24-Intel

2.1K 77 5
                                    









Mabilis nilang narating ang isang sikat na Chinese Restaurant sa Makati na paboritong kainan nila Sandy at Karen. Kakilala rin ni Rovic ang may-ari kaya't kahit puno ito ay nakapagpareserve pa sila ng pwesto. Marami talagang dumarayo dito lalo at weekend. Kahit malapit na magsara ay dumadagsa pa rin ang mga tao.

They ordered their usual food na assorted dimsums, noodles, veggies, pork tenderloin with broccoli, peking duck at yangchow. Kapag tiningnan ang built ng dalawang magandang babaeng kasama ni Rovic hindi mo aakalain na ganito sila kalakas kumain. Stress eating raw ang tawag dito sabi ni Sandy dahil may problema raw si Karen.

"If you're going to ask me to go to the gym again with you to burn all these carbs and calories off, sorry but no. Just use the gym at my house."

Mukhang naiinis talaga si Sandy sa lalaking nagugustuhan ni Karen. Buong gabi na niya itong pinapagalitan dahil kahit nasasaktan ay ayaw pa rin nitong sumuko. Bukambibig ni Karen ang Luke na iyon. Magkarepareho si Rovic at Karen pagdating sa pag-ibig. Hindi marunong mapagod at magpatalo. Gusto sana niya i-point out ito kay Sandy ngunit ayaw niya masira ang mood nito. Tahimik lamang na nakikinig si Rovic sa usapan ng mag-bestfriend. Pagod na rin kasi siya at iniisip rin niya kung sino ba talaga ang Franz na iyon. Tumawag na rin siya kay Warren at kay Athalia para ipacheck kung ano ang kaugnayan nito kay Sandy dahil nasabi sa kanya na family friend raw ito. Huwag naman sanang mangyari ang ikinakatakot ni Rovic.

Nagmadali siyang umuwi nang malaman na aattend ng party ang babaeng mahal niya kaya't tinapos niya lahat ng meetings niya agad agad. Ang iba ay via conference call na lamang while he was waiting to board his flight to Manila. Kaya sobra ang pagod nito dahil maging sa eroplano ay binasa niya ang ilang business contracts and proposals na dapat ay ginawa niya sa America.

"Hon, I asked if you were ok. Just a few minutes more and we'll go home." Extra sweet si Sandy na ikinagalak naman ni Rovic. Ipinaglagay pa siya ng pagkain sa plato at kulang na lamang ay subuan siya nito. Napapangiti sa kanila si Karen pero maaalala nito muli na hurting nga pala siya at saka mag-rarant na naman ng mga hinanakit sa buhay.

"Isn't it unfair that you're here stressing out like that while that guy you're pining could be screwing his date at this time?"

"Grabe talaga 'yang bunganga mo bes. Di ka man lang prumeno. Emotera na nga ako gagatungan mo pa." Halos madurog ang broccoli kakatusok ni Karen dito. Ibinuhos niya ang frustrations sa pagkain.

"Just saying so you'd stop this nonsense and show him that you're someone to be cherished and not some trash he could just shout at whenever he wishes." Habang pinapakinggan ni Rovic si Sandy lalo niyang napapatunayan na napaka strong ng personality nito. Hindi siya ganito katapang dati. Marahil isa siya sa dahilan kung bakit naging ganito na siya katigas ngayon.

"Sige nga Sands, kapag sa'yo nangyari 'to. Kunyari lang ha. Yan, si Rovic may nagawa siyang kasalanan sa'yo pero mahal mo siya, hindi mo ba siya tatanggapin ulit?" Natahimik at namula si Sandy siguro dahil sa salitang mahal. Hinihintay naman ni Rovic ang sagot niya.

"That's different because if we love each other then we also trust each other. I'd listen only to him because Rome will never lie to me. Right hon?"

"Yes hon. Never. I love you too much." Ganoon man ang sagot nito ay naaalala niya pa rin na may mga bagay siyang kailangan ilihim dito. Kung bakit naman kasi kailangang maging kumplikado ang isang simple lang dapat na bagay.

"Wow. Tindi ng tama n'yo sa isa't isa. Ibang level kayo friends! Sands!" Mukhang nagpanic ang mukha ni Karen na ikinagulat rin ng dalawa niyang kasama.

"Why? What?!" Pati si Rovic ay nabahala.

"Ang daming langgam! Ayan! Paakyat sa inyo! Ang tamis nyo kasi." Sabay umirap si Karen. Natawa naman si Rovic dahil akmang ibubuhos sana ni Sandy ang inumin niya sa kaibigan.

The Billionaire's CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon