CHAPTER THIRTY EIGHT: Shy Ako

61 5 0
                                    


Ann Janet's POV

Hindi ko inakala na magagawa akong kidnapin ni Rio. Siya ang kahuli-hulihang tao na eexpect kong gumawa ng masama.

"Itong gagawin ko ay para sa ating dalawa. Oras na makuha ko ang perang pinagbilhan ng droga ay aalis tayo sa lugar na ito. Sasama ka sa akin sa Cavite. Doon, magpapakasal tayo at mamuhay ng masaya my loves." Wika ni Rio.

"Ayoko! Suluhen mo ang magpakasal na hayop ka!" Inis kong sagot sa kaniya. "Mabuting kaibigan ang turing ko sa'yo, ngunit dahil sa ginawa mong itoy kinasusuklaman kita!"

Lumapit siya sa akin at hinagod ako sa likod. "I'm really really Sorry Net. Mahal lang kita kaya ko ito ginawa. Pero sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ngunit hindi parin magbabago ang pagmamahal ko sayo." Malumanay na wika niya.

"Selfish ka! Bakit hindi mo nalang ako hayaang magmahal ng iba? May mahal na akong iba at kahit kailan hindi kita kayang mahalin?" Umiiyak na turan ko.

"Balang araw ay matutunan mo rin akong mahalin Net. Maging mabuti akong asawa sayo. Kahit inis na inis na ako sayo ay hindi kita sasaktan. Gano'n kalaki ang pag-ibig ko sa'yo. Di masusukat. Kaya patawarin mo ako." Tila sensirong pahayag niya.

"Hindi kita mapapatawad, Rio. Kung hindi mo lang ako kinidnap, mapapatawad pa sana kita." Kusang tumalikod si Rio sa huli kong sinabe. Alam kong nasaktan ko ang damdamin niya. Pero nawalan na ko ng amor sa kaniya bilang kaibigan.

Nakikita ko ang sensiridad ng pag-ibig niya sa akin. Ngunit hindi ko mawari kong bakit dumating sa puntong kailangan niya kong kidnapin.

Patuloy parin akong umiiyak. Nasaan na kaya si Alvaro? Sana maramdaman niya na nasa panganib ako ngayon. Piping dasal ko.

Naulinigan ko na may kausap si Rio. Seguro'y iyon ang hinihintay nilang bibili ng drugs.
Nanghihina akong napaupo sa sahig. Halos dalawang oras na ako rito sa kubo kaya hinang hina na ko dahil sa gutom. Hindi ko kinain ang dalang pagkain ni Rio dahil sa sama ng loob. Mas mabuti na yong mamatay sa gutom keysa sumama sa kaniya.

Hindi nagtagal ay may mga kalabog at boses akong narinig sa labas ng kubo. Bigla akong nabuhayan ng loob.

Bigla akong napatayo nang makita ko si Alvaro. Nakacivilian siya. Itim na tee shirt at ground zero pants at boot. Lumapit siya sakin at kinalag ang tali ko sa kamay.

Sa sobrang saya ay niyakap ko siya. Miss na miss ko na siya. Ngunit hindi niya ko pinansin.
Mas nasaktan ako nang hindi niya ko tinapunan ng tingin pagkatapos akong kalagan ng tali.

Pagdating ng kasama niya ay umalis na siya matapos akong ibilin roon.

"Sumama ka daw muna sa Police Station Ma'am para makunan ng salaysay," Anang lalaki.
Tumango lang ako.
Pagkalabas namin ng kubo ay hindi ko na nakita si Alvaro.
Nanghihinayang na sumakay ako sa patrol car kasama ang mga Police.

"Ano nga uli ang name mo?" Pukaw ng lalaking Pare ang tawag ni Alvaro.

"Ann Janet," tipid kong sagot. Saka inilihis ang aking tingin sa aming dinaraanan.

"I'm Jomar. Magkaibigan kami ni Denver Alvaro." Nakangiting pakilala ni Jomar.

Tumango lang ako.

"May LQ ba kayo?" Sa kabila ng pag iignore ko ay Ungkat niya.

Nagbaba ako ng tingin. "Hindi lang LQ, break na kami at ako ang may kasalanan." Amin ko. Para na naman akong maluha nang maalala ang nangyari.

"Kaya pala mainit ang ulo no'n. Ano ang dahilan?" Usisa pa niya.

"Pinagbintangan ko siyang nakipagbalikan sa Ex niya."

"Ah, kay Mayeth. Sa pagkakaalam ko matagal na silang hiwalay?"

"Oo. Kaya ako nagalit sa kaniya dahil sinabe ng babaeng yon na buntis siya."

"Ah. Gasgas na dahilan. At naniniwala ka naman?" Tila na-amaze na tanong ni Jomar.

"Oo. Inaamin ko, kasalanan ko dahil agad agad akong naniwala sa babaeng iyon na hindi ko manlang binigyan ng time si Alvaro na makapagpaliwanag."

"Naintindihan kita. Hayaan mo muna si Denver na makapag-isip. Pero tiyak kong, Mahal ka no'n. Hindi niya tatanggapin ang missiong ito kung hindi sayo konektado si Rio. Mag-iisang taon na niyang sinusurveillance ang lalaki dahil sa pagbibinta ng drugs. Subalit hindi niya sinasabe sayo para hindi maapektuhan ang pagtuturo mo." Nagulat ako sa sinabe niya. "Alam mo bang hindi siya ang naglead ng buy bust operation na 'to? Iyon ay dahil nawawala siya sa katinuan. Mamaya mabaril pa niya ang target."
Alam ko naman 'yon. Mapusok si Alvaro pagdating sa pagprotekta sa akin. Hindi ko nakalimutan ang pagsuntok niya kay Rio noon na halos ikinalumpo nito. "Nandito na pala tayo," Ani Jomar. Nakarating kami sa Police station na di ko namalayan.

Inalalayan ako ni Jomar na makababa ng sasakyan, pagkatapos ay dinala ako sa isang silid na may mahabang mesa at mga silya.
Pagkapasok ng imbestigador ay isinalaysay ko ang nangyari. Kung papaano ako nakarating sa lugar na 'yon at kung ano ang nakita ko roon na ginawa ni Rio gayundin kung ano ang ginawa niya sa'kin. Pagkatapos no'n ay pinalabas na niya ako.

Palabas na ko ng Estasyon ng Pulisya nang matanawan ko si Alvaro kausap si Jomar. Nakaupo ang nauna sa motorsiklo nito patalikod sa akin habang nakaharap naman ang huli. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nagdadalawang isip ako kung lapitan siya o hayaan nalang muna siyang matunaw ang sama ng loob niya sa akin bago ako humingi ng Sorry sa kaniya.
Tatalikod na sana ako nang bigla akong kinawayan ni Jomar habang nakangiti.
Lumingon si Alvaro sa gawi ko at muli na namang nagkasalubong ang aming mga mata.
Parang may nagliliparang paru-paro saking sikmura kaya tumakbo ako sa gawi ng Munisipyo na nasa gilid lang para umiwas.
I feel shy na di ko maintindihan.
Hinihingal ako at nagmamadaling dumaan sa exit ng munisipyo.
Nakahinga na sana ako ng maluwag nang mula sa kung saan ay sumulpot si Alvaro.
"Iniiwasan at pinagtataguan mo ba ako AJ?"

OMG! Aatakihin yata ako sa puso...



______________________________
Thank you for reading. 😀

Love,
AgentLoree

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon