CHAPTER SEVENTEEN: The Jealous fake Boyfriend

114 8 0
                                    


ALVARO'S POV

Pinipigilan ko lang sarili ko na lumabas ng pick up.
Pero kanina pa kating-kati itong kamao ko  na manuntok.

Ang tukmol na 'yon, ang lakas ng loob na lumapit kay Ann Janet matapos ang nangyari sa kaniya kaninang umaga?

Tapos may nalalaman pang pahawak-hawak sa balikat ni AJ!

Tsk. Nagbilang ako ng isa, saka lumabas ng pick up. Pagkakita sakin ng gago ay mabilis din itong tumalikod.

Mabuti. Dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin sa kaniya ang nauna kong ginawa once magkasalubong ang mga landas namin!

"O, nandito ka na pala?" salubong sakin AJ. Nakangiti.

"Kanina pa! Di mo lang namalayan dahil mas inuuna mo pa ang kumausap ng ibang tao kaysa alamin kung nandito na sundo mo!" Walang sabe-sabeng hinila kong shoulder bag niyang nakasabit sa balikat at binitbit iyon.
Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na nagsalita pa.

"Sorry. Hindi ko nakita'ng motorsiklo mo."

"Pick up truck yung dala ko, hindi motorsiklo! At hindi mo alam, kaninang alastres pa ko rito sa labas naghihintay, tapos ito pa makikita ko?"

"H-hindi ko alam. Saka, alas kwatro ko na pinalabas mga estudyante ko. Di sabe ko sayo, sunduin mo ko ng 4:40?"

Oo nga sinabe  niya sa'kin kanina  kung anong oras ko siya pipick-up-in. Mali ba ang mapaaga ng dating? Medyo kumalma nako. "It's better to be early than sorry."

Pagdating sa naka-park na pick up ay ipinagbukas ko siya ng pinto.
Nang maka-upo siya sa frontseat ay saka ako pumasok ng driver's seat.
Walang imik na binuhay ko ang makina ng sasakyan tsaka mabilis iyong pinausad.

"Galit ka?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. "Bakit galit na galit ka kay Rio? Wala naman siyang ginawang mali sayo."

"Para sa'yo, wala. Pero sa'kin, mayro'n!"
Gumawi sakin ang paningin niya.

"Ano'ng ginawa niya sa'yo?"

"At bakit mo tinatanong?" balik-tanong ko sa kaniya.

"Para malaman ko." Sumimangot ito.

"Huwag mo nang alamin!" sagot ko. Wala akong balak sabihin ang rason kung bakit ako galit sa hinayupak na yun!

"Nagseselos ka noh?"
Sa gulat ay bigla kong naapakan ang break ng pick up.
Muntik na masubsob ang magandang mukha ni AJ, kung hindi ko siya nakabig papalapit sa akin.
Napamura ako. Hindi pala niya ikinabit yung seatbelt niya.

"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos?" paasik niyang turan sakin habang nakasubsok mukha niya sa dibdib ko.

"Hindi. Papatayin lang kita sa kilig!" sagot ko. Syempre, hindi ko isinatinig yung sagot. Pagkuwa'y binitawan ko siya saka ngumisi.

Dinuro niya ko. "Alam mo Alvaro...kung wala lang akong kailangan sa'yo, hinding-hindi ko pagtitiisan 'yang ugali mo! Bukod sa nakakatakot 'yang katawan mo, nakakatakot pati pag-uugali mo!" galit niyang bulyaw sakin.

Sumeryoso ako dahil sa sinabe niya.
Tapos di na kumibo. Medyo sinapol ako ng sinabe niya.

Bakit, ano bang mali sa ugali ko?
Ganito na ako, mula noon hanggang ngayon ah!

Pagdaan ng sasakyan sa poblasyon ay may checkpoint na ginagawa ang Malinao Police Station, bandang intersection.

Ibinaba kong salamin ng sasakyan at dumungaw sa bintana.

Nang makilala ako ni Chief na siyang nangunguna sa nasabeng Checkpoint ay sumaludo lang ito sa'kin at ngumiti.

Itinuloy ko ang pagdrive at pagdating sa tabi ng pulis ay nagpasalamat ako sa kaniya.

"Walang anuman Major Tornado," ani Chief.

Itinuloy ko ang pagdrive. Kunwari tumingin ako sa kaliwang salamin sa gawi ni AJ at nakita ko ang ginawa niyang pag-ismid sakin.
Ngumiti ako. Akala niya tinitingnan ko siya.

Pagdating namin sa labas ng bahay ni Ann Janet ay bumaba na siya na hindi nagpapasalamat.

"Thank you ha!"  Ako na ang nagpasalamat.

Diri-diritso siyang pumasok ng gate na di ako nililingon.

Nasuntok ko ang manibela sa inis. Ano na naman problema no'n? Tanong ko sa kawalan.

Muli kong pinaandar ang pick up.
Iniliko kong sasakyan pabalik ng main gate ng subdivision saka nagdrive patungong New Washington. Doon na 'ko tutuloy.
KAPAG dumaan pa ko sa bahay nila Tito Vince, tiyak na raratratin na naman ako ng tanong ng pinsan kong si Gold tungkol kay AJ.




°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Thank you sa pagbasa! 😊



The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon