Chapter Thirty
"Okay, class! Start na ng exam ninyo bukas! I hope may matandaan kayo sa mga itinuro ng mga teachers ninyo! Hwag kayong babagsak dahil hindi kayo makakapag-participate sa school festival kapag bumagsak kayo!" ang malakas na anunsyo ng babaeng instructor sa harap ng mga estudyante ng class 1-A. "Naiintindihinan ninyo ba?!"
"Yes, Ma'am!"
"Kung may hindi kayo naiintindihan, puntahan ninyo lang kami sa faculty at sasagutin namin ang mga tanong ninyo." Kinuha nito ang mga gamit at saka lumapit sa pinto. Bago ito tuluyang lumabas, may hinabol ito. "Tandaan ninyo, kailangan ninyong pumasa!"
Tumunog ang bell, hudyat na lunch break na.
"Waaaah! Siguradong babagsak na ako nito!" sabi ni Cami na idinikit ang kaliwang pisngi sa lamesa.
"Hindi tayo pwedeng bumagsak. Kapag bumagsak tayo hindi natin makikita si King Nino sa festival! Gusto ko siyang maka-date!" seryoso na sabi ni Lizel.
"Hey, Tammy! May time ka ba? Turuan mo naman ako sa lessons natin! Hindi ko maintindihan yung iba e," sabi ni Fatima.
"Okay."
"Kapag si Tammy ang nagturo sa atin, papasa tayo for sure!"
Kaagad na lumaki at humaba ang tenga ng mga lalaking kaklase nila. Napatingin ang mga ito sa grupo ng limang babae.
"KING TAMMY, AKO RIN!" taas kamay na sabi ng ilang kalalakihan.
Halos sabay sabay na nagsi-tayuan ang mga lalaki at lumapit sa grupo nina Tammy. Sinabi ng mga ito ang mga subjects kung saan nahihirapan silang intindihin.
Dahil sa pakiusap ng mga ito, minabuti ni Tammy na hatiin sa ilang bahagi ang kanyang paliwanag. Pinagsama sama niya ang mga magkakaparehong subjects at inilista ang mga parte na kanyang ipapaliwanag.
Sa loob ng Class 1-A, kasabay ng lunch break, pinanood ng buong klase ang pagtuturo ni Tammy habang nakatayo sa harapan. Ang white board sa likod nito ay may mga nakasulat na terms at maiksing paliwanag. Nakalista rin ang mga keywords na kailangan nilang tandaan upang maintindihan ng mabuti ang lecture. Sa kabilang side naman nakalagay ang ilang formulas na pina-iksi ni Tammy.
Mula sa labas ng classroom, ang mga napapadaan ay napapahinto nang makita ang nangyayari sa loob. Hindi nagtagal ay muling sumabog ang forum dahil sa picture ni Tammy na nagtuturo sa harap ng mga kaklase nito.
'KING TAMMY – BEAUTY AND BRAINS' Sa ilalim nito naka-post ang side view ni Tammy habang seryosong nagpapaliwanag ng lecture.
Ang mga nakakita nito sa forum ay hindi maiwasan na mainggit sa mga estudyante ng Class 1-A. Ang klase ni King Tammy ang pinaka-pinagpala sa lahat!
Umabot ang balita sa faculty. Dahil lunch break, malaya ang mga teachers na tanungin ang adviser ng class 1-A tungkol kay Tammy Pendleton. Hindi naiwasan na narinig ito ng vice principal at kaagad na ipinatawag ang guro sa opisina nito.
"Gaano kahusay si Tammy Pendleton sa klase mo, Ms Romualdez?" tanong ng Vice Principal sa babaeng guro. Nakaupo ito sa swivel chair at seryoso ang tingin sa nakatayong babae.
"Simula noong unang klase hanggang ngayon, lahat ng quizes at recitations niya ay perfect, Vice Principal. Bakit ninyo po naitanong?"
Tumango tango ang Vice Principal. May kinuha itong folder at iniabot sa guro. Kinuha ni Ms Romualdez ang folder at binuklat. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito sa nabasa.
"Ito ang—!!!"
"Ano sa tingin mo?" tanong ng Vice Principal.
Ngumiti ang guro. "Kung si Tammy Pendleton ang pinag-uusapan natin dito, malaki ang pag-asa na siya ang manalo!"
BINABASA MO ANG
High School Zero
ActionTammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures to become number one! [Completed]