Chapter Eleven

107K 3.3K 815
                                    

Chapter Eleven


"I figured it out," sabi ni Helga sa kausap. "Alam ko na kung ano ang ibig mong sabihin."

"Well done. Hindi ka naman pala kasing stupid ng inaakala ko," sagot ni Hanna Song. "So, ano ang nalaman mo tungkol sa kanya?"

"Bago ko sabihin sa'yo, sagutin mo muna ang itatanong ko."

"Oh, God. Fine. Whatever. Ano ba 'yon?"

"How did you know her secret?"

"And here I thought importante ang itatanong mo," humalukipkip si Hanna at tumingin nang diretso kay Helga. "Noong una kaming nagkita alam kong may kakaiba sa kanya."

"Ano 'yon?"

"I couldn't move the first time I saw her. There was something in her eyes." Napayakap si Hanna sa kanyang sarili na tila nilalamig. "Something... monstrous."

"Are you serious?" hindi naniniwalang tanong ni Helga. "So ano 'yon, isa siya gorgon?"

Tumalas ang tingin ni Hanna kay Helga.

"I don't care kung paniniwalaan mo ako. Pero totoo ang sinasabi ko. She let her self slip and that's how I knew! Alam kong may itinatago siya. She's one hell of a scary girl. She's not normal!"

Tumingin si Helga sa mga libro na nakapaligid sa kanila ni Hanna. Nasa library sila, sa pwesto kung saan sila nagkita dati.

"Now tell me. Ano ba ang nalaman mo tungkol sa kanya?" naiinip na tanong ni Hanna.

"How well do you know the Alpha of class 2-A?"

"Si Reo? Why?" naguguluhang tanong ni Hanna.

"I think... makakatulong siya sa plano natin."

***

"Tapos i-multiply mo rito at makukuha mo na ang tamang sagot," sabi ni Tammy habang isinusulat ang sagot sa notebook. "Sundin ninyo lang ang formula na ibinigay ng teacher. Makukuha ninyo rin ang sagot."

Namamangha ang mga kaklase niyang nakikinig sa kanyang paliwanag. May pinaghahandaan silang quiz pagkatapos ng lunch break kaya naman naisipan nilang mag-review.

"Woah! Ganon lang pala 'yon. Shit."

"Ang galing mo naman Pendleton!"

"Mas naiintindihan ko kaysa sa turo ng teacher."

"Lucky! Napunta ako sa section na ito!"

"Ang galing mo magturo Tammy!"

Nakangiting pinanood ni Tammy ang kanyang mga kaklase. May kani-kanilang hawak na notebooks ang mga ito.

"Tammy, you're so perfect," komento ni Fatima.

"Maganda na, matalino pa!" sabi ni Cami.

"Ugh. Idagdag mo na rin na mayaman ang pamilya niya," sabi ni Lizel.

Ngumiti lang si Tammy sa kanila.

"Kailangan ko munang lumabas," paalam ni Tammy saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Cami.

"Sa washroom."

Lumabas si Tammy sa classroom at naglakad papunta sa washroom. Limang minuto nalang at matatapos na ang lunch break nila. Nang makapasok siya sa loob, agad siyang tumapat sa salamin. Minasahe niya ang kanyang magkabilang pisngi. Napapagod na siya sa pag-ngiti niya. Hanggang kailan niya ba ito kailangan gawin?

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon