CHAPTER ONE : The Arrogant Texmate

276 11 14
                                    


ANN JANET'S POV

Pagdating sa bahay ay pasalampak akong naupo sa sofa. Di ko na kinulit si Mama na nagtatahe ng gown sa dulo.
Kasi dumaan lang ako kanina sa tabi niya, an sama ng tingin sakin. Akala niya, magpapakandong ako sa kaniya, na malimit ko ginagawa kapag nasa bahay ako.

"Ma!" tawag ko.

"Wag mo 'kong gagambalain ngayon, Ann janet!" O, kitam. Galit nga siya!

Kilala ko na 'yang attitude ni Mama eh! Mahal ako niyan sa mahal kasi solo akong anak. Pero 'pag sumeryoso 'yan, wag mo nang lapitan, baka mabigla ka lang sa lumilipad na bagay na nakasunod sa likod mo.
Takot nga ako diyan e, dahil may pagka-astigin. Pero thankful ako kasi ginagawa niya lahat para sa akin.

My father was died when I was in grade six. Kapitan sa International Cruise ship si Papa, at nang masunog ang dinadalang barko nito ay si Mama na ang umako ng lahat na responsibilidad sa'kin.
Gayunpaman, naging maayos naman ang aming pamumuhay sa tulong ng Insurance na natatanggap namin mula sa kompaniya ni Papa buwan-buwan at sa pananahi ni Mama.
Graduate si Mama ng Fashion design. At nagtatahi siya ng iba't ibang kasuotan from simple to bongga'ng gown, traje de buda or any dresses. Name it, we have it all in our Botique na pinamamahalaan ni Mama.

We also live in a middle class subdivision in Kalibo.

TAHIMIK kong inabot 'yong Cellphone ko na nasa lamisita at hinanap sa phonebook yung name ni Alvaro. Siya 'yong binigay ni Gold na textmate kanina.
Medyo na-amaze ako sa name niya, it sounds barbaric. Haha!

Hi, can you be my texmate? I'm AJ, ang I got your number from a friend.

Then send.

Nagbasa-basa ako ng notes na ginawa ko kanina sa School while waiting for his response.

Suddenly, my phone's beep. Mabilis kong pinindot yung 'read' para tumigil ang ingay.

I do not fucking care if hu u are! Stop texting me, I'm a busy person!

Kumunot noo ko. Busy, tapos nagrereply! Napangiti ako.

I do not believe in you! You should be the one to be stopped. Stop that bad language of yours! Or else, huhulaan ko kung ano'ng amoy ng hininga meron ka.

Message sent! Hehe. Tiyak umaapoy na 'yon sa galit. Ang arogante mo ha, tingnan natin sa kurbada, isip ko.

"Anak, okay ka lang? Kanina pa kita napapansin na nakangiti diyan," agaw pansin ni Mama.

"May katext kasi akong nakakatawa Ma!" sagot ko. "Wag mo nalang pansinin 'yong anak mo." Nakasimangot akong tumalikod sa kaniya. Ako kasi palagi'ng nakikita niyan ni Mama. Palibhasa, dalawa lang kami tao dito sa bahay.

Sumilip ako sa Screen ng Phone, kasi in-silent ko na 'yong message alert tone kanina para di mabulabog ang seryoso konh Ina.

2 MESSAGES RECEIVED

Shut up! You didn't know wat you're talking about!

I'm angry, tangena ka!

Napa-ow ako sa huli niyang text, minura ako! Reply-an ko nga...

"Tae ka rin! Ang baho ng language mo. Haahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahha!

Message sent.

Are you insane?-siya.

Ofcourse, not! Baka ikaw! Kung anu-ano sinasabe mo!-ako.

Stop playing with me, you don't know who I am.-siya.

Are you threatin' me? Am not afraid!-ako.

Really?-siya.

Oh yeah!- me.

Let's meet and i'll show you who I am-siya.

Ayaw ko nga! Mamaya may gagawin ka pa sakin na di maganda. I knew you!- ako.

Stop. Sabihin mo, takot ka lang.-siya.

Hindi ako takot nu!-me.

Prove it, meet me.-siya.

Where?-ako.

AT NAG-OFF yung phone ko. Low battery! 😁

KINAUMAGAHAN...

"Kumusta 'yong ibinigay kong textmate, Bes?" salubong agad ni Gold.

"Walang silbi bes. Kainis, nuknukan ng sungit at arogante. Ayaw patatalo sa'kin."

"Di ba sabe ko, ayusin mo magtext sa kaniya? Grabe, pa man din 'yon magalit."

"Ha?" takte. Kinabahan ako bigla sa sinabe ni Gold. "Bakit, paano ba siya magalit Bes?"

" Basta, di ko ma-explain bes. Pero ang alam ko, pumapatay yan ng tao," seryosong sagot ni Gold.

Bigla akong na-alarma. "Bes, pwede ba'ng wag mo nalang sabihin do'n sa lalaki na ako katext niya?"

"Sige. Pero kwento mo kung ano nangyari sa palitan niyo ng text."

"Nag-away kami. Iyon lang, Bes. Minumura ako, e di pinatulan ko!" sagot ko. Buti nga nalowbatt phone ko e, di na 'ko nakapagreply sa kaniya.

"Luh, delikado ka Bes. May GPS ba yang phone mo?"

Di mawala-wala kaba ko. "Oo. Mero'n 'tong GPS bes. Bakit?"

"Sana in-off mo ang GPS niyan Bes. Paano 'yan, ma-locate no'n kung saan ka banda. Magaling at alam no'n pasikot-sikot sa computer." pananakot pa ni Gold. "Baka sa mga oras na 'to, nasa labas na ng building si Alvaro." Dagdag pa niya. Sumilip siya sa labas ng campus.

Ala, bigla ako nanlamig sa takot! 😯









A/N. Salamat po sa pagbabasa! Love you. 😉

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon