CHAPTER THIRTY FIVE: Iwas

51 4 2
                                    


Alvaro's POV

Madaling araw pa ko rito sa area kung saan visible ang tinutugis naming Wanted na suspect. Kararating lang ng lalaki galing sa Cavite ayon sa Intel.

Tumambay ako sa tindahan sa harap ng School dito sa Bulabud. At bumili ng tinimplang kape sa isang maliit na kainan saka umupo sa bakante upuan habang nagmamanman sa paligid.

Pasado ala sais palang ng umaga. Wala pa gaanong estudyante na pumapasok sa eskwelahan at hindi pa dumarating ang first trip na Bus na sinasakyan ng mga guro.

Naalala ko na naman si AJ. Papasok kaya siya ngayon? Nakakapanghinayang lang ang relasyon namin. Six months. Six months of pure happiness sa piling niya. Ngunit bigla nang maglalaho.
Bumuntong-hininga ako to ease the pain.

"Parang ang lalim ng iniisip mo Ser ah?" Pukaw ni Jonas sa diwa ko.

"May problema lang sa pag-ibig," wika ko na seryoso ang mukha.

"May kinalaman ba jan si Ma'am Ser? Yung sinusundo mo rito?" Tila nakikiusyuso na tanong niya.

"Oo. Break na kami." Walang gatol kong sagot.

"Saklap Ser. Kaya pala hindi na kayo magkakasama." At tumingin sa gawi ng gate si Jonas. Sinundan ko ang tingin niya at binundol ng kaba ang dibdib ko nang magkasalubong ang mga mata namin ni AJ. Kahit medyo nangingitim ang kaniyang ilalim ng mata ay maganda parin siya.
Ako ang naunang nagbaba ng tingin. Inubos ko kape ko at nilisan ang tindahan na hindi na lumingon sa kaniya.

Ako na muna ang didistansiya kay AJ. I don't want to mix my heartache to work.

Tumigil ako sa isa pang tindahan na nasa unahan lang. Yung hindi ako nakikita ni Aj ngunit natatanaw ko siya.

Nagsinde akong yosi at nagkukunwaring nakatambay lang. Habang ang aking mga mata ay alerto sa nangyayari sa paligid.

Iginawi ko ang tingin sa may gate ng eskwelahan kung saan nakita ko kanina si AJ. As usual nandoon parin siya at nakita kong kausap niya ang lalaking minsan ko nang sinuntok.
Parang bigla na namang kumulo ang dugo ko at parang gusto ko siyang sugurin. Wala talagang kadala-dala ang lalaking iyon! Pilit kong kinalma sarili ko habang hindi inaalis ang mata sa kanila, lalo na kay AJ.

Maya-maya'y may isa pang lalaki ang lumapit sa dalawa at animo'y nakipagkamay kay AJ. Mukhang feel na feel naman niya ang shakehands nila! Tsk. Makakabugbog talaga ako ng tao neto!

Hindi nagtagal ay pumasok na rin sa loob ng kampus si AJ habang ang dalawang lalaki naman ay naiwan sa labas.
Hindi nagtagal ay sumakay ang dalawa sa motorsiklo.

Agad kong kinontak si Jomar.
"Suspect confirmed visible in the area."

"Copy that. Sundan mo siya. Magkikita nalang tayo doon sa hide out nila Pare,"  aniya.

Agad na kong kumilos. Pinaandar ko ang motorsiklo ko at nakadistansiyang nakasunod sa kanila.

Usad-tigil ang ginagawa ng sasakyang sinusundan ko kaya gano'n rin ang ginagawa ko.

Makalipas ang sampong minuto'y, tuluyang huminto ang sinasakyan ni Rio sa isang lumang tindahan na halos giba na at hindi na ginagamit.

Pinatay ko rin ang makina ng motorsiklo ko sa kurbada bente metro ang layo mula sa kanila. Nagsinde ng yosi habang nagkukunwaring abala sa Cellphone.

Maya-maya'y sumirit ang earphone na nakasabit sa tainga ko. "Just arrived in the area Pare," ani Jomar."

"Copy that Pare. Standby lang kayo diyan."

Nang maputol ang nasa kabilang linya ay dumistansiya ako sa aking motorsiklo at lumapit sa puno ng niyog. Medyo may kalapitan ito sa tinatambayan nila Rio at nadidinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Babalik tayo sa School kapag recess na," anang kasama ni Rio.

"Sige tol. Tsansa ko na yun para makausap siya at maimbentahan sa hide out natin." Sagot naman ni Rio at sinundan iyon ng halakhak.

Siya? Sino ang pinag-uusapan nila?

Quarter to nine in the Morning. Maya-maya ay magbebell na ang School para sa recess. Kumilos ako pabalik sa nakaparada kong motorsiklo at binuhay ang makina. Kailangan kong bumalik sa School para makahanap ng magandang pwestong paghintayan sa grupo ni Rio.
Malalaman ko mamaya kung sino ang balak nilang dalhin sa hide out nila.

Ipinasok ko ang aking motorsiklo sa isang up and down na bahay ngunit mataas ang sahig ng second floor at di nagagamit. Pinapalibutan iyon ng mga tanim na saging ngunit mula roon ay kita ang gate ng eskwelahan at classroom.

Agad akong bumaba ng motorsiklo at gumawa ng surveillance sa area. Sarado ang pinto ng bahay at tantiya ko'y matagal nang hindi inuuwian ng may-ari dahil sa may kalumaan na iyon at halos butas butas na ang bubong na gawa sa pawid.

Naghanap ako ng siwang na pwede akong magkasya at pumasok roon. Wala na ring naiwang mga gamit sa loob ng bahay.

Lumapit ako sa nakapinid na bintana at sumilip roon. Saktong pagsilip ko ay dumaan ang kotseng sinasakyan nila Rio. Sinundan ko iyon ng tingin. Tumigil ang sasakyan sa harap ng tindahan ni Jonas at bumaba ang dalawang lalaki. Umupo sa pahabang upuan habang hindi inaalis ang tingin sa may gate.

Maya-maya'y nagbell ng Recess. At bumaha ng mga estudyante ang playground ng School.

Kinuha ko ang aking telescope sa bagpack at sumilip roon. Agad na nasagip ng aking mga mata si Rio na papasok ng gate. Habang naiwan naman sa tindahan ang kasamahang lalaki.

At halos mapamura ako nang ang classroom ni AJ ang tinutumbok ni Rio.
Kumatok ito sa pinto ng classroom saka pumasok. At nakita ko ang kaswal na pag-uusap ng dalawa. Wala namang bahid ng pananakot ayon sa reaksyon ng mukha ni AJ.

Nagtagal ng sampong minuto ang pag-uusap nila AJ at Rio. Maya-maya'y nagpaalam ang lalaki at bumalik sa kasama nitong kumakain ng banana cue.

Pagkadating ni Rio ay pumasok ang dalawa sa loob ng sasakyan ngunit hindi pinaandar ang makina. Tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Tila may sinasabe si Rio sa lalaki na ikinahalakhak nito.

Makalipas ang tatlong oras ay nakita ko papalabas ng gate si AJ at ang estudyante nitong babae. Banta ko'y manananghalian ito sa labas.
Ngunit laking gulat ko nang dumiritso sila sa nakaparadang kotse ni Rio at sumakay roon.

Shit! Shit! Bigla akong naalerto.
Bakit sumama si AJ kay Rio?








__________________________

Thank you for reading. Sensiya, ngayon lang nakapag update...busy ang ate niyo. 😊

-AgentLoree




The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon