Chapter Sixteen
Malakas ang halakhak ng Chairman nang matapos ang laban nina Banri at Tammy. Pumapalakpak siyang tumayo ng kanyang silya. Nananatiling nakatayo sa tabi niya ang Vice Principal.
"As expected of his daughter," nakangiti niyang sabi habang pinapanood na lumabas ng ring si Tammy Pendleton. She reminds him so much of his best friend... and also of his first love.
"Chairman, gusto ninyo po bang ipatawag ko siya rito?"
"No need. Let her rest," ang sabi ng Chairman saka naglakad na palabas ng silid.
Kaagad na sumunod sa kanya ang Vice Principal. Naglakad sila sa hallway palabas ng gymnasium.
"Sigurado po ba kayo? Hindi po ba ninyo panonoorin ang laban bukas?"
"Yes, I have an important business meeting tomorrow. I cannot afford to delay it any longer. If anything happens, report it to me immediately."
"Masusunod po, Chairman."
Napahinto sa paglalakad ang Chairman nang mapansin ang isang binatang palapit sa kanya. Nakasuot ng hood ang lalaki at natatakpan ng itim na facemask ang kalahati ng mukha nito. Ang mga mata nito ay nananatiling nakatingin sa kanya.
"Ah, it's a good thing you're here," ang bati ng Chairman sa binata saka ngumiti. "Blue."
***
Kaagad na sinalubong si Tammy ni Willow at ng mga kasama nito nang makalabas siya mula sa nurse's office. Kinailangan tignan ang lagay ng kanyang katawan matapos ang laban nila ni Banri. Sa ngayon ay may nakalagay na cooling patch sa kanyang noo.
"Kyaaaah! Ang galing mo talaga Tammy!" ang nakakabinging sigaw ni Willow habang nakayakap sa kaibigan. "Sabi ko na nga ba ikaw ang mananalo e! Hihihi!"
"OMG! Girl, natalo mo si Banri!!!" ang sabi ni Cami.
"Hindi rin ako makapaniwala, Tammy. Gaano katigas ang ulo mo?" tanong ni Fatima.
"Akala ko talaga matatalo ka na kanina!" sabi naman ni Lizel.
"Ano yang nasa noo mo?" tanong ni Willow.
"Wala 'to," ang sagot ni Tammy saka tinakpan ang noo niya. "Pillow."
"Yes, Tammy?"
"Pwede mo ba akong gupitan ng bangs?"
"...huh?"
***
Pinanood ni Nix ang mag-ama mula sa malayo. Nakatayo ang dalawa malapit sa kotse. Maya maya ay pumasok na sa loob ng sasakyan ang Chairman at saka lumabas sa eskwelahan ang kotse nito.
Napasipol si Nix sa nasaksihan. Talagang umuwi lang ang Chairman para panoorin ang laban ng inaanak nito. Hindi man lamang ito nag-tagal ng isang araw. At ni hindi rin ito naghintay na matapos ang laban ng anak nito bukas bago umalis.
Nakita niya na palapit sa kanya si Blue dela Cruz. Ito ang nag-iisang anak ng Chairman. Isang fourth year student sa Pendleton High. Isa ito sa mga lalaban bukas para sa titulo na King ng mga seniors.
"Blue," bati ni Nix sa lalaki.
Hindi ito tumigil sa paglalakad, may ibinato lang itong bagay sa kanya at saka siya nilagpasan.
"Oi! Nice to see you, too!" sarkastikong sabi ni Nix. Tinignan niya ang pulang pouch na ihinagis sa kanya ni Blue. "Hindi mo ba ito ibibigay kay Tammy?!"
Tumigil sa paglalakad si Blue at nilingon siya.
"Ikaw ang inutusan ng Chairman, hwag mong ipasa sa'kin 'to!"
BINABASA MO ANG
High School Zero
ActionTammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures to become number one! [Completed]