TWENTY THREE: Moving on

77 5 3
                                    

ANN JANET'S POV

3 weeks later

Three weeks had passed and it still hurts. Parang totoong relasyon yung napasukan ko dahil besh ang sakit sakit pa 'rin!

'Nak, may problema ba?" Si Mama. Nagulat pa 'ko nang pitikin niya ang matangos kong ilong. Buti na lang, di namaga.

"Nanggugulat naman po Si Mama!" reklamo ko. Nakaupo ako sa tapat ng mesa na tinatahian ni Mama habang nakatingin ako sa ginagawa niyang pagtatahe sa new uniform ko, pero nasa malayo ang aking iniisip. Katatapos ko lang mag-agahan ng fried rice with bacon and egg with matching milk. Parang baby lang nu? Gano'n talaga basta't only child. Kahit matanda na'y binebeybi parin.

Sembreak ngayon sa lahat ng paaralan dahil Halloween kaya nasa bahay lang ako.
"Wala po 'Ma," sagot ko. "Wag mo nalang pong pansinin ang kaartehan ko." Pag-iiwas ko sa kaniya.

"Paanong di ko papansinin e halos tatlong linggo ka nang lutang 'nak? At teka lang...bakit hindi ko na nakikita si Alvaro na pumupunta rito sa bahay?" Usisa ni mother.
S

a ganitong pagkakataon gumagana talaga ang instinct ni Mama.

"Lutang daw," ulit ko sa paraang nagmumuni-muni. " Si Mama talaga, daming nakikita. Marami lang po akong iniisip about School 'Ma kaya po parang lutang. Pero wala po akong problema. At 'wag mo na pong alalahin si Alvaro, busy po siya sa kaniyang negosyo," alibi ko. Nakita ko sa mga mata niya ang salitang I understand. Ang hindi lang alam ni Mother ay break na kami ng lalaking palagi niyang bukambibig, three weeks ago pa. At magmula noon ay hindi ko na ito muling nasilayan pa rito sa subdivision. Hindi na rin ako nagtanong kay Bes Gold kung saan ito nagpunta at baka magduda na naman ang babaeng 'yon. Kilala ko ugali ng best friend kong 'yon e, alaskador lalo na pagdating sa lalaki. Matagal na raw kasi niyang wish na sanay magkaboyfriend ako ng seryoso. Yung hindi ako lolokohen at sasaktan. Ang hindi lang niya alam ay sinaktan na yung puso ko ng pinsan niya. I was totally broken right now at walang nakakaalam no'n maliban sa sarili ko.

"Mabuti naman kung gano'n 'nak." May tiwala na wika ni Mama. "Siya nga pala, tumawag si Gold kaninang 5AM habang tulog ka pa at pinapasabe na sasamahan mo raw siya sa Boracay mamayang hapon. Three nights raw kayo ro'n at pumayag na ako." Ayon sa boses ng pananalita ni Mother ay parang itinataboy niya ko.

"Itinataboy mo ba 'ko Ma?" Kunwa'y reklamo ko.

"Hindi. Pumayag lang ako dahil gusto kong eenjoy mo 'tong sembreak na 'to 'Nak habang wala pang pasok. Go, mag-ayos ka na ro'n ng mga dadalhin mo. Hihintayin ka raw niya before 1PM sa bahay nila."

"Opo." Mother knows best nga. And mother's perception is right. Sa tingin ko'y kailangan ko nga ng bakasyon after all.

Tumungo na kong kwarto ko at inihanda ang aking one piece suit na matagal ng nakatago sa mahiwaga kong drawer. Tatlong piraso iyon na iniregalo sakin ni Gold noong debut ko. Aniya, dalaga na raw ako kaya kailangan ko daw ipamalas ang ka-sexy-han ko para di daw mapanis. Kaya, this is it! Ito na ang oras para ipakita ang aking kagandahan in the whole universe! Echoz lang. Hehe! Pero totoo, magpakasawa ako sa Paradise Island suot ang aking swimsuit. Total, pareho naman kaming girl ni Gold at sa tingin ko'y magbibikini rin siya. At malay natin, doon ko na rin matatagpuan ang aking Ideal man.

Pagkatapos kong ipasok sa Backpack ang lahat na kakailanganin ko sa pagbakasyon ay naligo na 'ko.
Pasado alas nueve na ng umaga na. Tinanghali ako ng gising sa kakaisip kay Alvaro kagabi. Nasaan kaya siya ngayon? Namiss ko ang kakulitan niya dahil hindi na rin niya 'ko tinetext pa. Sadyang tinotoo at sineryoso niya ang break up namin. Haist. Baka kailangan ko na rin siyang kalimutan?

Tinapos ko ang paliligo at agad na pinatuyo ang aking hanggang beywang na buhok. Nang bigla kong maisipan na magpagupit. Tama! Para makamove-on, magpapagupit ako ng hanggang leeg then pakukulayan ko ng color gold para maiba naman.

Nakangiti akong nagpaalam kay Mama na lalabas sandali.

At matapos makipagbuno ng aking buhok sa suki kong parlorista ay mas lalo akong gumanda. "Ayan, loDi. Sobrang petmalu na ng byuti mo. Pangrampa na sa Miss Universe!" bulalas ni Alex a.k.a Alexandra.

"Thanks, girl. At dahil diyan, sagot ko na ang lunch mo plus may tip ka pa sakin." Nasisiyahang wika ko kay Alex.

"OMG! Truelalo, Madam? Atlast, maka-enkA na 'ko nitetch!"

"Seriously, Alex?" Gulat kong tanong.

"Yes, Madam. Naubos ng syunga kong boylet ang aking money kaya hetitchiwa, diet akitch ng two days."

"Oveeer! Magbreak ka muna at kumain ka na ro'n...heto ang 1, 500. At wag mong ibigay lahat sa syota mo ang 'yong pera. Mag-save ka rin para sa sarili mo." Lecture ko sa kaniya.

"Yes, Madam. And Thank you very much! You're my Angel in disguise." Naluluhang wika ni Alex.

"No problem. Just keep up the good work." Aniko. At lumabas na 'ko ng salon.

May pagmamadali akong nagbike pauwi. Twelve-thirty eight PM na 'ko nakarating ng bahay. Feeling proud naman si Mama pagkakita sa new hairstyle ko. "Alis na 'ko Ma. Ingat ka po rito." Paalam ko sa kaniya sabay halik sa noo niya.

-------

Thank you po sa nagvote at nagcomment. Love you! 😊

-AgentLoree

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon