CHAPTER TWENTY NINE: The Advice

70 7 0
                                    


Ann janet's POV

"Bel!" Nagulat ako nang mapagsino ang aking panauhin na talagang nagsadya pa dito sa School. Recess ng mga bata kaya nagkokopya ako ng ilang topic sa blackboard nang kumatok si Lorebel. "Kailan ka pa dumating?"

"Kahapon lang", aniya. Saka mahigpit niya kong niyakap. "Mas mabuti ka pa Nhe kasi habang tumatagal mas lalo kang gumaganda!" Pagkuwa'y puna niya habang tinitigan ako mula ulo pababa sa paa.

"Oo. Gano'n talaga pag may love life, mas gumaganda," nakangiti kong biro. Haha! Echoz lang yun. Pero di ko kasi maiwasang di kiligin sa tuwing naiisip ko si Alvaro. Magmula nang mag ON kami'y pinupuno niya ang puso ko ng ka-sweet-an at ka-romantic-an.

"Nakakapanghinayang lang na marami akong na-miss na kaganapan diyan sa love life mo." Malungkot na wika niya.

"Paano kasi di naman kita makontak kontak kapag tinatawagan ka. Siya nga pala kumusta na ang Manila Girl?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Hay, nakaka-stress! Kaya nga nag-AWOL ako ng three days sa Opisina kasi nabadtrip ako sa Boss ko at umuwi ako rito ng walang paalam. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang galit niya." Nababahalang turan pa niya.

Mukhang may L.Q sila ng Boss niya. "Si Prince Riyan parin ba ang Boss mo Bel?"

"Yes. Siya pa rin. And he's the pain in my ass cause habang tumatagal mas magagalitin siya. Sa tuwing bigyan ako ng bulaklak ng kliyente namin ay nagagalit siya. Bakit masama ba ang tumanggap ng bulaklak at maligawan sa Opisina e single naman ako." Paghihimutok pa niya.

"Teka lang friend, di kaya nagseselos yung Boss mo?" Curious kong tanong. Kasi obvious naman e, di ba? Bakit ito nagagalit kung bigyan man siya ng bulaklak ni tarpulano e single nga naman 'tong kaibigan ko.

"Parang hindi naman siya nagseselos, Nhe. Ang sabe lang niya, wag daw ako magpapaligaw sa Opisina, lalo na't pag nandiyan siya kasi kabastusan raw 'yon. Lalo pa't nasa harap niya mismo. Nakakasira raw ng araw niya yung makikita niyang binababoy yung Opisina."

"Hello! Ano namang kababuyan do'n ang pinagsasabe niya gayong wala naman kayong ginagawang masama ng manliligaw mo? Ang sasabihin niya, nagseselos talaga siya Day! Kung ako diyan sitwasyon mo, hahalikan ko pa yung sutor ko sa harap niya para lalo siyang magagalit." Natatawa ako sa king naiisip ko.

"Paghinalikan mo siya sa harap ko, pupulbusin ko siya!"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Alvaro. Akala ko may pupuntahan 'to? Bakit siya nandito? Dumiritso siya papasok sa classroom at tumigil mismo sa harap ko habang iniikutan ako ng mata.

"Sorry." Nakagat kong labi ko sa hiya. "Tsaka, example lang naman 'yon. Lumabas ka nga muna rito't may kausap pa ako." Pagtataboy ko kay Alvaro. Timing rin ang dating niya ah, narinig niya tuloy sinabe ko.
Hindi na siya nakahuma nang ipagtabuyan ko siya palabas ng classroom at saka ko sinarado ang pinto.

"You'll pay for this, later," banta pa niya bago pa siya tumalikod. Saka nakakaloko itong ngumisi sakin.

Pagbaling ko kay Lorebel ay nasalubong ko ang naughty smile niya. "Nagpaliit ba ng katawan si Alvaro nhe? Parang malaki kasi katawan niyan noong graduation natin, pang body building talaga."

"Oo. Sabe ko sa kaniya, liitan naman niya katawan niya kasi natatakot ako do'n sa una niyang katawan. Hindi naman kako siya sumasali sa body building para magpalaki ng gano'ng katawan. Hayst! Atake sa puso kako ang abutin ko sa tuwing nakikita ko siya na gano'n kalaki katawan niya."

"Sabagay nhe, mas bagay yong ngayong katawan niya sa kaniya. Yun bang hindi kapansin-pansin pero ikaw lang yung nakakapansin. Haha!"

"Loka-loka day. Hay naku, balik nga tayo do'n sa pinag-usapan natin. Gawin mo yung sinabe ko sayo na halikan mo yung sutor mo sa harap ng Boss mo." Seryoso kong advice. Hehe.

"Pag yan kako ang ginawa ko Nhe, tiyak mag-aalburoto 'yon sa galit. Kesyo sasabihin na naman no'n na, ginagawa na naming motel ang Opisina."

"Pabayaan mo na siyang mag-alburuto kasi di mo naman siya boypren. Tsaka, try mo lang naman. Para sakin kasi nagseselos talaga siya. Cause if not, dapat hindi ka niya pinapakialaman."

"Let me try your suggestion nhe. Tawagan kita once nagawa ko na."

Sakto namang nag-bell token that tapos na ang recess. Kaya nagpaalam na rin sakin yung kaibigan ko na aalis bago paman magsipasok sa classroom yung mga estudyante ko.

______________________________
A/N: May second book po ako na may pamagat "The Arrogant Prince", na uumpisahan kong isulat pagkatapos nitong TAT. Story po ito nina Lorebel at Prince Riyan.
Hope nagkaroon na kayo ng idea sa magiging story nila through this chapter.

Thank you for reading guys! 😊

-AgentLoree

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon