CHAPTER SEVEN: Oh PLAN 101:What is your Ideal man?

134 7 8
                                    

A/N: Dahil love ko si bebet, ito point of view mo, pangga.
😊😊😊


GOLDIE'S POV

I'm sitting in the patio next to our house when I saw my friend's Ann Janet approaching to where I am.

Mukhang nagmamadali siya at may iniisip. Ano na naman kaya ang problema nito? Its been two weeks since the last time that we saw each other. Noong time na hinihingi niya ang advice ko hinggil sa pinasukang trabaho.

"Oh, bes. Maupo ka," papag ko sa upuang katabi ng upuang yari sa Narra. "Kumusta ka na? Pumayag na ba si Tita Adela sa plano mo?"

"Iyon nga ang pinoproblema ko ngayon bes. Pumayag siya pero may kondisyon!"

Nanlaki mga mata ko. "Ano daw ang kondisyon?" nabibitin sa eri na tanong ko.

"No boyfriend, no career! Kaya kailangan kong makahanap ng boylet bes!" at humagulgol ito ng iyak.

"Anooo?" nanlaki mata ko sa pagkabigla. Hehe!

Lumapit ako sa tabi ni AJ at inalo siya. "Tutulungan kita. Maghahanap tayo ng paraan, bes. Stop crying, madagdagan ang wrinkles mo. Dapat pagtapak ng buwan ng June ay stress free ka. It means, wala dapat wrinkles o pimples sa mukha para ma-amaze agad sa unang tingin yung mga students mo."Tumingala siya sa'kin na parang totoy. Hehe. Ang cute talaga nitong friend ko eh! Kaso ewan ko bakit wala parin siyang makitang boylet hanggang ngayon. Bakit kaya kung sino pa ang maganda, sila pa yung walang syota?

"Talaga bes? Saan naman tayo maghahanap ng magiging nobyo ko?" tila nawawalan ng pag-asa na tanong niya.

"Ganito," umayos muna kami ng upo. Then, nag isip ako ng lalaking pwede niyang maging boyfriend. Pagkuwa'y bumaling ako sa kaniya. "Ilang buwan mag-e-stay ang magiging boyfriend mo once makahanap na tayo?"

"Baka FOREVER bes," tila iiyak na naman na sagot niya.

"Oh no! Hang tagal!" gulat na gulat ako. " Pero para sayo bes, pipilitin nating makahanap ng lalaki. Pero bago yun, may tanong muna ako sayo. May nanliligaw na ba sayo bes?"

"WALA. Since birth pa. Tingin ko nga hindi pa ipinanganak ang lalaki na para sa akin," pabebe niyang sagot.

Napailing ako. "Sa ganda mong yan, wala talaga?"

"May nagka-crush lang sa'kin. Pero hanggan doon lang. Takot yata silang lumapit sa'kin bes."

"Ayown! Atleast, may nagka-crush sayo. My next question is who?"

"Di ko kilala. Basta, tumitingin-tingin lang kapag dumadaan ako sa tabi-tabi."

"Okay. Now, my third question is what is your Ideal man? Para atleast, alam ko agad. Baka mamaya, hanap ako nang hanap tapos ayaw mo pala. Mabuti na iyong nagkaliwanagan tayo."

Nag-iisip ng malalim si AJ. Even myself doesn't know what kind of person she wants to be with. Kasi sa aming tatlo ni Lorebel, itong si AJ ang masekreto, tahimik, may sariling mundo kung minsan, may pagkamataray minsan pero mabait din naman. At noong magkamasama kami sa College ay siya lang ang hindi ko tinatanong about sa love life because according to her, she doesn't want to talk about it. Kaya, nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito at nabuksan namin ang topic about sa love life niya. Anyway, thanks to Tita Adela.

"Um, bes pwede bukas ko nalang sasagutin yang tanong mo? Pag isipan ko muna ng maigi sa bahay kung anong quality ang dapat i-possess ng magiging boyfriend ko."nakakamot sa batok na sagot nito.

"Okay, walang problema bes."

"Sa tingin mo bes, magkakaboyfriend ako?"maya-maya'y tanong niya. Haist. Kahit kailan, wala talagang tiwala tong si AJ sa kaniyang sarili. Kung alam lang niya na pangalawa ang ganda niya sa kagandahan ko e baka tumalon na siya sa tuwa.

"Sa totoo lang bes, maganda ka. Ang kulang nalang is make over and boom! You're perfect!" napapitik sa hangin kong wika.

Sumungaw ang kislap sa mga mata ni AJ. "Totoo bes? Thank you talaga, bes. At Salamat din sayo bes ha, kasi nandito ka palagi sa tabi ko kapag may kinakaharap akong pagsubok sa buhay, katulad nito." taos-pusong wika niya. Pinagdaop-palad niya ang mga kamay namin.

"Walang anuman bes. Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung di manlang tayo magtutulungan. Kaya, chill lang. Remember, ang lahat ng problema sa mundo, may solusyon!"

"Thank you talaga bes!" at marahan niya kong niyakap.

Nang maghiwalay kami ay niyaya ko siyang pumasok sa bahay. "Magmerienda ka muna bes bago umuwi. Gumawa kanina ng sandwich si Denden. Alam mo naman para sa katawan niya, kaya naka-plan pati diet niya."

"Bakit palagi siyang nandito bes? Di ba, may bahay naman 'yan?" curious na tanong ni AJ.

"Oo. Kaso tinatamad siya umuwi do'n sa bahay niya kasi mag-isa lang siya do'n kaya dito siya pumipermi. Tsaka, okay lang naman sa'kin kasi most of the time nasa opisina parents ko at si Kuya kaya kahit papaano may kasama ako dito."

Tumango-tango lang si AJ. Pagpasok namin sa bahay ay nakadapa si Denden sa sofa habang naka-on ang Telebisyon at may pinapalabas na action movie ni Tom cruise. Nakatulugan na yata ng pinsan ko ang panunuod. Tiyak akong nag-spy na naman ito kagabi kung kayat puyat na puyat kahit tirik na tirik na ang araw. "Ay bes, wag mo ng pansinin ang pinsan ko ha? Ganyan talaga yan pagdito sa loob ng bahay, naghuhubad ng pang itaas." lingon ko kay AJ. Baka kasi nag-iisip na naman siya ng kung anu-ano. Knowing AJ, ayaw niyang nakakakita ng lalaking nakahubad sa harap niya.



A/N: Hope mabasa ito ni bebet.

Thank you for reading guys!

Don't forget to vote and comment. Thank you. 😊😊😊

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon