni Sandy kaya't inakbayan ito ni Rovic at isinandig sa kaniyang balikat.

"She'll be fine. Fighter siya. Do you want to talk about it?"

"I really don't know what happened. I told her to go ahead of me because I had to get something from the hotel manager. I was gone for just a few minutes then when I got there. . . I saw her bleeding and unconscious. . ."

"Shhh. Ako na ang bahala. Aalamin ko ang nangyari. Huwag mo na intindihin. Ang importante nakita mo siya agad. Magiging maayos rin siya."

Isa't kalahating oras rin ang lumipas nang malaman nila ang kalagayan ng kaibigan. Ligtas na ito ngunit kailangan pa rin manatili sa ospital ng ilang araw para obserbahan.

Nang makalabas na ng ospital si Karen ay kina Sandy muna ito tumuloy para mabantayan siya ng kaibigan. Kapag nasa trabaho naman si Rovic at Sandy ay si Ate Eva na kasama nila sa bahay ang tumitingin dito. Two weeks lamang at fully recovered na ang kaibigan.

***

Nang makauwi na si Karen sa sariling bahay ay kina Rovic na halos umuuwi si Sandy. Late na rin kasi sila umuuwi madalas at maaga sila pumapasok. Sundo at hatid rin siya ng binata kaya't nang tumagal ay hindi na sila naghiwalay. Mas malapit rin ang bahay nito sa opisina. Isang gabi bago sila matulog ay naalala ni Sandy ang importanteng bagay na hindi pa nila napag-usapan.

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon