CHAPTER THIRTEEN: GIVE UP OR GO ON

108 8 0
                                    


ANN JANET'S POV

"Ma, nanligaw ka rin ba kay papa dati?" tanong ko kay mother habang nagkakape ako habang siya'y nagluluto ng almusal.

Tumaas ang kilay ni Mama."Never. At bakit ko naman gagawin yun? Trabaho ng lalaki ang manuyo ng babae!" Anito. Ibinalik ang tingin sa kawali na may Tapa.

"Hindi naman po seguro lahat." kibit-balikat na sagot ko. Tumayo ako at kumuha ng pitsel sa loob ng refrigerator. "Sa panahon ngayon, babae na ang nanliligaw sa lalaki."
Turan ko. Kasi ginagawa ko e, ang manligaw ng lalaki. Bigla akong nalungkot. Ganito pala ang feeling na'ng manligaw, patay-hiya.

Nakaka-inggit ang iba na, sinusuyo ng lalaki. Binibigyan ng flowers, chocolate, dine-date at ginagawang Reyna.

"Huwag na huwag mong gawin ang manligaw ng lalaki anak," ani Mama. "Dahil para mo na rin dinigrade ang pagkatao mo. Hala, kumain ka na para di ka mahuli sa pupuntahan mo'ng seminar," ani Mama. Wala siyang kaalam-alam na 'yong unica ija niya ay nagawa nang manligaw.

Dahil sa kailangan ko ng boyfriend badly ay nagsinungaling ako kay Mama. Ang sabe ko, mayro'n akong one month Seminar sa isang eskwelahan sa New Washington at ito'y magsisimula ng alas onse ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
At naniniwala naman si Mama. Ang hindi niya alam, Seminar sa panliligaw itong ginagawa ko.
Magtatatlong linggo na ngayon na umaakyat ako ng ligaw kay Alvaro.
Pero ang totoo, hindi ganito ang akyat ligaw e! Parang he hired me as his mochaha.
Taga-luto niya, taga-linis ng bahay, nagdidilig ng halaman, naglalaba at nagbubunot ng damo sa bakuran niya.
Kaya sa t'wing uwi ko ng bahay ay napapagal ang katawan ko.
Minsan, tinatanong ko'ng sarili ko; give up or go on?
At nanaig ang GO ON, para sa career ko.
Struggles really are part of life. Kung hindi ka magpapagod ay wala kang mararating.

KANINA pa ko komu-kontak kay Alvaro pero hindi nito sinasagot ang phone.

Buente minutos na ko nakatayo sa harap ng malaking gate.

Napalingon ako sa tumigil na pick up sa likod ko. Si Alvaro!

Kumaway siya sa'kin at sumilip sa nakabukas na bintana. "Kanina ka pa ba?" tanong niya.

"Mga twenty minutes palang," sagot ko. Tumabi ako para bigyan-daan ang sasakyan na makapasok ng gate. Then, sumunod ako.
Automatic na nagsara ang gate.

Si Alvaro ay nakababa na ng pick up nito at may ibinaba'ng cartoon. "Bumili agad ako ng stocks na groceries at ilang kakailanganin sa bahay para pagdatin ng June, di na hassle."
Nagtatanong ba ako? Nagpapaliwanag siya eh! Pero tumango lang ko sa sinabe niya.

Lumapit ako sa kaniya para tulungan siyang magbuhat. It's kargador time, bulong ko.

"Ooops! Ako na, mabibigat 'yan," salo niya. Buti nalang pinigilan ako, dahil kong hindi, hindi ako magdadalawang-isip ng buhatin gaano man kabigat ang laman ng cartoon na yan. Hmp! Courting thingy.

"Pakisuyo nalang ako bitbit nitong plastic, magaan lang 'yan," baling niya sakin. Hawak niya ang plastic na may lamang karne. Kinuha ko iyon sa kaniya.

Ngunit, hindi ko nahahawakan ang plastic ay nabitawan na niya kaya nahulog ito. Mabilis kong pinulot ang plastic, gano'n din ang ginawa niya.

Kaya nagkabungguan ang mga ulo namin.
Pagkatayo ko ay di ko napansin na nasa harap ko pa pala siya, kaya nabunggo ko uli ang baba niya.
Sa taas niyang flat six, hanggang leeg lang ako.

Bumaba tingin niya sa ulo ko at hinipo iyon para mawala ang sakit. Habang ang malalaki niyang braso ay nakaakbay siya akin.

Pag-angat ko ng tingin ay nagkasalubong ang aming mga mata. Then, bumaba tingin niya sa labi ko kaya napapikit ako.

Naramdaman ko ang pagsayad ng labi niya sa labi ko. Pumikit uli ako habang ang isip ko ay sumisigaw ng HUWAG. Saka ko lang namalayan na umuungol na pala ako at hindi sumisigaw.
Naibuka ko pa nga yung baba ko sa pagkabigla, bagay na diniinan ni Alvaro ang kiss. Torrid kiss ba tawag no'n? Tapos ramdam ko rin ang init ng dila niya na kumikilos sa loob at nakikipagbuno sa dila ko.

Nang feeling ko, hindi na'ko makahinga ay naglakas loob akong e-push siya. Pero ang lakas ng mga braso niya at tila ayaw paaawat sa ginagawa.

Sinipa ko paa ni Alvaro, ayun tumigil din.
Hinahabol rin niya hininga nang maghiwalay labi niya sa labi ko.

"I'm sorry, I lost control of myself." Teka lang, part pa ba ng panliligaw ang halik? Tatanungin ko mamaya si Gold, expert yun e.

Binuhat na ni Alvaro ang malalaking cartoon papasok ng bahay.

Pinulot ko na rin ang plastic saka sumunod sa likod niya, pero dumistansiya ako ng ilang metro at naka magkabungguan ulit kami.

Sa liit kong ito halos di ako makikita kapag nakatabi sa katawan niya. Gano'n kalaki siyang tao, nakakatakot!
Pero bakit ang halik ni Alvaro ay di nakakatakot? Matamis pa nga e, amoy at lasang sandwich!

Paglapag ng bitbit kong plastic sa lababo ay nagsalita siya," Iwanan mo lang diyan 'yan, ako na ang maglilinis. At makakauwi ka na. At simula sa araw na 'to, sinasagot ko na'ng panliligaw mo."

Nagulat ako sa sinabe niya, at nanlaki mata ko. May 20 palang ngayon, almost two weeks pa bago matapos ang buwan, gayundin ang panliligaw ko.
"Segurado ka?"panigurado ko. Baka mamaya ginagawan niya ko ng MAY-FOOLS-DAY.

Tumango siya. "Yes. I'm hundred percent sure. Luluwas ako mamayang hapon ng Manila, may emergency. Kaya di mo ko maliligawan."

"Kailan balik mo dito sa Aklan?" Ewan ko, parang nalungkot ako na aalis siya. Sa loob ng tatlong linggong pananatili sa bahay niya napatunayan kong mabait nga siya, tulad ng sinabe no Gold. May mga pagkakataon lang na umaandar ang ka-arogantihan niya.

"Seguro sa June pa 'ko babalik. Wag kang mag-alala texmate, tutupad ako sa usapan." Nakangising sagot niya.

"Before June, dapat makabalik ka. Ipapakilala pa kasi kita kay Mama na boyfriend ko." Lungkot-lungkutan na wika ko.

"Sige, itetext kita once nandito na 'ko." At kumindat pa ang loko.







A/N: Thank you for reading.!😊

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon