CHAPTER FOURTEEN: Waiting for Him

90 7 8
                                    

ANN JANET'S POV

Ngayon ang unang araw sa buwan ng Hunyo, tatlong araw nalang ay magtuturo na ako bilang Grade four Teacher sa Bulabud Elementary School.

Pero simula nang bumalik ng Maynila si Alvaro ay hindi ko na ito muling nakita pa. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa bahay nito sa New Washington ngunit hindi pa ito nakakarating. Ni wala ngang bakas na nakauwi na ito ng probinsiya.
Ayon naman kay Bes, hindi rin ito nakakapunta sa bahay nila kaya ngayon labis akong nag-aalala na baka nakalimutan ng lalaking iyon ang kasunduan namin.

Nakaramdam ako ng inis sa kaniya. Wag lang siya magkamaling sirain ang kasunduan namin dahil magagalit ako sa kaniya ng todo!

Hindi biro ang ginawa kong effort para ligawan siya kaya wag lang siya magkakamaling pagtaguan ako!

Bakit kaya hindi niya ko tinext? Umuo siya ng sabihin kong kailangan ko siyang ipakilala kay Mama bago matapos ang buwan pero hanggang ngayon walang Alvaro ang nagtext sa'kin.

Buti pa nga 'yong admirer ko no'ng high School na Rio, ay naalala akong itext lalo na't nabasa ng ungas na 'yon sa instagram account ko na magtuturo na 'ko. Ikinongratulate pa nga ako ng mokong!

Si Rio ang unang lalaki na nagbigay ng love letter sa akin noong High School. Ang nagparamdam ng paghanga sakin sa kabila ng ka-simplihang na meron ako.Well, flattered ang peg ko, gayunpaman hindi ko parin siya pinansin. Ang tanging nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay makahabol sa top ten students ng section na kinabibilangan ko.
At labis akong nasisiyahan dahil nakuha ko yung third honor, out of fifty six students ng forth year High School.

"O, nak bakit nangangalumbaba ka diyan?" Si Mama. Kadarating lang nito buhat sa suki nito sa Shopping Center dahil may ideniliver itong gown para sa debut.

"Hinihintay kita Ma! Hindi po ako nagluto, tinatamad po kasi ako."

"Okay lang 'yan nak, bumili ako ng paborito mong litchon manok. Saan ka ba galing ba't parang pagod na pagod ka?"

"Bumili po ako ng School Supplies na kakailanganin ko sa School," sagot ko. At dahil excited sa pagiging Teacher, bumili agad ako ng tatlong boxes ng chalk, tatlong eraser na gagamitin ko at mga cartolina, bandpaper, isang box ng lapis at isang box ng crayola na ipapamahagi ko naman sa aking pupils.

Lumingon si Mama sa gawi ko nasa sofa. "Oo nga malapit ka nang magturo pero wala ka paring naipakilala sa'kin na boyfriend mo? Baka nakalimutan mo'ng hindi pa'ko pumapayag na magturo ka hangga't wala kang naipresentang boyfriend mo sakin."

"Mero'n na nga akong boyfriend Ma, di ba ilang beses ko na 'yan sinabe sayo?" Nakasimangot kong tugon. Itong si Mama, sobrang excited! Halos araw-araw hinahanap ang BF ko raw.

"Nasaan na siya? Wala ka pa ngang dinala'ng lalaki rito bahay ah!"

"Nasa Manila pa po siya Ma. One of these days ay maipakilala ko rin siya sa'yo." Mahinahon kong sagot.

"Huwag mo nang patagalin anak..."

Tok. Tok. Tok.

"Ako na ang magbubukas at baka si Marie na iyan na kukuha ng gown," ani Mama.

Napabuntong-hininga ako. Buti nalang at may kumatok, natigil ang pag-interrogate ni Mama sakin hinggil sa boyfriend ko.

Humiga ako sa sofa habang nanonuod ng Minute to win it sa kapamilya network.

Umuwi ako ka'gad dahil inaabangan ko si Kathryn Bernardo na siyang maglalaro ngayon. Tatlong teams ang maglalaban-laban na sina Liza at Enrique, Nadine at James Reid at Kathryn at Daniel.

"Pasok ka iho, nasa loob siya."
Narinig kong may kausap si Mama sa labas at tila ako ang hinahanap.

"Ma, sino 'yan?" Pasigaw kong tanong habang hindi inaalis ang mata sa screen ng T.V.

"Boyfriend mo raw anak." Napaayos ako ng upo sa narinig. Boyfriend?

"Hi, babe!" Nagulat ako nang mapagsino ang lalaking nakasunod kay Mama. Si Alvaro!
Kay lapad ng ngiti nito at titig na titig sa akin.
At tinawag akong babe ng loko!

Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Bakit ngayon ka lang?" sita ko kay Alvaro.

"I'm Sorry, sobrang busy kasi nitong huling araw kaya ngayon lang ako nadalaw rito," anito, habang hindi inaalis ang mga mata sa'kin. "I miss you. Nasa'n na 'yong kiss ko?"

Teka, kasama ba ang kiss sa papel na ginagampanan nito bilang BF ko?

"A-am, " nagsta-stammer ako. Humanda ka sakin mamaya varooo!

"Anak, narinig mo ba'ng hinihingi ng boyfriend mo, kiss raw? Ay nakung bata'ng ito, ang hina ng radar." Ayan na naman si Mama na nagpadagdag sa pamumula ng pisngi ko. Kasabay no'n ay tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan.
Maya-maya pa't naramdaman ko na lamang na tila may sumayad na malambot na bagay sa bibig ko. Hinalikan ako ni Varooo!
Bigla akong natauhan nang humalakhak si Mama na para bang aliw na aliw sa ginawa'ng paghalik ni Alvaro.

"Ang OA mo naman Ma!" tila batang reklamo ko. Napahiya ako lalo!

"Maiiwan ko muna kayo diyan ha, maghahanda lang ako ng dinner natin," paalam ni Mama.

Pagkatalikod ni Mama ay binatukan ko si Alvaro. "Bakit mo ako kiniss?" Galit kong tanong sa kaniya.

Napa-smirk lang ang loko at tila cool itong umupo sa sofa. "Drama lang. Alam mo ikaw, sineseryoso mo ang isang bagay na napaka-impossibleng mangyari. Para sabihin ko sayo, kiss is part of this drama as your boyfriend." Mahina niyang sagot.

Sa una, nasaktan ako sa sinabe niya. Pero, tama nga naman siya, palabas lang ang lahat ng ito at malayong magkakagusto siya sa akin.
Kaya imbes na sumagot pa ay tumahimik nalang ako.

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon