Chapter Ten

105K 3.5K 658
                                    

Chapter Ten


Matapos ang endurance test noong Sabado, kaagad na nai-post sa black site ang mga makakasali sa tournament. Isa sa mga nakasali ay isang babae. Simula noong naging co-ed ang Pendleton High, ngayon lang nagkaroon ng babaeng kalahok. Hindi inaasahan ng kahit na sino man na may makakapasok na babae. Ang balita ay nagdala sa mga estudyante ng pagka-gulat at kuryosidad.

"Nabasa nyo ba sa forum ang nangyari noong sabado?"

"Oo! Hindi ako makapaniwala."

"May babaeng nakasali sa tournament."

"Kung nakapasa siya sa test, malamang may ibubuga siya."

"Pero kawawa siya sa laban. Hindi na 'yon simpleng pag-takbo lang."

"Marunong kayang lumaban 'yon?"

"Siguro, isa naman siyang Pendleton diba?"

"Baka nga."

"Pero kahit saan banda mo tignan, mukha siyang mahina."

"Ang liit ng katawan niya."

"Naaawa ako sa kanya ngayon palang."

"Ano ba ang iniisip niya, bakit siya sumali?"

"Baka dahil sa tatay niya."

"Ahh. Baka nga..."

Simula nang pumasok si Nino sa school ay wala na siyang ibang narinig kundi ang tungkol sa pag-pasa ni Tammy sa exam. Nakita niya kung paano nito nagawa iyon noong Sabado. At hanggang ngayon ay nanghihinayang parin siya dahil hindi niya ito nakausap. Bigla itong nawala noong araw na 'yon.

Pumasok siya sa loob ng classroom at umupo sa kanyang pwesto. Maging sa loob ay si Tammy ang pinag-uusapan ng mga kaklase niya.

"HAHAHA! Ano bang klase ng test 'yon? May nakapasok na babae," ang malakas na tawa ni Oca. Ang pinaka-maingay sa klase ng 2-D.

"Mas mahirap parin ang exam natin last year! Ang weak nung ngayon!"

"Kaya ba nila ginawang mas madali ay para makapasok yung Pendleton?"

"Woah! That's favoritsm!"

"Pero kahit na ano pang gawin nila, kawawa lang 'yon sa mismong tournament! Bugbog 'yon sigurado."

"Walang pag-asang manalo 'yon!"

"Kawawa naman!"

"Kasalanan niya 'yan, sumali sali siya e."

"Gusto kong mapanood 'yon."

"Siguradong iiyak 'yon pauwi. HAHAHAHA!"

Napabuntong hininga si Nino sa usapan ng mga kaklase niya. Damn fools.

"Il est temps de dire halte à cette conversation," aniya sa tahimik na boses.

Tumigil ang lahat ng nagsasalita nang dahil doon. Hindi man nila narinig nang maayos ang sinabi ni Nino, naramdaman nilang kailangan nilang huminto. Napatingin silang lahat kay Marko, ang beta at palaging kasama ni Nino.

"Hwag ako ang tignan ninyo," sagot ni Marko sa mga kaklase. "Hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya."

"Kung si Tammy lang ang nakapasa sa exam, ibig bang sabihin isa na siyang Alpha?" ang tanong ni Lily sa kakambal na si Yana.

"Siya lang ang nakapasa sa class nila, ibig sabihin siya ang pinaka-malakas?" ang pabalik na tanong ni Yana.

"Iniisip ko rin 'yan," ang singit ni Marko sa dalawa. "Pero sa tingin ko hindi ganoon kadali 'yon. Isa itong special case. At kailangan din nila ng beta."

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon