Chapter Thirty-Nine
Grand Hotel Les Troi Rois,
Basel Switzerland
Sa patio, tahimik na kumakain ng umagahan si Tammy habang nakatingin sa Rhine river. Makikita ang magandang tanawin mula sa kanyang inookupang kwarto sa hotel. Ang unique architecture ng mga gusali ay nakakapagbigay ng refreshing na pakiramdam.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang dumating siya sa bansang ito. Isang linggo siyang nag-stay sa isang palace hotel sa alps kasama ang kanyang grandparents na ngayon ay busy sa vineyard sa Satigy village. Pati ang wine industry ay pinasok na rin nila – ang workaholic niyang grandparents na mukhang walang balak mag-retiro.
Sa kanila siguro nakuha ng kanyang Mama nag pagiging workaholic nito.
Hindi niya mapigilan na maawa sa kanyang kuya Angelo – ang kanyang napaka-batang Tito. Siguradong malulubog ito sa responsibilidad sa oras na maka-graduate na ito.
Nang matapos kumain si Tammy, nag-desisyon siya na lumabas at mag-bike para mamasyal.
Maraming art museums sa Basel. Ang lugar na ito ay para sa mga taong mahihilig sa art. Maging ang hotel kung saan siya naka-check in ay minsan ding tinuluyan ni Pablo Picasso. Kahit na maglakad ka lang sa paligid ay maa-appreciate mo na kaagad ang kagandahan ng lugar na ito. Dahil sa picturesque design sa bawat streets, kahit si Tammy na hindi professional photographer ay masaya sa mga nakolekta niya noong mga nakaraang araw.
Sa rami ng tourist attractions, hindi ka magsasawa na mamasyal sa city na ito.
Gamit ang kanyang camera, kinunan niya ng maraming litrato ang mga nabisita niyang lugar.
Buong maghapon siyang namasyal. Pumunta siya sa Historical Museum, saglit siyang huminto sa Solitude Park, nakarating siya sa Petersplatz fleamarket at bumili ng mga souvenirs. Sa huli ay sa Marktplatz siya pinaka-nagtagal kung saan maraming street vendors. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa Pilipinas. Naging abala siya sa pagpili at pagbili ng mga pagkain.
Ngunit hindi niya inaasahan na dahil sa pagbili niya ng higanteng cheese na hindi niya kayang ubusin, biglang magugulo ang kanyang tahimik na 'bakasyon'.
Nang makita ni Tammy ang isang lalaking nag-pickpocket, awtomatikong gumalaw ang kanyang katawan. Nang matauhan siya, hawak na niya ang braso ng lalaki na nakapilipit sa likod nito.
Nang tumingin siya sa paligid, pakiramdam niya ay may pumindot sa pause button. Lahat sila ay nakatingin sa kanya at manghang mangha.
"CUT!" sigaw ng isang lalaki na ikinagulat niya. "Ausgezeichnet!"
Isang malaking lalaki na kamukha ni Santa Claus ang lumapit kay Tammy. Nakangiti ito at biglang tumawa, ngunit hindi ang inaasahan niyang 'hohoho' trademark ang gamit nito. Pakiramdam tuloy niya ay na-scam siya. Ch.
Nagulat si Director Sunderhaus sa uri ng tingin na ipinupukol sa kanya ng dalaga. Puno iyon ng pagka-dismaya, bigla niyang naalala ang tingin na ibinigay sa kanya ng anak niya noong hindi siya nakaabot sa birthday party nito dahil sa delayed flight. Isang linggo rin itong hindi siya kinibo.
Masasabi na ito ang kryptonite ni Director Sunderhaus. Hindi niya kayang tagalan ang ganitong uri ng disappointment sa kanya. May nagawa ba siyang nakaka-offend sa dalaga? Kilala ba niya ito?
Sa hitsura nito, sigurado siya na asian ito. Maaaring mixed-blood dahil sa kulay abo nitong mga mata. Napaka-among mukha, ngunit napaka-liksi ng kilos. Tamang tama ito sa description na hinahanap niya. Napuno ng galak ang kanyang puso at hindi na makapaghintay na mahawakan ang kanyang camera.
BINABASA MO ANG
High School Zero
AksiyonTammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures to become number one! [Completed]