Rovic
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magpirmahan kami ng kasulatan ng mga magulang namin ni Sandy. Naging abala ako sa paghahanap ng fiance niya. Dahil nasa main office ako ng Wright Hotel Empire mas madali akong nakahanap ng makakatulong sa akin sa aking quest. The Rovic Suarez Quest for the Truth. I want to think of this as a challenge. Bilang abogado naging masusi rin ako sa mga detalye at paghanap ng ebidensiya. Ngayon, magagamit ko lahat ng natutunan ko dito.
Naalala ko lahat ng mga nagawa ko na nitong mga nakaraang araw. Kumausap na ako ng private investigators na magmamanman sa parents ko at sa magulang ni Sandy. Kinausap ko pa si Warren sa telepono at tinanong ng mga posible kong gawin para makapagimbestiga. Binigyan naman niya ako ng mga ideya at siya ang mismong tutulong sa akin para sa searches na kailangan ko gawin. Bilang may-ari ng isa sa pinakamalaking software at programming company, marami rin siyang contacts na hackers na pwede akong tulungan kumuha ng impormasyon. Pati ang mga shareholders at business partners nila ay nirereview ko na rin baka nandoon ang sagot na hinahanap ko.
Ang kailangan ko ay kung saan ako magsisimula at naging daan ang dati naming kakilala na si Athalia.
"Rovic, it's been a long time! How have you been? Are you still friends with Warren and Mario?" Tadhana na rin ang nagbigay sa akin ng pagkakataon. Nasalubong ko si Athalia sa opisina ng Wright Hotel. Papasok siya ng President's Office at ako naman ay kagagaling lang dahil sa may mga kinuha akong mga financial statements as a share holder.
Siya pala ang bagong Executive Assistant nila Auntie. Inaya ko siya maglunch para mailakad ko sa kanya na tulungan ako. Dati siyang waitress at bartender sa bar na lagi naming pinupuntahan ni Mario at Warren noong nag-aaral pa kami ng sa US.
"Athalia. Yes, we're still friends. How have you been and how long have you been working with the Wrights?"
"It's almost six months now. It's a tough job but I'm enjoying myself."
Nag-kamustahan pa kami habang kumakain at nagkwentuhan tungkol sa nakaraan. Matapos naming kumain ay hiniritan ko na siya ukol sa tunay kong pakay.
"I need your help with something. In return I am willing to grant you anything that you wish." Nakita ko ang pagbabago ng kinang ng mata ni Athalia. Noon ay lagi namin siyang binibigyan ng malaking tip dahil naging maasikaso siya lagi sa amin ng mga kaibigan ko at ganito rin ang kaniyang ngiti at pagtanggap.
"What do you need? I won't tell you the payment until I'm ready to claim it."
Tiwala naman ako kaya't pumayag ako. Isa pa ay ako ang magbebenipisyo sa gagawin niya at maari rin niya itong ikapahamak.
"I don't know how you'll get this but I need you to monitor every movement of your boss. I need to know if they would meet or have met with any eligible bachelor. You handle their appointments right?"
"Yes. I am in charge of their calendars."
"Good. Aside from eyeing the bachelors, I need you to give me the names of all the people that they meet with more than once. If you know anyone who is always visiting them, include them also in the list. I need a list of names from the past if possible and their future meetings."
"Why? Is this related to any of your cases? I know you're already a lawyer."
"No. This is a very personal matter and highly confidential. I'd have to let you sign a non-disclosure agreement if you will agree to help me."
"Geez. This sounds serious." Nag-isip pa siya ng kaunti habang matiim na nakatingin sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay sumagot rin ito.
"Fine. I'll agree to help you, though, I need time. I've only been here half a year and I would need to backtrack all their meetings if I can still retrieve them to get the names that you need. But how are you going to check all the names? There may be hundreds or thousands."
"I'll find a way. Just do what I asked and I will do the rest. Don't worry you will be compensated when you delivered what I asked for."
"Rovic, just make sure you'll keep your word. I may need more than your money for helping you. This is a very dangerous job you're making me do. I could go into jail for doing this." Alam ko na tama siya dahil para na rin itong espionage pero I have no choice. May kulang na isa't kalahating taon na lamang ako para hanapin at pigilan ang arranged marriage na ito.
"I know. You have my word. Here's my number. Send me a message once you have news." Magkalapit ang aming mukha habang nag-uusap dahil medyo crowded ang napuntahan naming restaurant. Iniaabot ko ang calling card ko ngunit iba ang kinuha niya. Bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nakagalaw. Hindi ko alam kung gaano katagal o anong nangyari dahil natapos ang halik niya na hindi man lamang ako natinag.
"I'm not sorry. I've been wanting to do that for a long time now but I never had the chance. You look so sexy when you're serious, I couldn't help myself. So, I'll go ahead." Kinuha niya ang card sa aking kamay at kumindat pa. Pagkatapos nito ay tumayo na siya at umalis na may bakas na ngiti sa kaniyang mukha. Ako naman ay napasandal na lamang sa upuan. Iniisip kung ano ang nangyari at kung paano ko ipapaliwanag kay Sandy ang nangyari. Tama ba na ituloy ko pa ang deal naming dalawa ni Athalia? Pero halik lang naman iyon at wala naman akong naramdaman sa ginawa niya. I was stunned but it was insignificant for me. Mas nakakagulat na nagring ang telepono ko pagkaalis ni Athalia. Hindi ko sana sasagutin dahil akala ko ay siya pero nakita ko ang caller. 1:30 ng hapon dito sa California at 4:30 pa lang ng madaling araw sa Manila. Usually mga 6:00 am kami nag-uusap paggising ni Sandy or kapag nasa opisina na siya.
"Hon? Bakit ang aga mo naman yata tumawag?" Kinabahan ako dahil hindi naman siya tumatawag sa akin ako ang laging tumatawag sa kanya para kumustahin siya.
"I had a nightmare and I can't get back to sleep. Are you busy? Can we just talk until I fall asleep again? It's Saturday and I want to sleep in but I'll be going to Karen's place later this afternoon."
"Okay po. Sandy, anong nightmare? What was your nightmare about?"
"I saw you kissing someone else. For me, that's a nightmare. I was about to pull the hair of that woman on my dream but I already woke up."
Ako naman itong kabado na hindi na nakapagsalita. Sasabihin ko na ba? Pero panaginip lang naman ang sinabi niya at ayokong magalit siya sa'kin.
"Rome? Are you still there?"
"Ah. Don't worry, that's just a dream."
"I know. I'm sure you won't do anything like that. I trust you and you tell me everything right Rome?" Wala namang nagbago sa boses niya kaya hindi naman niya ako siguro hinuhuli at pinapaamin. Grabe naman ilang minuto pa lang alam na niya agad? Wala naman siyang power of premonition.
"Of course naman honey ko. I love you so much." Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Siguro kung magkasama kami makikita niya na pinagpapawisan na ako.
"Ok. So tell me how was your day?" Nagkwentuhan na kami ng normal.
Kinalimutan ko na lamang ang nangyari kanina dahil it was just a one time thing at hindi na ko papayag na maulit pa iyon. Technically, wala naman akong ginawang masama. I was a victim. Sana lang ay hindi ako masira dahil lang dito.
***A/N: I had to set the next few chapters into Private to protect my copyright.
You can read the full story if you follow me. Thank you!
The next chapter is set to private.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Case
General FictionCOMPLETED FULL STORY It only takes one small, yet pivotal moment in somebody's life that becomes a catalyst for failure. For Rome Victor Suarez, that was when he broke the heart of the only girl he ever loved. Will his Appeal be heard or will he fo...