Chapter Fifty-Four

55.1K 1.9K 411
                                    

Chapter Fifty-Four


"Nawawala si Tammy!!!" sigaw ni Willow matapos pumasok sa security room kung saan nandoon si Nix.

Nagulantang si Nix nang biglang makarinig ng malakas na pagsigaw sa kanilang tahimik na security room. Hawak niya ang kanyang dibdib sa sobrang gulat. Nang makita ni Nix ang kaibigan ni Tammy, bigla siyang nakaramdam ng deja vu. Parang nangyari na ito noon.

Lumapit ang babae sa kanya at niyugyog ang kanyang braso. "Hanapin mo si Tammy! Tumawag ka ng pulis! Paano kung may dumukot sa kanya?! Bilisan mo!" "Kumalma ka nga," sabi ni Nix sa nagpapanic na babae. Bakit ba palagi itong nagpapanic pagdating kay Tammy? Parang palaging mawawalan. "Baka nag-cr lang."

"Wala siya sa cr, hinanap ko na siya roon!" sabi nito saka napatingin sa napakaraming screens. "Bilisan mo, hanapin mo siya!"

Huminga nang malalim si Nix saka umupo sa harap ng mga screens na binabantayan niya. Imposible naman na biglang mawala si Tammy nang hindi nagpapaalam sa kaibigan nito.

Napuno tuloy siya ng tanong. Ano kaya ang nangyari? Bakit nito biglang iniwanan ang bestfriend nito?

Sa paghahanap, nakita niya si Tammy.

Ah...

Nablanko ang isip ni Nix nang makita si Tammy na nakasakay sa likod ng isang lalaki.

Naka-hood. Naka-mask.

"HAHAHA!" bigla siyang napatawa sa nakita. Sa wakas nahuli ka na rin, boy! Wala ka nang kawala ngayon! "HAHAHA!"

"Ano'ng tinatawa mo? Nakita mo na ba si Tammy?"

"Hindi. May nakita lang ako'ng bata na nakikipaglaro ng taguan."

Tinignan ni Willow si Nix na parang nababaliw na ito.

"Hanapin mo si Tammy! Wala ka bang pakialam sa kanya?!" sigaw ni Willow.

"Nakita ko na siya!"

"Huh? Nasaan? Nasaan?" Hinanap ni Willow sa screen si Tammy ngunit di niya makita sa dami ng mga tao.

Tumayo si Nix at naglakad palabas ng security room.

"Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan si Tammy. Sasama ka ba?" tanong ni Nix na hindi na hinintay ang sagot ni Willow. Umalis na siya kaagad.

"Hintayin mo ako!"

***

Pumasok sina Tammy at Blue sa isang bakanteng classroom sa building ng mga seniors. Hindi inaalis ni Tammy ang kanyang tingin sa malapad na likod ng binata. Nakahanda siyang tumakbo ano mang oras na tangkain ng lalaki na tumakas.

"Blue," tawag ni Tammy. "Sa tingin ko, oras na para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo ako maharap."

Tila walang narinig si Blue. Lumapit ito sa bintana at binuksan ang sliding na salamin. Pumasok ang malamig na hangin mula sa labas. Tinanaw niya ang mga tao di kalayuan.

Napunta ang tingin niya sa mga batang masayang kumakain ng cotton candy at naglalaro ng bubble blower.

Bakit hindi niya maharap si Tammy? Nakalimutan na ba nito ang nangyari?

***

Sa isang malawak na silid, nagkalat ang ilang piraso ng puzzle. Isang batang lalaki ang nakatuon ang buong atensyon sa pagbuo nito. Isa isa niyang hinanap ang mga nawawalang piece saka niya idinidikit sa mga katabi nito.

Tok tok tok

"Senyorito, may bisita po kayo," anunsyo ng isang kasambahay.

Napatigil sa pagdampot si Blue sa piraso ng puzzle. Napatingin siya sa pinto.

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon