CHAPTER ELEVEN: His Condition

113 9 4
                                    

ANN JANET'S POV

"PINSAN, PWEDE KA BANG MAGING BOYFRIEND NI ANN JANET?"Kung mayroon lang akong superpower na maari akong ma-dis-appear...iyon ay gagawin ko, sa mga oras na ito! Disappearing is the first choice I gonna do.

Sabay pa kaming napatingin sa isa't-isa ni Alvaro at nagkasalubong ang aming mga mata.

Sa sobrang pagkapahiya ay hindi ko malaman ang gagawin. Natulala ako. Bigla nalang, natuyo ang aking lalamunan. Pinipilit kong lunukin ang laway na bumabara ngunit hindi ko magawa.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang napatayong lalaki. "Do you guys, find this thing funny?" galit na react ni Alvaro. " Well, for me it's not funny at all! And if you spit another joke like this next time around, just make sure that I laugh! Fuck!" mura pa nito bago kami tinalikuran. Pero habang sinasabe niya ang mga katagang iyon ay nasa akin siya nakatingin.

Bigla ang pagregudon ng aking dibdib dahil sa kaba. "Bes! Bawiin mong sinabe mo sa kaniya!" mangingiyak kong utos kay Gold. Sabay yugyog sa balikat niya.

Di ko akalaing iyon ang sasabihin niya sa harap ni Alvaro! My God! Pinagpapawisan ako sa HIYA! Ano nalang iisipin no'ng lalaki?

"Nasabe ko na, kaya hindi ko na maaring bawiin pa!" ,anang relax na relax na si Gold. Nagkibit-balikat pa ito na tila walang pakialam sa reaction ng nagagalit na pinsan at sa kinakabahang ako. Pagkuwa'y bumaling siya sakin. "At bakit parang tensiyonado kayo pareho ng pinsan ko Bes? As long as I could remember, wala namang namagitan sa inyong dalawa para kung umasta ay sukang-suka kayo sa isa't isa," anito.

Kung alam mo lang Bes ang namagitan sa'min. Bulong ko."N-nabigla lang ako k-kasi takot ako sa kaniya." pagsisinungaling ko.

Pinanlakihan niya ko ng mata. "Takot? At bakit ka matatakot sa kaniya? May ginawa ba siya sa'yo na di mo sinasabe sa akin?" nagdududang tanong niya.

"W-wala naman. Takot lang ako sa k-katawan niya, malaki kasi!" nakakagat-labing sagot ko. Saka iniwas kong tingin sa kaniya.

"MayGad, Bes! Nakaka-stress ka naman! Bakit ka matatakot sa katawan niya? Di ka naman aanuhen niyon? Tsaka, matakot ka sa iba, wag lang diyan kay Denver. Mabait 'yan, promise."

Baka mabait kapag tulog, bulong ko."O-oo Bes," sagot ko nalang. Mahirap na baka makahalata si Gold.

"So, okay na ba na si Denver muna ang magiging boyfriend mo?" nang tumahimik ako ay bigla niyang tanong.

"P-pwede narin' pagtiyagaan, Bes," sagot ko.

"So, okay na ha? Sige, sundan mo siya Bes..," sulsol pa niya. "..para makapagsimula na kayong magplano kung ano'ng gagawin."

"Bes! Hindi pa siya pumapayag," bayolente kong habol kay Gold kasi tumayo na siya.

"Papayag 'yan. Kilala ko na 'yang pinsan ko. Takot lang niyang magtampo ako sa kaniya," anitong puno ng confident ang sinasabe.

"Sige, kausapin ko siya," ang tangi kong nasagot. Mapapasubo yata ako nito. Si Mama kasi may kondisyon pang nalalaman!

"Go!"pagtataboy pa niya. "Aalis muna ako, magbabayad lang ako ng bill sa Akelco at Water district. At sana pagbalik ko ay nakapag-usap na kayo ha?"

Nagpanic ako sa narinig. "Bes, mamaya ka na umalis. Dapat kung mag-usap kami, nandiyan ka kaharap at nakatingin," pigil ko sa kaniya.

"Hindi na kailangan, Bes. At saka hindi naman kayo mag-uusap sa harap ng husgado para mangangailangan ng testigo. O siya, aalis na ko ha..," tumingin ito sa suot na relo. "...see, quater to four na. At hindi na maaring ipagbukas 'to dahil ngayong araw ang due date."

"Sige na nga!" taboy ko sa kaniya. Pero kabang-kabang pa rin ako. Patay ako nito mamaya!

Pagkaalis ni Gold ay agad kong hinanap si Alvaro. Lumabas siya kanina ng bahay kaya sa paligid ko lang din siya hinanap.

Agad kong nakita ang bulto ni Alvaro na nakahiga sa duyan na nasa Patio. Hinay-hinay akong naglakad papalapit sa kaniya.

"What?!" kung may sakit lang ako sa puso, kanina pa ko inatake dahil sa nerbiyos.

Paano niyang nalaman na papalapit ako gayong wala ni ingay na marinig sa mga yabag ko?

Lumapit ako sa duyan at naupo sa katabing bangko.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" wika ko sa nakatalikod na si Alvaro. Halata ang panginginig sa boses ko.

"Sabihin mo na'ng pakay mo!" aniya. Hindi na ito kumilos sa posisyon ng pagkakatagilid nito.

"About dun sa sinabe ni Gold kanina..?",panimula ko. Saka tumigil muna sa pagsasalita habang minamatyagan siya. Nang hindi na siya gaano'ng nagrereact ay itinuloy ko na ang aking sasabihin. "Pwede ka bang maging boyfriend?" patay-malisya na tanong ko. "Sa susunod na pasukan kasi ay magsisimula na akong magturo sa Bulabud. Kaso, hindi ako papayagan ni Mama hangga't wala akong naipresenta na boyfriend sa kaniya." Kwento ko sa mahina at malungkot na boses.

Biglang bumangon sa duyan si Denver. "At ako ang gagawin mong boyfriend?" diritsong tanong at sa mga mata ko nakatingin.

Nagbawi ako ng tingin, saka yumuko. "Oo."

"Why me?"

"Am..." speechless. Nagtaas na 'ko ng tingin. "Wala na kasi kaming mahanap ni Gold na pwede kong maging boyfriend."

Sumungaw ang pinipigilang ngiti sa labi ni Alvaro. "At ang tingin mo sa'kin ay easy- easy lang? For your information, hindi ako madaling pumayag."
Pa-hard-to-get na sagot nito. "Pero since kaibigan ka ng pinsan ko ay hindi kita gaanong pahirapan."
May nalalaman pang pahirap 'to! Kainis!

"What do you mean by that?" kinakabahan kong tanong.

"Since GUSTO mo akong maging boyfriend, liligawan mo muna ako."

Biglang ang pag-angat ng puwet ko sa bangko dahil sa aking narinig.

"L-ligawan KITA?" ulit ko. May nalalaman pang pa-bebe ang lalaking ito! Ano siya babae? May nalalaman pang ligaw-ligaw. Hmp! Akala niya sincere talaga 'tong relasyong!

Napasimangot ako.

"Yes. Liligawan mo muna ako. Hindi naman pwede'ng sa isang tingin mo lang ay magka-instant boyfriend ka."

"Paano? Hindi ko pa nga na-experience ang ma-ligawan ng lalaki tapos manliligaw ako sayo?" Bumuga ako ng hangin at umiling.

"It's not my problem anymore!
Ikaw na ang bahalang magdiskarte kung paano ka manligaw." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Alvaro.
Pinaglalaruan ba niya ako?

"Niloloko mo ba ako?" mataas ang boses na tanong ko.

"Why should I? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang lumapit sa'kin at humingi ng pabor na maging boyfriend mo. Ngayon, kung ayaw mo sa proseso kung paano maangkin ang puso ko, kalimutan mo nalang ang sinabe mo sakin at maghanap ka ro'n ng iba na pwede mong maging boyfriend!" pasigaw nitong sabe. Saka tumayo na ito.

Dali-dali ko siyang pinigilan sa siko. "Oo na, liligawan na kita!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Okay," anito. Hinawakan nito ang kaniyang baba habang nag-iisip. "At dahil mabait at maunawain akong tao, bibigyan kita ng one month para manligaw. So, April 30 ngayon...may one day kang pahinga bukas para magrelax. Then starting on May 01, magsisimula ka na sa panliligaw mo sakin."

"Kung ganun, one month pa pala bago maging tayo! Hmp!" Kung hindi ko lang kailangan ng boyfriend, nunca kitang lalapitan! Rebelde ng isip ko.

"Pasalamat ka at one month lang yan. Mas maikli kompara sa ilang buwan na pagiging boyfriend mo."

"Oo. Alam ko! Sige salamat! Aalis na ko!" inis kong turan at nagmartsa na palabas ng gate.












A/N:

Till my next UD.
Thank you for reading.

-AgentLoree

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon