CHAPTER FOUR: Graduation

138 9 8
                                    

ANN JANET'S POV

"Ano Bes, magkatext pa rin ba kayo ng pinsan ko?" tanong sakin ni Gold.

Kasalukuyan kaming nasa stadium kung saan ginaganap ang aming ika 64 commencement execises.

Sobrang ganda ni Gold sa suot na itim na toga at sa tulong ng light make up nito sa mukha. Palibhasa'y inspired kasi kasama ni Bes ang boyfriend na si Jiffrey.

Nang lingunin ko naman si Lorebel ay kuntodo ngiti ito sakin bagay na lalong lumiit ang singkit nitong mata.
Pakindat-kindat pa ito na halatang excited dahil luluwas daw agad ito patungong Maynila para roon magtrabaho.

Actually, magkaiba kaming tatlo ng course. Si Gold at Lorebel ay parehong Business Administration ang kinuha at 'yong akin naman ay Elementary Education.
Pero kahit na hindi kami malimit na magkakasama, still nananatili kaming magkaibigan mula unang taon sa kolehiyo hanggang sa ngayong graduate na kami.

Siniko ako ni Gold nang wala siyang makuhang sagot sakin."Hindi na Bes, nagpalit na 'ko ng number," sagot ko.

"Kaya pala Bes. Tinatanong ako ni Varo kung bakit hindi ka raw niya makontak, 'yon pala nagpalit ka na ng sim." May paghihinayang na turan ni Gold.

"Mag-iisang buwan na 'kong nagpalit ng number Bes. Hindi niyo rin alam ni Lorebel kasi umaasa kayo sa messenger," sagot ko.

Patapos  na ang programa nang mamataan ko si Alvaro papasok ng gate.

Pagdating ng lalaki sa gawi namin ay agad itong tumabi kay Gold.

"Paupo-in mo naman yung boyfriend mo," nguso nito kay Jiffrey na nakatayo sa bandang likod ni Gold.

"Kakatayo niya nga lang tapos pauupo-in mo?" pilyang sagot ni Bes.

Gumawi mga mata ko sa babaeng kasama ni Alvaro. May taas na 5"6' ang babae. Mapuputi at makinis ang mukha nito. At ang korte ng katawan ay pangrampa sa sikat na Victoria's secret fashion show.
Nakahawak ang isang kamay nito sa braso ni Alvaro.

"Siya nga pala Bes, meet Alvaro's fiancee- Mayeth Acosta." pagpapakilala ni Bes. "Yeth, siya si Ann Janet-bestfriend ko. Tsaka ito naman si Lorebel Santia Gora," baling ni Bes kay Bestie.

Naki-beso beso sakin ang babae. "Congratulations," bati pa nito.

Ako ang naunang humiwalay sa babae. Ang bango niya, pangsosyal ang amoy.

"Congrats, textmate!" Anang nakangising papalapit na si Alvaro.
Hanggang ngayon ba naman, textmate parin ang tawag sakin!

"Thanks," pilit ang ngiti na sagot ko.

Di nagtagal ay naunang umalis ang dalawa.
At nasundan ko na lamang ang likod ng dalawa na sweet na sweet na magkaakbay.

Nanibugho ako.

"Bes, punta ka maya sa bahay ha? May pinahandang salo-salo si Papa," ani Bes.

"Susunod ako Bes," sagot ko.

Pagkaalis nina Gold at Lorebel ay nilapitan ko si Mama na nasa gawing likuran.

"Congratulation 'nak!" ani Mama. Kinabig ko siya para yumakap.
Pero hindi ko napigilan ang mapaluha.

"Sssh. Ano ba 'yan, graduation mo tapos umiiyak ka?" sita ni Mama. Sabay pahid ng luha sa pisngi ko.
Dahil sa narinig ay napahagulgol ako ng iyak.
"Tama na 'yan anak, para ka namang namatayan ng pusa diyan sa palahaw mo!" biro ni Mama.

Siniko ko siya ng mahinay lang. "Si Mama naman, umiiyak na nga ang tao, jino-joke pa!" humihingos at pagalit kong turan ko.

"Joke lang! Dali, ayusin mo na 'yang sarili mo para kuhaan kita ng picture." yakag ni Mother. Sumunod nalang ako sa kaniya sa stage.

Pagkatapos naming magpicture taking sa stage na may background na "West Visayan University, 64th commencement exercises" niyaya na niya kong lumabas ng Stadium.

Naabutan ko pa sina Bes Gold, Lorebel, Alvaro at ang Gf nito sa labas.

Lumapit ako kay Bes saka kinalabit siya. "Bes, group picture tayo."

"O, picture daw," ani Gold. At dahil si Mayeth ang naiba sa grupo, siya 'yong kumuha ng litrato samin.
Bale ang pwesto ay ganito, si Gold, Lorebel, Alvaro at Ako.
Teka lang, nakahawak ang kaliwang kamay ni Alvaro sa beywang ko!

Pagkatapos magshoot ni Mayeth ay mabilis kong hinablot ang kamay ni Alvaro sa beywang ko. Ang loko, feel na feel ang paghawak. Maya magselos GF niya, ako pa ang dahilan.
Inismiran ko siya nang magtama mga mata namin. Pero ngumisi lang ang loko.

A/N: THANK YOU FOR READING ^_^

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon