Chapter Forty-Five

54.4K 2.4K 485
                                    

Chapter Forty-Five

Napupuno ang stadium ng mga tao at lahat ay excited na sa magaganap na laban. Ngayon na malalaman kung sino ang magiging champion sa National Quiz Bee. May mga estudyante mula sa mga schools ng contestants ang pumunta para suportahan ang kanilang team.

May mga sarili silang banner at cheer squad. Ngunit dahil sa paghihigpit ng mga organizers, gaano man sila karami ay hindi sila maaaring mag-ingay.

"May I invite everyone to invoke the Almighty, Ladies and Gentleman. May I request all of you to stand for invocation and national anthem. We would like to start this program a prayer and followed by the National anthem, please all rise respected professors and dear students."

Tumayo ang mga tao at inumpisahan na nila ang prayer na sinundan ng pambansang awit na Lupang Hinirang. Matapos non ay umupo na ulit sila.

"A good Saturday morning to all of you! Welcome to the National Quiz Bee! I am your host, Nathaniel Quizon—"

"And I am your host, Cherie Suarez," sabi ng babaeng host na katabi ni Nathaniel.

"From sixty teams, now we have fifteen left competing for the championship. Sino kaya ang makakakuha ng title this year? May hula ka ba partner?"

"Mahirap masabi partner, lahat ng teams this year ay napakahuhusay. Lahat sila ay nagpamalas ng bilis at talino sa pagsagot."

"Tama ka partner, at may tinatawag din tayong dark horse ngayong taon. Maski ako ay nagulat sa bigla nilang pagpasok sa contest. Magpapatuloy kaya sila sa pagkinang at makuha ang titulo sa unang pagkakataon nilang sumali?"

"Abangan ang lahat ng 'yan mamaya. And to officially start our program, we are pleased to have..."

Sa hallway ng backstage, nakapila ang mga contestants at kani-kanila silang pagpapakalma sa sarili. Karamihan sa kanila ay maiksi lang ang tulog dahil sa sobrang nerbyos.

Ito na ang finale ng competition. Bukod sa mapapanood sila ng live online, marami ring pumunta na mga supporters nila galing sa school nila.

Ngayon nila malalaman ang resulta ng kanilang reviews, afterschool lessons at taimtim na pagdadasal. Kailangan nilang ibigay ang one hundred percent best nila.

"Kinakabahan ako," sabi ni Jessica at muling binuksan ang cellphone para tignan ang reviewer.

Nanatili naman na tahimik ang Math Genius ng team na si James. Nakapikit lamang ito habang nakaupo at nakasandal sa pader.

"Huminga ka nang malalim, Jessi. Magiging okay ang lahat, nag-review na tayo kanina," ang sabi ni Tammy sa teammate niya.

Huminga nang malalim si Jessica. Pakiramdam niya ay hinahalukay ang tiyan niya sa sobrang kaba. Naiinggit siya sa pagiging kalmado ng teammates niya. Muli siyang huminga nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.

Nakarinig sila ng malakas na cheer sa stadium. Nag-umpisa nang tawagin ng host ang mga teams na kasali sa contest.

"Representing Amihan National High, we have Mary Rose, Aisha, and Hazel! Next, we have the representatives of Charleston Academy, we have Tanya, Erika, and Lincee! Sending their first representatives, Pendleton High's Jessica, James, and Tammy! ... Also joining us for today's event, representing St Celestine High, Giselle, Jasmine, and Willow!"

"Now we have all our contestants ready. But before we start, please check your buzzer."

Tumunog ang mga buzzers ng bawat teams. Matapos non ay ipinaliwanag ng host kung ano ang rules. Mayroon lamang silang five seconds upang sumagot, maliban sa subject na kailangan ng calculations – binibigyan sila ng dobleng oras. Maaari rin silang mag-buzz bago matapos ang tanong.

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon