CHAPTER NINE: Prospect 1,2 & 3

105 8 0
                                    

GOLDIE'S POV

"Ano tingin mo kay Eduard, bes?" untag ko kay AJ na tulala habang tinitigan niya ang Mekaniko na ngising-ngisi sa kaniya. Nasa talyer kami ni Kuya Von.

Si Eduard ang una kong prospect dahil ito ang pinakamagaling na Mekaniko ni Kuya sa shop nito. May taas itong 5'7", katamtamang laki ng katawan, mataas ang ilong at sa awa ng maykapal ay kompleto pa naman ang ngipin. Maganda rin ang built ng katawan kahit na may kaitiman ang balat. And according to my instinct, kaya nitong magpatayan alang-alang sa minamahal. Hihi.

"Bes, wala ka bang iba na mapagpipilian diyan" Sa pagkabusangot ng mukha ni AJ, mahahalata na ayaw niya sa lalaki sa unang tingin palang niya dito.

"Mero'n pang iba Bes. Pero okay naman si Eduard ah. Mabait 'yan pagtulog, hindi naninigarilyo kung may trabaho, kung nag-iinum man yan yung sakto lang, tapos wala siyang tattoo sa katawan pero sa paa, meron."

"Bes, naman! Pwede ba yung may profession naman 'yong piliin mo para sa'kin?" nakasimangot si AJ.

Bumaling ako kay Eduard. "Ayaw niya sa'yo. Maghanap nalang kami ng iba. Tuloy niyo lang ginagawa niyo," sabe ko nalang, pati na sa mga kasamahan nito. Pero bago paman kami umalis ay bumunot ako ng limandaan sa pitaka at binigay sa kaniya. "Pambili niyo ng meryenda," ani ko.

Nakangiting nagpasalamat si Eduard sa akin.

Sunod ay pumunta kami ni AJ sa bangko ng Papa, sinkwenta metro mula sa talyer ni Kuya.

Pagpasok palang namin ay sumaludar na sa'kin ang gwardiyang may taas na 5'5", tisinito ang mata, maputi ang balat (sinong di puputi, naka-aircon ba araw2) haha, makapal ang pilik-mata at mukhang mabait naman.

"Ano pangalan mo pardz?" tanong ko sa sekyo.

"My name is Reynaldo Agape, Jr. ma'am!" snappy na sagot ng guard. Nilingon ko si AJ at binulungan, " Ano tingin mo sa guard, yes or no?"

"NO!" walang kagatol gatol na sagot ni AJ.

"Okay. No problem." sumenyas ako sa guard ng Thank you tapos pumasok na kami sa loob ng bangko --Ang Santa Maria Iloi Bank.

Paupo palang kami nang mahagip ng aking aking mata si Papa sa kaniyang Manager's table. Nagpaalam muna ako kay AJ na pupunta sa table ni Papa. Tumango lang siya.

"Hello, pa! Bati ko sa kaniya." Nakangiti.

"Oh Iha, anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?" bungad ni Papa. Nagulat yata siya nang makita ako, hihi! Actually, ngayon lang ako pumasok ng bangko. Pero kilala ako ng mga empleyado sa loob dahil may malaki akong portrait na naksabit sa opisina ni Papa.

"Hanging Amihan po," biro kong sagot. "Tsaka may kailangan lang 'ko Pa. Pwede ko po bang makausap ang lalaking assign sa accounting?" hinging permiso ko kay Papa. Sabay turo sa lalaking nakatagilid na may suot na dark blue polo.

"Ah, si Benjie Aragon? Pwede naman. Mukhang tapos na ang ginagawa niya dahil nagtsitsismis na sila ni Buenafe," seryosong payag ni Papa habang sinusundan ng tingin ang nag-uusap na empleyado.

"Thank you, pa."Tumayo na ko at nagtungo sa mesa ni Benjie. "Hi Bengjie, kmusta? Pwede ba kitang makausap? Or shall I say may ipapakiusap ako sayong friend ko."

"Sure, Miss Gold." maarteng sagot nito. Sumenyas ako kay AJ na nag-aabang lang ng tembri ko. Lumapit siya sa'min na nakangiti. Kita ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ni AJ at dumagdag pa ang korteng puso nitong mukha.

"Benjie, meet my friend Ann Janet." At nag-shake hands ang dalawa.

"Nice meeting you, girl!" Maharot na nagbeso beso ang dalawa.

Siniko ko si AJ. "Ano tingin mo sa kaniya? Papasa ba siya sa taste mo?" bulong ko sa tenga niya.

"Hindi. Bading naman 'to." reklamo niya. Di maipinta ang mukha.

Haist. Walang lusot. Nagpaalam nalang ako kay Benjie na lalabas na kami ng bangko ni AJ. Ganun din kay Papa.

Pagdating sa labas ay pinagpapawisang nagpaypay si AJ ng cartoon na bitbit niya kanina pa.

"Bes, ayaw ko na. Suko na ako." tila pagod na wika ni AJ.

"Ako din, pagod na,"sagot ko.

Sumakay kami ng motorsiklo ko pauwi ng bahay.

Pagdating sa bahay ay pasalampak akong nahiga sa sofa. Naabutan kong nagkakape si Denden habang nanonood ng noontime news sa telebisyon.

Out of nowhere ay bigla ko siyang tinitigan. Aha! Hanap kami ng hanap ni AJ sa labas, nandito lang pala sa bahay ang hinahanap ko. 😁😁😁

"Bes, wala na tayong problema!" ani ko at tumalon-talon kami sa tuwa ni AJ kahit na wala siyang kaalam-alam sa plano ko. Na naki-talon ma rin sa saya. Hahaha!












A/N: Maraming salamat sa mga nakapagbasa na! 😊

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon