CHAPTER THIRTY SIX: Kidnap

56 4 1
                                    


Ann Janet's POV

Tinatamad akong pumasok nang araw na iyon dahil ramdam ko parin ang panibugho gawa ng pag-ibig. Subalit bilang isang guro ay kailangan kong pumasok sa paaralan hindi dahil sa iyon ang pinili kong propesyon kundi dahil kailangan ako ng mga mag-aaral.

Mula sa Kalibo ay nagcommute ako papuntang Bulabud. Alas singko palang ay nag-aabang na ko ng Bus sa paradahan na nasa oyotorong.
No choice si Mama dahil wala nang maghahatid sa akin dahil nga break na kami ni Alvaro. Kaya kahit ayaw niya kong magcommute ay wala na siyang nagawa.

At dahil maaga akong nakasakay ng Bus, maaga rin akong nakarating sa School. Pagkababa ko ng sasakyan ay wala pa gaanong estudyante sa playground.
Huminga akong malalim. Kakamiss lang yung mga sandali na hinahatid at sundo ako ni Alvaro papuntang School. I feel safe pagkasama siya. But now, hungkag ang aking naramdaman.

"Good morning Net!" Kahit di ko man lingunin, alam kong si Rio iyon. Wala sana ako sa mood na pansinin siya ngunit kabastusan naman kung hindi ko siya bigyang pansin gayong magkaibigan naman kami.

"Morning Ri. Sige ha, diretso na ko sa Classroom ko." Iwas ko sa kaniya. Ngunit mataman niya kong pinigilan sa siko.

"Sandali lang." aniya. "May kasama nga pala ako, barkada ko- Si Michael. Nagbakasyon lang siya rito."

Nilingon ko ang lalaki. Mas malaki ang katawan nito kompara kay Rio at mahaba ang alon-alon na buhok. Puno ng tattoo ang mga kamay. At may mahaba ang balbas sa mukha na animo'y isang Bandet.

"Kumusta?" Nakangiting inaabot niya ang kamay ko para makipag shakehands. Tinanggap ko naman at sinuklian siya ng ngiti kahit sa kaloob-loobang bahagi ng dibdib ko ay natatakot ako.

"Sige ha, papasok na ko. May mga kailangan pa kasi akong gawin." Pagkuwa'y paalam ko.

"Sige net. Mamaya nalang tayo mag-usap sa Recess." Ani Rio.

"Sige." Ngunit bago pa 'ko tumalikod sa kanila ay nahagip ng aking mga mata si Alvaro na nasa tindahan at may bitbit na basong yari sa styro. Nagkakape siya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Anong ginagawa niya rito? Ngunit kusa ring nagbaba ng tingin saka dali-daling tumalikod.

Nanghihinayang na tumalikod na rin ako at tumuloy sa classroom.

Parang gusto ko na namang umiyak. Torture ang ginawa niyang pag-iwas sa akin.

Pagdating sa room ay inabala ko ang aking sarili sa pagwawalis para maitakwil si Alvaro sa aking isip. Ngunit, tila pilit paring umokilkil ang kaniyang balintataw sa aking diwa. Nakikinita ko ang kaniyang madilim na mga titig at may kahalong galit.

Saka ko lang siya naiwaglit sa aking isip nang magsipagdatingan ang aking mga mag-aaral. Nagconcentrate na rin ako sa pagtuturo. Hindi ko na nga namalayan nang magbell na for recess.
Nagmamadaling nagsipagligpit ang mga estudyante ko kaya tinapos ko na ang huling aralin na tinuturo ko bago ko sila pinalabas para magrecess.

Nanghihina akong napaupo sa aking desk sa bandang likuran. At muling napukaw ang aking diwa nang may kumatok sa pinto.

"Hi Net, dinalhan kita ng cookies tsaka Juice baka hindi kapa nag agahan." Si Rio.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya na nasa labas parin ng pinto.

"Salamat. " Pilit akong ngumiti at inabot ang paper bag.

"Siya nga pala Net, mamayang tanghali pwede ka bang maimbitahan na kumain sa bahay? Fiesta ngayon doon. Isama mo si Loraine. Don't worry, after lunch ay ihahatid rin kita dito sa School."

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon